Mark Herras gets thumbs up from Cesar Montano and Phillip Salvador for his psycho role in Hitman

Mark Herras on wanting to work with Kris Bernal and Heart Evangelista: "Actually, yung mga leading ladies sa GMA-7, e, maraming napakaganda. Maraming deserving para maging leading lady."


Excited si Mark Herras dahil maipalalabas na sa Pebrero 22 ang kauna-unahan niyang action movie, ang Hitman, na produced ng CM Productions at idi-distribute ng Viva Films.

Ipinagmamalaki ni Mark ang kakaibang role na ginagampanan niya sa pelikula na pinagbibidahan, idinirehe, at isinulat ni Cesar Montano.

Aniya, "Actually, maraming firsts para sa akin dito sa Hitman.

"’Eto yung first movie ko for the 2012.

"’Eto yung first hard-action movie ko na talagang humawak at nagpaputok ako ng baril.

"And for the first time din, gaganap ako ng isang character na may pagka-psycho ang dating.

"It’s a new character for me. It’s a very challenging role.

"Kaya sobra akong nagpapasalamat kay Direk Cesar sa pagtitiwala niya sa akin."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa presscon ng Hitman kahapon, Enero 19, sa Royal Dining Seafood restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Ayon kay Mark, nahirapan siya sa role niya sa Hitman.

"Kasi po, this a new role for me. Big acting challenge talaga para sa akin.

"Kasi, kailangan sa mga unang sequences, walang makikita yung mga manonood na bakas ng pagka-psycho ko.

"Kumbaga, later na lang nila malalaman iyon, na parang may hidden character sa akin, ganun.

"So, talagang acting kung acting ang kailangan."

WORKING WITH THE BEST. Mabuti na nga lang daw at pawang magagaling na artista at action stars ang kasama niya sa cast.

Bukod kay Cesar, kabilang din sa cast sina Phillip Salvador, Ricky Davao, at Joko Diaz.

Leading lady ni Cesar si Sam Pinto at introducing naman ang anak nitong si Diego Loyzaga.

Kuwento ni Mark, "Ang nakakatuwa dito, before ko po gawin yung mga scenes ko at i-deliver yung lines, siyempre igina-guide po ako ni Direk Cesar, at the same time si Kuya Ipe [Phillip].

"Yun na yung parang acting workshop ko kumbaga on-the-set, yung workshop ko hanggang sa actual shooting na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isama mo pa sina Kuya Ricky at Kuya Joko."

Ano ang feeling ng ganun na hindi siya pinabayaan ng director at co-stars niya?

"Masarap yung feeling, kahit na may pressure sa akin na kailangan kong magawa ito nang tama.

"Siyempre, puro mga best actor ang kasama ko, di ba?

"’Buti naman at pagkatapos ng shooting, natuwa naman si Direk Cesar at si Kuya Ipe."

Sa formal question-and-answer portion ng presscon, pawang mga magagandang salita at papuri para kay Mark ang naging bukambibig nina Cesar at Phillip.

Ano ang reaksiyon ni Mark dito?

"Siyempre, fulfilling na napuri ka nila. Sobra akong thankful.

"Masarap magtrabaho sa isang movie na mero’ng nagga-guide sa iyo sa character na pinagagawa sa iyo.

"’Pag nai-deliver mo nang maayos, natutuwa sila, at yun ang fulfilling dun."

FUTURE ACTION STAR. Sa presscon din ay sinabi ni Cesar na pagkatapos maipalabas ang Hitman ay puwede nang pakawalan si Mark para magbida sa sarili niyang action film.

"Nakaka-flatter, nakaka-ovewhelm ’yan coming from Direk Cesar, di ba?

"Given the chance at pagkakatiwalaan tayo ng network o ng producer, bakit naman hindi ko tatanggapin yung project, di ba?"

Ready na ba siyang maging action star?

"Tingnan natin. Hindi naman ako ang makapagde-decide nun, e.

"O, magsasabi na puwede na akong action star.

"Basta pag binigyan ako ng trabaho, gagawin ko ang trabaho. Ipapakita ko na kaya ko.

"Why not, di ba?

"Kasi, ’eto naka-experience na ako ng isang action film.

"Natuwa ako sa naging experience ko. Natuwa ako sa naging resulta.

"And dun sa mga naging comments nina Kuya Buboy [Cesar] at Kuya Ipe.

"It’s really an honor to be working with them and doing this action film with them.

"Sobrang nakakatuwa.

"Given the chance na mabibigyan ako ng break, siyempre tatanggapin ko."

LEADING LADIES. Kaakibat ng pagiging action star ang pagkakaroon ng magagandang leading ladies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung mabigyan siya ng big break sa action, sino ang gusto niyang maging leading lady maliban sa kanyang actress-girlfriend na si Ynna Asistio?

"Alam mo, madami naman, e. Kahit sino naman.

"Pero, kung sasabihin mo na magbigay ako ng pangalan, siguro I’ll be happy to work again with Heart [Evangelista]."

Nagkatambal sina Mark at Heart sa teleseryeng Langit Sa Piling Mo ng GMA-7 noong 2010.

"Actually, yung mga leading ladies sa GMA-7, e, maraming napakaganda. Maraming deserving para maging leading lady."

Dagdag pa ni Mark, puwede rin niyang maging leading lady sa movie si Kris Bernal dahil nagkasama na sila sa telebisyon.

Una niya itong nakatambal sa primetime danceserye na Time of My Life ng GMA-7.

Muli silang magsasama sa afternoon soap na Hiram Na Puso.

Ano ba ang mero’n sa kanila ni Kris at patuloy silang pinagtatambal ng GMA-7?

"Hindi ko alam," sagot ni Mark.

"Siguro dahil maganda naman yung naging pagsasama namin sa Time of My Life, kaya nasundan kami ng bagong soap, ’eto ngang Hiram Na Puso.

"But this time, walang sasayaw dito, puro drama ito.

"Kung anuman yung nakikita ng network o ng mga tao, happy lang kami ni Kris sa magandang pagtanggap sa team-up namin.

"I’m very excited na magsimula na kaming mag-taping para naman makita naman ng mga tao na hindi lang puro sa sayawan itong dalawang ito kundi pati sa drama.

"And sana nga, makagawa rin kami ng movie together."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN