Ariel Rivera on returning to the Kapamilya network: "110 percent great decision."

Ariel Rivera on network contracts: "You know, sometimes a contract helps you, sometimes it doesn’t help. You get tied up to it, you know. Sa side ko, it works for me having a contract. But to other people, it only hinders their movement. Hindi naman lahat ng contract is positive. Sometimes all tied up ka na, wala ka nang magawa. Like yung sa ibang artista na napi-freeze sila, pero dahil may contract sila, wala na silang magawa. Some benefits you, some


Masayang-masaya si Ariel Rivera dahil sa dami ng mga proyekto niya sa ABS-CBN.

Simula sa Lunes, Enero 23, ay mapapanood siya sa sa Precious Hearts Romances Presents Lumayo Ka Man Sa Akin bilang ama ng bidang si Maja Salvador.

Sa susunod namang Lunes, Enero 30, ay ipapalabas na ang E-Boy, kung saan isa siya sa main cast.

Ginagampanan niya ang papel na Gabriel, ang creator ng robot na si E-Boy, na ginagampanan naman ng child star na si Bugoy Cariño.

Ayon kay Ariel, "I’m blessed.

"You know what, when I came back sa ABS, nung first day ko, na-feel ko na I’m at home kasi dito ako nag-umpisa, e.

"Ngayon, I’m so blessed and I’m so thankful to ABS-CBN, to our bosses for giving me these projects.

"And not only projects, but wonderful projects."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ariel sa grand presscon ng upcoming Kapamilya primetime teleserye na E-Boy kagabi, Enero 19, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

SPECIAL EFFECTS PROJECT. Maraming special effects at computer-generated images (CGI) sa E-Boy, lalo na sa robot scenes ni Bugoy.

Mahirap bang magtrabaho sa ganitong proyekto, lalo na’t ang kinakausap niya’y hindi niya nakikita? Tuwing robot kasi si Bugoy, CGI na.

"You know, the thing about working with Bugoy, kahit na alam ko na may special effects siya, he got those expressive eyes.

"So, when I do a scene with him, makikita mo pa rin, may connection pa rin ako sa kanya. Hindi mahirap.

"Hindi siya madali, pero hindi mahirap because siguro I’m also a father.

"So, I can understand when the script was given to me na with this kind of situation.

"’Tapos, I’m handled by two wonderful directors [FM Reyes and Nick Olanka].

"So, hindi gaanong kahirap.

"When I do the scene with Bugoy, I don’t see the robot, I see Bugoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The robot in the story, may puso siya."

Bakit dapat panoorin ng mga tao ang E-Boy?

"Because sometimes the father-and-son relationships are overlooked.

"Oftentimes, sa mga soap, laging hina-higlight natin yung relationships between the child and mother.

"This is quite different.

"Since I am a father dito, it gives a different perspective of what a father in the Philippines...yung relationship niya with a son.

"I think iyan ang pagkakaiba ng ginagawa namin.

"That’s why I’m so passionate about this because I have two sons of my own [Joaquin at Julio].

"I want to show them, this is how a father should love their son."

WORKING WITH E-BOY CAST. Tulad ng ibang senior cast members ng E-Boy, puno rin ng paghanga si Ariel sa bida nilang si Bugoy.

Hanga rin daw siya sa iba pang batang cast, tulad nina Maliksi Morales, Deydey Amansec, at Blythe Gorostiza.

Ayon kay Ariel, "Obviously, si Bugoy he’s very intelligent. I think he’s very witty.

"I think that separates him from the rest of the kids.

"At his early age, he has this passion for his work.

"Yung energy niya sa set, napakataas po. He’s full of energy.

"Kahit yung ibang mga bata sa cast, mahuhusay silang lahat.

"I have to commend the kids, ang huhusay nila.

"We are blessed na we have them as part of the cast."

Kasama rin sa main cast si Jomari Yllana, na gumaganap na kapatid ni Ariel, at si Agot Isidro na asawa naman niya sa soap.

Kumusta naman katrabaho sina Jomari at Agot?

"We are close friends before we are co-workers. Mga kaibigan ko iyan.

"Kumpare ko si Jomari, e.

"Si Agot naman, when she started sa Sa Linggo nAPO Sila, dun siya nag-umpisa, nagsama kami doon.

"I love the two of them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When I found out that I will be working with them, two thumbs up for me."

Kabilang din sa cast ng E-Boy sina Valerie Concepcion, Jaime Fabregas, Chinggoy Alonzo, Pen Medina, Carme Sanchez, Arjo Atayde, Akiko Solon, at Bryan Santos.

GELLI, JANICE & CARMINA. Marami sa mga artistang nagsimula o nagtrabaho noon sa ABS-CBN ang nagbabalik-Kapamilya na katulad niya.

Ilan pa sa kanila ay sina Richard Gomez, Janice de Belen, at Carmina Villarroel.

Ano ang masasabi ni Ariel dito?

"I know they’re happy.

"I know my sister [in-law] Janice, she’s very happy, lalo na the projects that she’s gotten.

"There’s another one coming up which I can’t disclose.

"I know Carmina is happy.

"Kasi best friend ni Gelli ’yan, e.

"Nung nag-usap sila, sabi niya she’s happy na she’s coming back to ABS."

Si Gelli de Belen ang misis ni Ariel.

Ngayong nasa ABS-CBN na nga sina Janice at Carmina—kapatid at best friend ni Gelli, respectively—wala ba siyang balak yayain na rin si Gelli na lumipat sa Kapamilya network para magkaroon ng reunion ang mga host ng SiS?

Ang SiS ang dating morning show sa GMA-7 ng tatlong female stars.

"Kanya-kanya naman ’yan, e.

"Hindi natin alam kung ano yung landas na susunod mong pupuntahan. Wherever she is happy.

"Right now, she’s happy. So, let her be muna.

"Ang upside to that is she gets the meaty roles in the other network."

Nakakontrata si Gelli sa TV5 ngayon.

Pero sakaling matapos na ang kontrata ng asawa niya sa Kapatid network, posibleng lumipat din ba ito sa Kapamilya network?

"Ayokong sa akin manggaling, baka ma-quote ako o ano. Baka maging negative sa asawa ko yun.

"She’s happy where she is. I’m happy where I am," sabi ni Ariel.

LIPATAN ISSUE. Napag-uusapan din ba nilang mag-asawa yung tungkol sa lipatan ng networks ng mga artista?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Not really," sagot ni Ariel.

"We talk about the projects that we were given. Not so much about the contracts.

"You know, sometimes a contract helps you, sometimes it doesn’t help.

"You get tied up to it, you know.

"Sa side ko, it works for me having a contract. But to other people, it only hinders their movement.

"Hindi naman lahat ng contract is positive. Sometimes all tied up ka na, wala ka nang magawa.

"Like yung sa ibang artista na napi-freeze sila, pero dahil may contract sila, wala na silang magawa.

"Some benefits you, some doesn’t. My case, it does."

Nakapirma ng network contract si Ariel sa ABS-CBN at dalawang taon ang kontrata niya rito.

Masasabi niya bang it’s a good decision na bumalik sa ABS-CBN?

Sagot ni Ariel: "110 percent great decision."

MOVIE PROJECT. Bukod sa TV shows, magkakaroon din ba siya ng movie projects sa Star Cinema?

"Wala pang nagsasabi sa akin. Meron akong nabalitaan.

"Well, si Malou [Santos, head ng Star Cinema] mentioned it to me nung presscon ng Maalaala Mo Kaya.

"Pero wala pang formal na sinasabi," sagot ni Ariel, na sa tunay na buhay ay hands-on dad at avid golfer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN