Niña Jose denies rumor Vic Sotto is courting her; calls the comedian-TV host a "special person"

Niña Jose on the rumor that Vic Sotto is courting her in the midst of talk that the actor is in a relationship with Pauleen Luna: "All I’m saying is that, si Bossing, si Marvic, treats me special and in return I also treat him special. He’s a special person. He’s a nice guy and he’s a real person."


Itinanggi ng young sexy actress na si Niña Jose ang isyung nililigawan diumano siya ng top comedian-TV host na si Vic Sotto.

Magkasama sina Niña at Vic sa comedy show ng TV5 na The Jose & Wally Show Starring Vic Sotto.

Ayon kay Niña, "Nagulat ako nang lumabas yung issue na sinasabi nilang nililigawan ako ni Marvic [tunay na pangalan ni Vic], dahil hindi totoo yun.

"He’s just a special friend dahil sobrang bait niya.

"Baka na-misinterpret lang nila yung sinabi ko kaya nag-assume sila, na sinabi ko na nililigawan ako ni Marvic, or ni Bossing Vic."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ipa pang media si Niña sa presscon ng Valiente, kahapon, January 19, na ginanap sa 8 Spices Restaurant, Scout Borromeo, Quezon City.

CALL ME MARVIC. Kapansin-pansin na "Marvic" ang tawag ni Niña kay Vic Sotto.

Bakit ganito ang tawag niya sa Eat Bulaga! host?

Paliwanag niya, "Ayaw niya kasi patawag sa akin ng Bossing. Mas gusto niyang tinatawag ko siyang Marvic.

"Yun kasi yung real name niya, di ba, Marvic Castelo Sotto?

"’Tapos, tinatawag niya rin ako sa real name ko—Mary Claire.

"He’s a very, very good friend.

"Ang sabi ko, special friend ko siya."

Hindi ba siya nasasaktan, na dahil sa mga kuwento-kuwentong nililigawan siya ni Vic, sinasabihan siyang "assuming"? (Ito ay lengguwaheng showbiz para sa presumptuous o presumido.)

"No, I’m not! Because I know the truth and it doesn’t hurt," sagot ng 23-year-old actress.

PAULEEN LUNA. Dahil sa pagkaka-link ni Niña kay Vic ay hindi naman maiwasang mabanggit ng press ang pangalan ng young actress na si Pauleen Luna.

Usap-usapan din kasi sa showbiz ngayon na may relasyon sina Vic at Pauleen, na magkasama sa noontime show ng GMA-7 at TAPE Inc. na Eat Bulaga!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkaibigan ba sina Niña at Pauleen?

"I met her. You know, we’re okay naman.

"We just say ’Hi, hello!’ ganyan."

May halong intriga, nagtanong ang isang reporter kung naisip ba niyang baka ang naglalabasang negative issues sa kanya ay galing kay Pauleen.

"I have no idea.

"All I can say, if they’re in a relationship, I’m not getting in the way.

"All I’m saying is that, si Bossing, si Marvic, treats me special.

"And in return, I also treat him special.

"He’s a special person. He’s a nice guy and he’s a real person."

Hindi niya nakikita ang sarili bilang third party?

"No. No. No! I’m not the type," sabi ni Niña.

Ano ang puwede niyang sabihin para makampante si Pauleen?

"Hi Pauleen! Stay happy and God bless you."

Sa kabila nito, walang pag-aamin na nagmumula sa kampo nina Vic at Pauleen tungkol sa nababalitang relasyon nila.

HYPOTHETICAL QUESTIONS. Nang mapansin ng ibang press na "palaban" si Niña sa kanyang mga sagot, tinanong nila ito ng ilang hypothetical questions tungkol sa pagkakaugnay nila pareho ni Pauleen kay Bossing Vic.

Game namang sumagot si Niña.

Hindi ba siya natatakot na awayin siya ni Pauleen dahil sa pagkaka-link niya kay Vic?

"Hindi! Hindi naman," sagot ni Niña.

Paano pag inaway o sinugod siya ni Pauleen?

"Hindi naman ako mang-aaway, pero sana wala namang away na maganap.

"After all, wala naman akong ginagawang masama, sinasabi ko lang ang totoo.

"Basta huwag niya lang ako sasaktan ng pisikal.

"Pero kung sugurin ako at kausapin niya ako nang maayos, mag-uusap kami dahil wala naman talaga.

"Pero pag sinugod niya ako ng pisikal, ibang usapan na yun.

"Pero kung words lang at alam ko naman yung totoo, go lang."

Palaban ba talaga siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman, ibang usapan na kasi pag pisikal na," sabi ni Niña.

Pag tinalakan siya, tatalak din ba siya?

"Ay, hindi po. Pero pag sinaktan ako pisikal, ibang usapan na ’yan."

Paano pag sinabunutan siya ni Pauleen?

"Ay naku, hindi lang po sabunot ang aabutin niya!"

May insidente na ba na sinaktan siya physically?

"Wala pa naman pong insidenteng ganun.

"Pero may mga umaaway din sa akin with words, hindi lang po ako pumapatol."

Pag sakitan na, walang atrasan?

"Oo, iba yung pisikal! Pisikal yun, e.

"Yung mga umaaway sa akin, I will just pray for you."

AWKWARD FEELING? Pagkatapos lumabas ang issue tungkol sa kanila ni Bossing Vic, nagkita na ba sila ng producer/actor/endorser?

"Yes, nung Monday [January 16].

"Yung taping ng Jose and Wally Show, nag-usap kami and I told him, ’Ganyan...’

"’Tapos, he just laughed about it."

Sinabi ba ni Vic na huwag na niya itong tawaging Marvic?

"No! No! Of course not," halakhak ng former Pinoy Big Brother Teen Edition housemate.

Pagkatapos lumabas ng issue sa kanila, nagkailangan ba sila ni Vic sa taping ng kanilang show?

"No! We’re not ilang! We just laughed about it."

Hindi siya umiiwas sa taping nila?

"No, why? We know the truth.

"Wala naman talaga. I didn’t say anything wrong, bakit ako iiwas?"

THE REAL BOYFRIEND. May boyfriend ba siya ngayon?

"Yes. He’s a businessman.

"Sinagot ko siya nung January 1 at happy ako sa kanya," pag-amin ni Niña.

Bakit nali-link din siya kay JC de Vera, na co-star niya sa Valiente?

"I don’t know. He is just my friend," sagot ni Niña.

May kinalaman ba siya sa breakup nina JC at Danita Paner?

"Uy, grabe naman yun! Wala naman akong kasalanan.

"It’s not true. Kaibigan ko lang siya.

"Hindi ako nang-aagaw, may boyfriend ako," diin ng sexy star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ay ipinakita ni Niña sa amin ang picture ng kanyang boyfriend.

Ayon kay Niña, Joseph ang pangalan ng 31-year-old boyfriend niya.

Dagdag pa niya, "Everything happened so quickly. And I’m happy and he makes me happy."

Hindi ba nagseselos ang kanyang boyfriend dahil nali-link siya kina Vic Sotto at JC de Vera?

"Hindi!" tawa ni Niña.

"He’s very understanding naman.

"Pero, feeling ko, pa-cute na paselos, but he’s very understanding."

Paano sila nagkakilala?

"I met him through a friend.

"He understands my line of work and yung mga isyung lumalabas sa akin.

"And he’s very mature."

Pero napag-usapan ba nila ang tungkol sa pagkaka-link niya kina Vic at JC?

"Oo naman! And sobrang supportive siya sa akin at hindi siya naniniwala.

"Alam mo ba na nasiraan kami ng kotse ngayon, pinahiram pa niya kami ng kotse ngayon?" pagtukoy niya sa kanyang boyfriend.

Hiram lang at hindi ibinigay na lang, biro ng mga reporter.

"Ay, hindi lang yun, maybe. Who knows?" natatawang sabi ni Niña.

Kung reregaluhan siya ng kotse, ano ang gusto niya?

"I don’t know, basta masaya ako sa kanya.

"Hindi naman kasi ako humihiling ng mga material na bagay, basta mahal ako ng tao.

"Basta true love, that’s all I want."

Hindi kaya sa bilis na naging sila, ganun din kabilis ang pagpapakasal nila?

"Ay, hindi! I don’t think so.

"I’m not yet ready to get married. Im only 23!

"I’m not yet ready and my priority is my career."

KAPATID. Gumaganda ang takbo ng career ni Niña sa TV5.

Sa katunayan, sa trailer pa lang ng Valiente, pinuri na ang acting niya.

"Sobra-sobrang thankful ako sa TV5 kasi sa dami at sobra-sobra kong pinagdaanan, sobrang masaya po ako.

"Ang daming blessings ni God.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang daming blessings na ’binibigay sa akin at sobrang bait sa akin ng TV5," saad niya.

Kilalang mahigpit ang director nila sa Valiente na si Direk Joel Lamangan. Hindi pa ba siya nakakatikim ng sigaw nito?

"Ay, sanay na po ako dun.

"Noon pa lang sa Mano Po, minura na ako ni Direk, kasi sa love scene namin ni Dennis Trillo.

"Pero, okey lang po kasi marami akong natutunan sa kanya.

"Hindi po ako nakakalimot na magpasalamat kay Direk Joel kasi marami akong natutunan sa kanya."

Sa Valiente ba ay may love scene sila ni JC?

"Mero’n, ang guwapo ni JC!" sambit ni Niña.

Naakit ba siya sa abs ng aktor?

"Oo naman, sino ba namang hindi maguwa-guwapuhan kay JC?

"Maganda yung abs niya!" natatawang pagsang-ayon niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN