Chynna Ortaleza feels blessed to shoot scenes for indie film Migrante in Israel

Chynna Ortaleza on going to Israel to shoot Migrante: "Parang lahat naman ng tao, kasama sa bucket list nila ang makarating ng Holy Land. Kaya noong sinabi sa akin ng handler ko, mag-i-indie nga raw ako, kasama raw ako sa Israel, wow! Parang napakasuwerte ko naman na nakapunta ko na, ang bata ko pa lang din. Kaya sabi nga ni Direk over breakfast, ’O, hayan, masasabi n’yo na nakapunta na kayo diyan.’"


Feeling blessed si Chynna Ortaleza na maging bahagi ng indie film na Migrante.

Bukod sa ito ang unang ng pelikula niya kay Direk Joel Lamangan, nabigyan pa siya ng pagkakataong makarating sa bansang Israel.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chynna noong Martes, January 17, ilang araw matapos niyang manggaling ng Holy Land para sa shooting ng Migrante.

Ayon kay Chynna, "Ito ang first film ko with Direk Joel and my first indie with him.

"Nakakagawa naman ako before ng indie, yung Hukay, pero hindi siya na-release.

"Natapos din namin yung shoot and si Jodi [Sta. Maria] din ang kasama ko do’n.

"Now naman, I’m very happy na napasama ako sa Migrante."

Banggit pa ng Kapuso actress, "Si Direk Joel, nagiging director ko siya sa mga soap ng GMA.

"Kapag nagkakausap kami, tinatanong niya ako, kung gusto kong mag-indie.

"Sabi ko naman, ’Oo naman, Direk.’

"So, siguro naisip din niya na maganda rin na pagpasok ng 2012, may ginagawa akong movie."

FIRST TIME IN ISRAEL. Hindi raw akalain ni Chynna na sa paggawa niya ng indie film ay makakarating siya sa Israel.

"Natuwa talaga ako," sambit niya.

"Parang lahat naman ng tao, kasama sa bucket list nila ang makarating ng Holy Land.

"Kaya noong sinabi sa akin ng handler ko, mag-i-indie nga raw ako, kasama raw ako sa Israel, wow!

"Parang napakasuwerte ko naman na nakapunta ’ko, na ang bata ko pa lang din.

"Kaya sabi nga ni Direk over breakfast, ’O, hayan, masasabi n’yo na nakapunta na kayo diyan.’"

Noong first day nila sa Israel ay sa Jerusalem sila nag-shoot.

Noong second day ay sa Sea of Galilee o Dead Sea.

At noong third day ay sa Bethlehem.

Kuwento pa ni Chynna, "Four days actually. Noong dumating kasi kami, gabi na.

"Three days lang yung whole day of work namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya ang team namin. Blessed ako na nakasama ako sa kanila.

"Ako, si Allen [Dizon], si Jodi—ang tawag namin sa sarili namin, tatlong itlog!

"Kasi, kami yung magkakasama palagi."

Kasama rin daw nila sina Luis Alandy at Jim Pebangco.

Lima raw silang artista, pero 17 daw silang lahat na nagpunta ng Israel, kasama ang crew.

PINOYS IN ISRAEL. Lahad pa ni Chynna, "Marami rin kaming na-meet na Israeli na naka-work namin.

"They are very nice people naman.

"Yung isang co-actor namin, si Ely. Nakakatuwa kasi mas marami pa yata siyang napuntahang lugar sa Pilipinas kesa sa akin.

"Ang dami rin Pinoy sa Israel. Ang dami naming nakita, nakilalang mga OFW sa Israel.

"Pero sabi ng nakausap namin, nag-aalaga raw siya ng matanda, caregiver siya, pero mabait naman daw ang inaalagaan nila."

Ang Migrante ay base sa kuwento ng isang OFW na nagtatrabaho sa Israel, na ginagampanan ni Jodi Sta. Maria sa pelikula.

Ang role naman ni Chynna ay miyembro ng grupong Migrante sa bansang yun.

Paliwanag ni Chynna, "Ang Migrante kasi is an organization here in the Philippines that helps OFW in different countries na may OFW.

"Siyempre, madalas na sa gobyerno natin, ang nailalabas magaganda.

"Pero, hindi nakikita na araw-araw, nakaka-receive sila ng mga hindi magagandang kuwento.

"Yung role ko, Luis and Jim, part kami ng Migrante.

"Kumbaga, kami ang member ng Migrante sa Israel. At the same time, OFW rin."

WORKING WITH JODI. Second time na raw ni Chynna na makatrabaho si Jodi.

Sabi pa niya tungkol sa kanyang co-star, "She’s very nice.

"So, I had scenes with her before kaya medyo relax na ako.

"Sana yung heavy scenes namin, ma-pull off namin nang maganda.

"Sabi ko nga, ang mga indie films ni Direk Joel, nabibigyan niya ng award ang mga lead.

"Yun ang prayer ko for Jodi, sana mabigyan din siya ng award dito sa Migrante, kasi magaling naman siyang talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan sa indie films na nagawa ni Direk Joel ay Sigwa (2010) at Patikul (2011).

MORE INDIE FILMS FOR CHYNNA. Tinanong ng PEP si Chynna kung pagkatapos ba ng Migrante ay maengganyo pa siyang gumawa ng indie films.

"Tingnan natin," sagot niya.

"Depende rin kasi sa material.

"If I feel na kaya ko siya at may maitutulong ako.

"Like here, ang maganda, nakasama ako sa isang film na may advocacy.

"Ipinapakita ang hirap ng OFW at may mga ganitong organisasyon na puwedeng tumulong."

YOUNG CHERIE. Samantala, nagpapasalamat si Chynna dahil sa magandang feedback na natatanggap niya sa pagganap bilang batang Cherie Gil sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Legacy.

"Ang alam ko, hanggang Thursday [January 19] kami mapapanood, ’tapos papasok na ang present character.

"I’m the young Cherie Gil as Eva.

"Happy naman ako sa mga review na nare-receive ko.

"Nagulat din kasi ako, like yung pilot, they are tweeting my lines.

"Automatic na nagtu-tweet sila. They are saying they liked what I did.

"It was nice. I feel good.

"Kasi si Direk Jay Altarejos, very meticulous talaga siya sa mga scene."

Aminado si Chynna na may pressure sa kanya nang malaman na siya ang gaganap as the young Cherie sa Legacy.

Mula pa kasi noon ay open na si Chynna kung gaano niya hinahangaan ang veteran actress.

"Siyempre, hindi ko talaga alam ang reaction ng tao.

"Kung ano ang magiging reaction ng tao, lalo na alam nila, I’m the young Cherie.

"Napi-pressure ako since ang character ko is young Cherie Gil nga.

"So, I was surprised people said I did a pretty good job," sabi ni Chynna.

NEXT PROJECT. Sa ngayon, hindi pa alam ni Chynna kung ano ang susunod niyang project sa GMA-7.

Pero may guaranteed contract daw siya sa network for three years.

Mas pinili nga ni Chynna na manatili sa Kapuso network kesa ang tanggapin ang offer mula sa ibang channel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Chynna, "Sabi naman ng handler ko, meron na raw [next project].

"Pero ako kasi yung hangga’t walang sinasabi sa akin na ito na, doon pa lang ako.

"Sa ngayon, ang focus ko muna Migrante, since up to first week of February pa ang shooting namin.

"Hopefully, yung naging performance ko sa Legacy will create a mark for ETV [Entertainment TV]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN