Jomari Yllana on Governor Chavit Singson’s statement about son Ronald’s ’fair-weather friends’: "(If) I will put myself in his shoes... I cannot really blame him for saying it."

"Sa pinagdaraanan na mabigat na pamilya na ganun, kahit ano puwede mong sabihin. Sa akin, I kept my silence because yung respeto sa family, especially para sa kaibigan ko, para sa tatay niya, kay Governor. I kept my silence, mahirap makialam sa ganyan," says Jomari Yllana when asked for his reaction to the statement made by Governor Chavit Singson about son Ronald’s so-called "fair-weather friends."


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ilocos Sur Governor Chavit Singson, nabanggit nito ang payong ibinigay niya sa nakulong na anak na si Ronald Singson tungkol sa kanyang "fair-weather friends":

"Pagbalik mo, piliin mong mabuti ang mga tunay na kaibigan mo. Marami ang kaibigan mo lang pag mayroon. Pag may problema na, nawawala."

(CLICK HERE to read related story.)

Matatandaang nakulong ng halos labinwalong buwan si Ronald sa Hong Kong dahil sa salang illegal possession of drugs.

Lumaya at nakauwi na sa Pilipinas si Ronald noong January 14.

Isa sa mga kaibigan ni Ronald ay ang aktor na si Jomari Yllana.

Naging mag-partner din ang dalawa sa pagpo-produce ng concerts sa pamamagitan ng kanilang itinatag na Fearless Production.

May reports noon na mula nang makulong si Ronald sa Hong Kong ay hindi raw dumalaw o nangumusta man lang sa pamilya Singson si Jomari.

CANNOT BLAME HIM. Nakausap ng PEP si Jomari sa presscon ng upcoming primetime series ng ABS-CBN, ang E-Boy, kagabi, January 19, sa Dolphy Theater.

Dito ay diretsa naming tinanong ang aktor kung sa palagay ba niya ay isa siya sa pinatatamaan ni Governor Singson sa pahayag nito tungkol sa mga kaibigan ng kanyang anak.

Hindi ba siya na-offend o nasaktan na ganito pala ang tingin sa kanya ng ama ng kaibigan?

Ayon kay Jomari: "Actually, hindi ko napanood, naikuwento lang sa akin.

"At dahil naikuwento sa akin, parang nakakagulat.

"But if I will put myself in his shoes, I wouldn’t really blame him.

"I cannot blame him for saying it.

"Sa pinagdaraanan na mabigat na pamilya na ganun, kahit ano puwede mong sabihin.

"Sa akin," patuloy ng aktor, "I kept my silence because yung respeto sa family, especially para sa kaibigan ko, para sa tatay niya, kay Governor.

"I kept my silence, mahirap makialam sa ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Number one, family matters.

"Pamilya niya yun, hindi naman ako kamag-anak, kaibigan lang ako.

"Sa akin naman, it took a while na rin the last time na narinig ko yun."

Dagdag pa ni Jomari, "Ronald is back again.

"Yung family niya, magkakasama na sila mag-anak, silang pamilya.

"Sa akin, kung anumang phase or stage na pinagdaanan nung nangyari kay Ronald, moving-on stage na, ’coz he’s back, nandito na siya.

"The only thing I can do for now, and mula nung umpisa na nangyari, is pray for him."

WALANG IWANAN. Paano ba niya ide-describe ang sarili bilang isang kaibigan?

Ani Jomari, "Ang hirap magkuwento kung ako.

"Siguro tanungin na lang ang mga kaibigan ko kung ano akong klaseng kaibigan.

"Pero pagdating sa pagkakaibigan sa akin, walang iwanan."

Ngayong nasa bansa na si Ronald, aminado si Jomari na hindi pa sila nagkakausap nito.

"Sa ngayon, hindi pa kami nagkikita, hindi pa kami nag-uusap nang personal.

"Hindi ko siya nasundo, busy kami masyado sa E-Boy. Puro out-of-town ako, nagsu-shoot.

"Hinahayaan ko lang muna sila [Ronald’s family].

"Kumbaga, ang daming aasikasuhin ng mga ’yan, marami pang dapat gawin sa agenda nila.

"So, sa akin, steady lang.

"Hintay-hintay lang, magkikita rin kami ni Ronald," saad niya.

VISITING RONALD. Nilinaw ni Jomari na sinubukan niyang dumalaw kay Ronald noong nasa Hong Kong pa ito.

Aniya, "Dumalaw ako sa kanya before nung hatol, parang October [2010] yata yun, bago nung birthday niya."

Pero si Ronald na rin daw ang nagsabi na wag na siyang dalawin ng mga kaibigan dahil sa kalagayan niya.

Sabi ni Jomari, "Narinig ko yun from a tao from the office, isa dun sa pinagkakatiwalaan nila.

"Pero sa akin, it makes sense, e.

"Parang thirty minutes in a month [allowed for visitation], makikisingit pa ba ako sa pamilya niya?

"Sa akin, yung oras niya, napakaselan for his family; for the mom, napakaimportante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unless na i-request niya na kailangan ka ng kaibigan mo."

Tungkol naman sa kanilang Fearless Production, sinabi ni Jomari na hindi niya patatakbuhin ang negosyo nila kung wala si Ronald.

"No, I don’t wanna do it alone.

"I don’t wanna do the production na wala siya.

"Para sa akin, yung negosyo, on the side lang yun.

"Mas importante yung friendship.

"Sa akin, mas importante nasa maayos siyang kalagayan."

AIKO MELENDEZ. Samantala, bago matapos ang 2011 ay nabalita ang magandang samahan ni Jomari at ng dati niyang asawa na si Aiko Melendez.

Marami nga ang nagsasabi na magkakabalikan silang dalawa.

May mga manghuhula ring nagsabi na by 2014 daw ay magkakaayos sila at pormal na magbabalikan.

Ano ang reaksiyon dito ni Jomari?

"Matagal ko nang naririnig ’yan," sabi niya.

"Tight lang kami, hindi kami nagkabalikan.

"Magkasundo kami as parents. Mas nagkakasundo, hindi nag-aaway.

"Single ako, walang keber, walang kailangang mag-adjust sa isa.

"We are just enjoying the company of the kids, pagpapalaki ng dalawang bagets.

"And so far, nagkakasundo kami."

Ang tinutukoy ni Jomari ay ang anak nila ni Aiko na si Andrei, at ang anak ni Aiko kay Martin Jickain na si Marthena.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN