Ronnie Liang ready to try acting; signs contract under new management

Ronnie Liang’s take on acting: "Gustung-gusto ko, kasi ito naman talaga ’yong first dream ko. I’m so thankful na nakilala din ako sa pagkanta."


Pumirma ng three-year contract ang singer na si Ronnie Liang sa Viva Entertainment.

Naimbitahan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press na dumalo sa contract-signing noong Martes, Enero 17, sa opisina ng Viva, sa 7th floor ng Tektite Building, Ortigas Center, Pasig City.

"First of all, I’m so thankful, and thankful na part na ako ng Viva family," sagot ni Ronnie nang aming tanungin kung ano ang inaasahan niya ngayong hawak na siya ng Viva.

Dagdag pa niya, "Sa aking palagay, nakatagpo na ako ng tamang management para sa akin."

Ilan sa mga nag-handle na kay Ronnie ay sina George Roca, Arnold Vegafria, at ang Star Magic.

Noong nag-aaral siya ng kursong Education sa Holy Angel University sa Angeles, Pampanga, ay pumirma ng kontrata sa Viva si Ronnie.

Ngunit dahil hindi niya mapagsabay ang pag-aaral at trabaho ay pinili niyang magtapos muna sa kolehiyo.

Nagtapos siya noong Abril 2006, tapos ay sumali sa talent search ng ABS-CBN na Pinoy Dream Academy.

Taong 2007 nang kanyang ilabas ang album na Ronnie Liang: Ang Aking Awitin, sa ilalim ng Universal Records.

Nakapaloob sa naturang album ang hit single niyang "Ngiti."

Matagal ding napahinga si Ronnie, pero ngayo’y handa na siya para buhaying muli ang kanyang career.

NEW RONNIE. Wala pang maibigay na detalye si Ronnie tungkol sa mga nakapaloob sa kanyang kontrata sa Viva, maliban na lang sa sinabi niyang susubukan na rin niya ang pag-arte.

"Siyempre ngayon, aside sa recording, sa pagkanta, napag-usapan din namin before ’yong medyo mag-a-acting na ako.

"During the meeting, tinanong nila kung okay ba akong mag-cross...

"Hindi naman parang crossroad, pwede ba akong lumipat sa pag-arte pero at the same time, kumakanta ka pa rin, sabi nila.

"Kasi, you know, alam ninyo naman sa music industry ngayon, medyo down because of the piracy.

"Gustung-gusto ko [ang acting] kasi ito naman talaga ’yong first dream ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m so thankful na nakilala din ako sa pagkanta," saad ni Ronnie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN