Barbie Forteza maintains friendship with Bea Binene despite their "rivalry"

Barbie Forteza’s wishes for 2012: "Sana po mabigyan pa ako ng chance na mag-portray ng iba-iba pang roles, para ma-improve ko po yung pag-arte ko. Sa personal life ko po, sana magkaroon ako ng mas madaming quality time with my family po."


Masaya si Barbie Forteza dahil may bagong afternoon soap ang kanyang kapwa tween star na si Bea Binene.

Si Bea ang bida sa upcoming afternoon telefantasya ng GMA-7 na Alice Bungisngis and Her Wonder Walis.

Si Barbie naman ay napapanood sa afternoon series na Ikaw Lang ang Mamahalin.

Ayon kay Barbie, "Masaya po ako na may bago siyang show, siyempre!

"Happy po ako na lahat kaming mga tween stars ay nabibigyan ng projects ng GMA."

RIVALRY. Maituturing ba niyang rival o karibal sa popularity si Bea bilang tween superstar?

"About po sa rivalry, wala po akong iniisip na ganun, as in wala po.

"Magkaibigan po kami ni Bea, at kami po, ginagawa namin ang trabaho namin na wala kaming iniisip na competition," sabi ni Barbie sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Hindi rin daw apektado si Barbie sa isyung mas mataas ang mga botong nakuha ni Bea sa isang popularity online voting ng fans.

"Okay lang po ’yon," sambit niya.

"Hindi ko naman po hawak ang isip at desisyon ng mga tao.

"Kung mas gusto nilang iboto si Bea kesa sa akin, okay lang po sa akin iyon.

"Ako naman po kasi, regardless sa mga votes na iyon, ramdam na ramdam ko naman po ang todong pagsuporta sa akin ng mga fans ko, or namin ni Joshua—ang mga JoshBie fans.

"The same way na sinusuportahan rin si Bea ng mga fans niya."

NEW SCREEN PARTNER. Papayag ba si Barbie kung ipapareha siya sa bagong ka-loveteam? Makakaya na ba niyang "iwanan" si Joshua Dionisio bilang ka-loveteam?

"Kung ako po ang papipiliin, of course, I’ll choose Joshua.

"Sobrang comfortable na po kami sa isa’t isa kaya kahit anong eksena, wala po talagang ilangan.

"Pero siyempre, GMA po ang masusunod dun.

"Kung may ipapareha sila sa akin na ibang leading man, okay lang po sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naniniwala po ako na alam ng GMA kung ano ang makakabuti sa career ng mga artista nila," saad niya.

Sino sa palagay ni Barbie ang babagay na bago niyang ka-loveteam?

"Naku, kahit sino po, okay lang po sa akin.

"Ka-close ko din naman po yung ibang tween boys, e," sabi niya.

Bukod kay Joshua, close kay Barbie ang male tween stars na sina Derrick Monasterio, Alden Richards, Jake Vargas, at Elmo Magalona.

THE BEST AND THE WORST OF 2011. Ano naman ang maituturing ni Barbie na pinakamagandang nangyari sa kanya sa year 2011?

"Last year po, nakabili na po kami ng mas magandang sasakyan.

"Naging mas kumportable po kami ng pamilya ko pag bumibiyahe kami o kaya kapag may taping."

Ano naman ang hindi kagandahang nangyari?

"Ang hindi lang po magandang nangyari ay yung mga tsismis na lumabas last year.

"Kasi marami din pong naapektuhan, e, hindi naman po totoo," sabi ni Barbie.

Ang ilan sa mga tsismis na ito ay nanood daw sila ni Joshua ng sine na silang dalawa lang at magka-holding hands pa.

Pati na ang intrigang madalas daw silang magkulong sa tent (o dressing room) tuwing may taping.

Ayon kay Barbie, kasama niya ang mommy at sister niya tuwing manonood sila ng sine ni Joshua. Kasama naman daw ni Joshua ang kapatid nitong lalaki.

Hinawakan daw ni Joshua ang kamay niya nang walang malisya para alalayan lamang siya sa paglalakad.

Tungkol naman sa pagkukulong sa tent, palagi raw marami silang magkakasama sa standby area kapag may taping at hindi silang dalawa lamang.

BARBIE IN 2012. Ano naman ang ini-expect ni Barbie o gusto niyang mangyari sa career at personal life niya ngayong 2012?

"Sana po mabigyan pa ako ng chance na mag-portray ng iba-iba pang roles, para ma-improve ko po yung pag-arte ko.

"Sa personal life ko po, sana magkaroon ako ng mas madaming quality time with my family po," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay patuloy na napapanood si Barbie sa Ikaw Lang Ang Mamahalin at Reel Love Presents Tween Hearts.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN