Marvin Agustin decides to go freelance; willing to work with ABS-CBN again

Marvin Agustin on the possibility of working in his former home network: "Sabi ko nga, sa laki ng utang na loob ko sa ABS, if ever they will offer me something, okay ako."


Maraming mga bago sa buhay ng actor/concert producer/businessman na si Marvin Agustin ngayong 2012.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marvin kahapon, Enero 18, sa Sumo Sam restaurant sa ABS-CBN compound, inisa-isa ni Marvin ang mga bagong kaganapang ito at ang iba pang aabangan sa kanya ngayong taon.

"Ang daming bagong mangyayari sa akin.

"Sobrang saya, actually last quarter pa lang ng 2011, very excited na ako for 2012.

"Ang dami na kasing pumapasok na trabaho. Ang daming endorsements na pumapasok.

"’Tapos, yung expansion pa ng restaurant namin.

"So, ang dami...ang dami-daming dapat ipagpasalamat for 2012 and for my birthday," sabi ni Marvin.

A MEANINGFUL BIRTHDAY. Malapit nang ipagdiwang ni Marvin ang kanyang ika-33 kaarawan sa Enero 29.

Pero sa halip na magarbong party, mas pinili niyang mag-birthday kasama ng mga bata, na ang ilan ay may harelip, o bingot, at kanya nang natulungan sa pamamagitan ng Operation Smile.

Saad niya, "Mero’n akong mga kids na dadalhin sa Enchanted Kingdom sa Janaury 28. Siguro about 30 to 40 kids.

"I will treat them sa rides, may mga games, storytelling, siyempre kainan.

"Magpapasaya naman ako ng mga bata.

"I’ve been so blessed. This time, gusto ko, ako naman ang magregalo.

"Sa dami ng biyayang natatanggap ko, ayoko nang humingi pa sa Diyos.

"Gusto ko lang mag-share this time."

Isasama niya raw sa naturang event ang six-year-old twins niya na sina Santiago at Sebastian.

Talaga bang iminumulat na niya ang mga anak sa ganitong worthy cause?

"Oo," tugon ng aktor.

"At saka itong mga kids na ito, they’re very special to me kasi nga dun sa Operation Smile, may mga kids na tinulungan ko last year. Pinagamot namin yung harelip nila.

"Ngayon, okay na sila."

Ano ang reaksiyon ng kanyang kambal dito?

"They’re very excited. Dapat nga may school fair kaming pupuntahan, school fair nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sabi ko, I guess this is more meaningful and maganda yung ma-expose sila sa ganitong klaseng activity."

TRYING FREELANCE. Sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang showbiz career ay sinusubukan ni Marvin na maging freelancer.

Ito nga ang naging desisyon niya nang matapos ang kontrata niya sa GMA Artist Center noong December 31, 2011.

Ano ang nagtulak sa kanya para gawin ito?

"Parang ano rin, e... nami-miss ko na ring makatrabaho yung mga taong nakatrabaho ko na before.

"And it doesn’t mean naman na I won’t be working with GMA-7 anymore.

"Parang gusto ko lang ding lawakan yung mundo ko," sabi niya.

Nagsimula si Marvin sa ABS-CBN, at ang talent arm nitong Star Magic ang nag-manage sa kanyang career.

Nang lumipat siya sa GMA-7 ay hinawakan naman siya ng GMA Artist Center.

Ngayong freelancer na siya, napili naman ni Marvin kuning manager ang dating head ng Star Records at record producer na si Annabelle Regalado-Borja.

Bakit si Annabelle Borja ang napili niyang mag-manage ng career niya?

"Matagal na kaming magkaibigan niyan, e.

"Timing naman na nung pa-expire na yung contract ko sa GMA Artist Center, ’tapos siya rin, she wanted to venture into a new direction sa kanyang career.

"Gusto nga niyang magkaroon ng more relaxing time, kasi nga parang pagod na pagod siya sa corporate world.

"So, yun, nung magkita kami, nag-usap kami, and sabi namin, ’Sige, why don’t we help each other.?’"

Kilala si Annabelle bilang record producer, posible kayang pasukin din ni Marvin ang pagkanta at paggawa ng album?

"Bakit hindi?" natatawang biro niya.

"Kung anu-ano na nga ang pinagagawa niya sa akin para mag-improve daw ang boses ko.

"Nagbo-vocal coach na siya sa akin.

"Pero siyempre, hindi naman ako ganun kaseryoso na magiging singer na ako.

"Kailangan ko lang din para sa mga out-of-town shows.

"I believe din kasi na malaki ang maitutulong ni Annabelle sa akin pagdating sa pagpo-produce ng concerts," saad ni Marvin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kay Marvin, mina-manage din ngayon ni Annabelle ang career ni Aiza Seguerra.

COMEDY MOVIE ABOUT IDIOTS. May bagong pelikula ring ginagawa si Marvin ngayon sa ilalim ng Viva Films, ang Moron 5 & The Crying Lady.

Sa direkisyon ni Wenn Deramas, ang comedy movie ay kinatatampukan nina Luis Manzano, Billy Crawford, Martin Escudero, DJ Durano, at John Lapus.

Ano ang role niya sa movie?

"Kaming lahat idiots, pero hindi namin alam na idiot kami.

"Kaya nga Moron 5, kaming lima yung moron, o idiot.

"Parang feeling namin, ang tatalino namin. Pero, hindi pala namin alam na ganun pala kami katanga.

"Nakulong kami rito, nakatakas...basta ang dami naming kalokohang ginawa."

Nakaka-apat na shooting days na raw sila at talagang ine-enjoy ito ni Marvin.

"Ang saya. First movie ko ito na ganyang kaloko yung mga kasama ko.

"Ibang klase yung energy ng mga kasama ko. May ka-match ang energy ko!

"Si Luis, hilarious. Si Billy, napakagaling, ang kulit. Si DJ, ang galing.

"Si Mart ay revelation, ang galing din pala niyang magpatawa.

"And of course, si John Lapus.

"Si John ang leading lady naming lima. Siya ang crying lady."

Ibinuko ni John na magkakaroon siya ng love scene sa isa sa kanyang leading men. Sino ba ito sa kanila?

"Pinagtatalunan pa naming lima.

"Actually, grand prize winner yun kung kanino siya magkakaroon ng love scene," biro ni Marvin.

Dahil ang direktor nila ay si Direk Wenn—na siya ring nagdirek ng all-time number one box-office hit movie na Praybeyt Benjamin—pinapangarap din ba ni Marvin na maabot ng movie nila ang tagumpay ng pelikula ni Vice Ganda?

"Well, since it’s Direk Wenn Deramas, hindi malayong mangyari. Siyempre, gusto ko yun," sabi niya.

Ngayong taon daw ay gusto ni Marvin na gumawa ng maraming pelikula.

"I want to do more movies.

"Pero marami rin naman akong ginawa last year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I did The Road. ’Tapos yung Enteng ng Ina Mo at saka yung Ikaw Ang Pag-ibig.

"Nakagawa rin ako ng short film, yung Kasambahay Habambuhay.

"Gusto kong gumawa ng mas maraming drama ngayon."

Posible rin ba siyang mag-produce ng pelikula?

"A, tsine-check ko pa yung mga ipon ko."

NEXT TV PROJECT. May ginagawa na ba siyang TV shows?

"TV show? As of now, wala pa.

"Right now, si Annabelle yung nakikipag-usap."

Sa tatlong higanteng TV networks—ABS-CBN, GMA-7 at TV5—alin ang priority niya?

"Sa ngayon, wala akong priority. Kung saan siguro yung may magandang offer.

"Basta right now, ang dami ko ring pinagkakaabalahan.

"So, I guess kung ano yung magandang project na puwede kong gawin.

"Channel 2, alam naman natin na diyan ako nagsimula.

"Channel 7, they gave me so many breaks pagkalipat ko sa kanila.

"Open din naman ako sa TV5.

"So, depende kung saan ako mapapadpad.

"Mas maganda nga kung puwede sa lahat, di ba?"

Hindi ba niya naiisip na tuluyan nang bumalik sa ABS-CBN, lalo na’t maraming mga Kapuso ang lumilipat, o nagbabalik-Kapamilya, gaya nina Patrick Garcia at Carmina Villarroel?

Ayon kay Marvin, "Ang alam ko, nakikipag-usap na si Annabelle sa ABS.

"Kami naman, basta depende sa project.

"Sabi ko nga, sa laki ng utang na loob ko sa ABS, if ever they will offer me something, okay ako."

Kung sakali raw na magkaroon siya ng show sa ABS-CBN, ang gusto ni Marvin ay isang reunion project kasama ang mga nakatrabaho na niyang mga artista dati.

Kasama rito sina Kristine Hermosa, Judy Ann Santos, Mylene Dizon, at Patrick Garcia.

MORE INTERNATIONAL CONCERT ARTISTS. Pumatok last year ang pagiging concert promoter at producer ni Marvin with his Futuretainment Inc..

Lalo na nga’t pawang mga bigating international artists ang nadala niya sa bansa para mag-concert.

Kabilang dito sina Bruno Mars, Maroon 5, Miley Cyrus, Thirty Seconds to Mars, at ang Blackeyed Peas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matutuloy ba ngayong taon ang pinag-uusapang pagkuha niya kay Madonna para mag-concert?

"Wala pa,"sabi ni Marvin.

"Baka nga sabihin ng mga tao tuloy na tuloy na.

"Inaano pa...hinihintay pa namin yung mga sagot.

"So far, right now, hindi pa namin alam kung paano ang mangyayari."

Bukod kay Madonna, may iba pa ba siyang tina-target na madala sa bansa?

"Madami kaming naka-lineup sa mga projects namin for the year.

"Pero, they’re still not confirmed yet. But yung negotiations are happening."

MORE RESTAURANTS. Bumongga rin ang restaurant business ni Marvin noong isang taon.

Sa ngayon ay may 17 restaurants na siya na kinabibilangan ng Sumo Sam, Robotosan Japanese Grill and Shabu-Shabu, John and Yoko, Mr. Kurosawa, Johnny Chow, Komrad, Oyster Boy, at Marciano.

Masaya ring inihayag ni Marvin na ngayong taon ay mas marami pang branches ng mga restaurant niya ang ilu-launch.

"I’m proud to say na this year ang pinakamaraming restaurant na io-open namin.

"Actually, tonight [Enero 18], we’re doing the soft launch ng John and Yoko sa Alabang.

"And then sa birthday ko, we’re opening our first Japanese buffet sa Fort Bonifacio.

"’Tapos magkakaron kami ng branch ng Sumo Sam sa GenSan at Subic.

"Magdadagdag din kami ng Sumo Sam sa SM Cebu at sa Davao."

Target din ni Marvin at ng kanyang business partners ang international expansion ng kanilang restaurants sa ibang bansa, gaya ng Amerika at China.

NO LOVELIFE YET. Kung mero’n man daw hindi bago kay Marvin ngayon, ito ay wala pa rin siyang bagong lovelife.

"Wala pang masyado ngayon. Wala pa talaga yung utak ko ngayon dun, e.

"Ang sarap din naman kasing maging single.

"May mga anak na rin naman ako.

"Darating din yun."

Pero nakikipag-date ba siya?

"Oo, labas-labas, pero nothing serious yet."

May dahilan naman daw kung bakit ayaw pa niyang magseryoso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay, sa dami ng hirap, ngayon pa lang ako nakaka-enjoy-enjoy, e.

"So, sine-savor ko muna," sabi ni Marvin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN