Empress Schuck still gets nervous in her scenes with Eula Valdes; denies Ejay Falcon is courting her

Young actress Empress Schuck topbills ABS-CBN’s latest afternoon soap, Mundo Man Ay Magunaw, where she plays a daughter who takes care of her alcoholic mom.


Muling magbibida ang young actress na si Empress Schuck sa pinakabagong afternoon series ng ABS-CBN, ang Mundo Man Ay Magunaw.

Gumaganap siya rito bilang si Sheryl na nag-aaruga sa ina niyang lasenggera.

Marami na ring nagawang serye si Empress, gaya ng Rosalka at Guns And Roses.

Ano ang pagkakaiba ng role niya sa Mundo Man ay Magunaw sa mga seryeng nilabasan niya noon?

"Ang pagkakaiba, ayun, mas mature na ang role ko rito, hindi na siya yung pa-sweet.

"Matapang ako rito.

"Kahit mahirap lang ako, hindi ako nagpapaapi, lumalaban ako," sabi ni Empress tungkol sa kanyang role.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Empress sa presscon ng Mundo Man ay Magunaw kagabi, January 18, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Paano siyang nakaka-relate sa kanyang role?

"Ayun nga ang pinaka-challenging sa akin.

"Ang ginagawa ko na lang, binabasa ko nang mabuti yung script namin, ’tapos pinag-aaralan kong mabuti yung role at ina-apply ko sa akin.

"Inilalagay ko sa isip ko na ang dapat, ang makita sa akin ng mga tao ay si Sheryl na matapang at hindi si Empress na sweet," sabi ng young actress.

EULA VALDES. Si Eula Valdes ang gumaganap na tunay na ina ni Empress sa Mundo Man Ay Magunaw.

Aminado ang young actress na kahit nakatrabaho na niya noon si Eula ay kinakabahan pa rin siya kapag nakakaeksena niya ito.

"Nakasama ko na siya dati sa Maalaala Mo Kaya. Nanay ko rin siya doon.

"Matagal na yun, bata pa ako.

"Nakakakaba talaga kapag may scene kami together.

"Pero mabait siya, ’tapos matulungin din.

"Sa workshop namin noon para sa serye, nagbibigay siya ng advice sa akin, saka mga tips din sa tamang pag-arte," pagbabalik-tanaw ni Empress.

EJAY FALCON. Si Ejay Falcon naman ang kapareha ni Empress sa bagong serye na ito ng ABS-CBN.

Para sa dalaga, "perfect" na si Ejay ulit ang ibinigay na partner niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una niyang naging leading man ang young actor sa naudlot na telseryeng Guns and Roses.

Ayon kay Empress, "Si Ejay kasi, matangkad siya, ’tapos ako, matangkad din.

"Kaya bagay talaga na kami ang maging partner.

"Tapos sa features, hindi naman ako gaanong kaputian.

"Si Ejay, ganun din, moreno lang din naman siya."

Sabi ni Ejay ay lumalabas sila ni Empress. Gaano kadalas ang paglabas-labas nila?

"Siguro sa isang buwan, mga sampung beses kaming lumalabas.

"Pero hindi lang naman kaming dalawa, may kasama kaming mga kaibigan," paglilinaw ni Empress.

Nililigawan na ba siya ni Ejay?

"Ay, hindi po. Bawal!" sagot ng 18-year-old actress.

Paano kung ligawan siya ni Ejay, may maaasahan ba ito sa kanya?

"Hindi ko pa po alam.

"Pero sa tingin ko, hindi ko pipiliin na makarelasyon ko yung nakakatrabaho ko.

"Parang ayoko ng ganoon," sabi niya.

May mga nanliligaw ba sa kanya ngayon?

"May mga nagpaparamdam.

"Pero hindi ko naman hinahayaan na magparamdam sila sa akin.

"Sa ngayon, parang ayoko pa talagang magka-boyfriend," sagot ni Empress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN