Cesar Montano on his love scene with Sam Pinto in Hitman:"Parang earthquake, may aftershock."

Cesar Montano explains why his love scene with Sam Pinto had to be shot like an "earthquake": "Sa akin, ako na ang director, ako pa ang writer, it’s difficult for me para gawin yung eksena. Paano ba ’to na hindi siya mao-offend or hindi siya mag-iisip na parang sobra na? Parang ayoko naman na kulang ang shot. Pagdating kasi, ayokong mamroblema sa editing. Na, ’Bakit walang ganito?’ Na hahanapan ka ng editor mo. E, w


Tulad ng ibang aktor na nakilala bilang action stars, isa si Cesar Montano sa umaasa na muling mabubuhay at magiging mainit muli ang pagtanggap ng publiko sa local action movies.

Sa bago niyang pelikulang Hitman—na siya mismo ang nagsulat, nagdirek, at nag-produce—umaasa si Cesar na ito ay tangkilikin ng mga manonood.

Ang Hitman, na idi-distribute ng Viva Films, ay ipalalabas sa February 22.

ASIONG SALONGA PAVED THE WAY. Naniniwala si Cesar na ang Metro Manila Film Festival 2011 entry na Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ay isang malaking senyales sa magandang pagtanggap muli ng tao sa action movies.

"Sa case ng Asiong Salonga, we should be very happy. [Maganda] yung reception na ibinigay sa Asiong Salonga.

"Kung titingnan mo, yung kasabay ng Asiong Salonga... And to think it’s a Metro Manila Film Festival [pero pinanood din].

"And we all know na kapag MMFF, hindi na kailangang maghintay pa tayo or kailangan natin ng fortune teller. Alam na natin ang mangyayari riyan.

"Alam na natin na pambata yung Enteng [ng Ina Mo] or Panday.

"Yun na lang hinihintay natin, kung ano ang gagawin ni Vic [Sotto] or ni Senator Bong [Revilla].

"Sabi ko nga, kung hindi ’yan [Asiong Salonga] ’pinalabas ng MMFF, tatabo nang husto ’yan.

"Kahit 70 million ang ginastos diyan, baka makabawi pa.

"But I’m very, very happy for the reception of people sa Asiong Salonga."

EYEING INTERNATIONAL FILMFESTS? Ang pelikulang Hitman ay plano rin ni Cesar maipalabas sa international film festivals.

Ito ang naging pahayag ni Cesar sa press conference ng nasabing pelikula sa City Best Restaurant kahapon, January 19.

"Of course, yun ang intention, ma-invite sa international film festival. Kasi, maganda ang istorya.

"Hindi naman siya hard-action na...as in hard action na napapanood natin before.

"Sana makita ng ibang festival at ma-exhibit pa.

"Marami kaming nakapila ng Viva Films na gagawin this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Immediately after this, magsisimula na kami sa February for another film na yield talaga for international film festival."

Gaano siya kasaya na nakagawa siyang muli ng action ng film?

"I’m very happy," sabi ni Cesar.

"Maligayang-maligaya ako dahil, at least, ako ang isa sa mga artista na naging part para buksan ulit ang pintuan ng action film para sa industriyang ito.

"And I know, not only for the actors, pero gayundin sa ilang manggagawa sa pelikula na magkakaroon din ng trabaho.

"So, it’s very, very important for us na mabigyan ng sigla [ang action movies].

"Anything na makakapagbukas ng trabaho para sa manggagawa ng pelikula is a positive thing for our industry."

LOVE SCENE WITH SAM? Sa trailer pa lang ng Hitman, ipinakita na ang love scene nila ng leading lady niya sa movie na si Sam Pinto.

Kung tutuusin daw, matagal-tagal na ring walang love scene si Cesar, bakit biglang nagkaroon with Sam?

"Alam n’yo, sa totoo lang, ayoko sana itong pag-usapan," pasubali ng actor-director.

Pero siyempre, inudyukan si Cesar na pag-usapan pa rin.

"Alam n’yo, sa totoo lang, pagkatapos ng eksena naming yun, namamangha ako.

"Parang earthquake, may aftershock.

"Hindi mo siya nakakalimutan. Mahirap kalimutan."

Dugtong pa niya, "At saka, sa akin, ako na ang director, ako pa ang writer, it’s difficult for me para gawin yung eksena.

"Paano ba ’to na hindi siya mao-offend, or hindi siya mag-iisip na parang sobra na?

"Parang ayoko naman na kulang ang shot.

"Pagdating kasi, ayokong mamroblema sa editing. Na, ’Bakit walang ganito?’

"Na hahanapan ka ng editor mo. E, wala na, tapos na ang shooting."

So, tinodo na niyang talaga?

"Kailangan ganoon, e.

"Dapat naman, when it comes to acting, when it comes to performance, you have to give your all.

"Dapat ganoon."

Sa mga binitiwang salita ni Cesar patungkol sa kanyang leading lady na si Sam, hindi kaya pagsimulan ito ng isyu sa pagitan nila ng misis na si Sunshine Cruz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam n’yo, si Shine [tawag din kay Sunshine] siyempre, artista rin siya dati.

"I’m very sure na naiintindihan niya lahat ng ginagawa ko as a director, writer, and producer," saad ni Cesar.


WILL HE DO A PROJECT WITH TV5? Wala raw kontrata si Cesar sa alinmang network sa kasalukuyan.

Nagbiro pa nga itong nanawagan sa press conference: "Freelance po ako mga kaibigan. Puwede n’yo po akong ihanap ng trabaho."

Pero dahil may mga tie-up sila ni Vic del Rosario ng Viva Films, aminado si Cesar na may posibilidad ding gumawa siya sa TV5, kung saan ay konektado ang Viva big boss.

"Mero’n. May possibility kasi, freelance ako ngayon.

"Any station, any network, very possible na mapunta ’ko."

Naging masaya ba siya bilang Kapuso dati?

Sagot ni Cesar, "Yes, oo.

"Talagang kapag ikaw ay napunta sa network ng GMA-7, talagang mararamdaman mo ang puso nila at pagmamahal nila."


KAPAMILYA OFFER? Hindi naman itinanggi ni Cesar na may offer din sa kanya ang ABS-CBN.

"Yes, may offer sila sa akin to do John Lloyd Cruz and Bea Alonzo this March.

"Pero kami ni Boss Vic, may naka-lineup kaming pelikula.

"Right after this Hitman, we’ll have Getting to America.

"Ako rin po ang magdidirek no’n.

"And I’ll be co-writing with Donald Martin, isa pong writer sa Hollywood.

"Siya po ang sumulat ng Mattis, kuwento ni Henry Mattis, isang French baker.

"Ang title po ay Masterpiece.

"Ang artista nila roon sa Hollywood, si Al Pacino.

"Co-writer ko po siya sa Getting to America, na gagawin ko po at mag-ii-start po ang shooting last week of February, or first week of March.

"After that, babalik na naman po kami sa isang action movie ni Boss Vic."

Dramedy naman daw ang Getting to America.

MULTI-TASKING. Ano sa tingin niya ang advantage, o disadvantages na siya ang writer, producer at director ng isang pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang disadvantages—it’s a very, very tedious task. Napakarami mong dapat isipin.

"So, lahat nakikita mo, yung totality.

"Palagi kang nakatingin sa ginagawa mo, wala kang pinapabayaan.

"So, yun ang disadvantage. Mahirap.

"But working with them, like si Kuya Ipe [Phillip Salvador], hindi mo kailangang idirek.

"Ikaw na ang ididirek niya. He made life easier for me.

"Nakakatulong siya sa pagsuporta ng ibang artista.

"And makita pa lang namin ang eksena, alam na namin ang gagawin.

"Actually, may ilang bagay na hindi ko naiisip gawin, nadaragdagan niya.

"So, napapalaki. Napapaganda. Nai-embellish lalo ang eksena.

"I think, that’s an advantage to have an actor like Kuya Ipe."

Malaking bagay rin daw sa kanya ang iba pang supporting cast sa movie, gaya ni Joko Diaz.

"Si Joko, of course, napakagaling din at matagal nang artista.

"Si Mark Herras, magaling din.

"At hindi ako nagsisisi na yung role, ibinigay kay Sam Pinto.

"’Tulad ng sinabi ni Kuya Ipe, napaka-fast learner, supportive, considerate. Napakapropesyunal. Hindi sumusuko," patungkol niya kay Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN