Kris Aquino on her tweet about PNoy and Thai Prime Minister Shinawatra : "Ang kapal naman ng mukha kong magreto."

"Sosyal naman ’yon na ang Presidente ng Pilipinas at Prime Minister ng Thailand, parang na-unite na tayo. Atin na ang lahat ng rice sa buong world," Kris Aquino stated when asked about her Twitter post saying her brother, President Noynoy Aquino, is a good match for Thai PM Yingluck Sinatwatra.


Agad na naging usap-usapan ang Twitter post ng TV host at presidential sister na si Kris Aquino tungkol sa pagbisita ni Thai Prime Minister Yingluck Shinawatra kahapon, Enero 19.

Nilagay niya sa kanyang personal account: "Came from Malacanang. Lunch for Thai Prime Minister Yingluck Shinawatra. She’s tall & slim & attractive! 44 yrs old, bagay for PNoy!"

Dumalo si Kris sa luncheon na inihanda ni Pangulong Aquino para kay Thai PM Shinawatra, na dumating sa bansa para sa six-hour state visit.

Kasunod ng kanyang tweet ay ang iba-ibang reaksiyon mula sa iba pang Twitter users na nakabasa nito.

Ang iba ay sumang-ayon sa actress-TV host.

Tulad ni sjg_2009, na sumagot sa post ng DZMM Teleradyo: "...maganda si PM Thai Yingluck, kamukha nga niya si Kelly Hu..pwde na para kay PNoy..agree with Kris :)"

Ang iba naman ay nadismaya sa muling pagiging "matchmaker" ni Kris para sa kanyang kuya.

Katulad ni urbanroamer, na nag-post nito: "Kristeta, the matchmaker sister strikes again! Thai PM naman ang puntirya!"

May mga nagsabi rin na imposible ang pagma-match kina PNoy at PM Shinawatra dahil ang huli, bagamat hindi kasal, ay may "common-law husband" na at may anak silang lalaki.

KRIS EXPLAINS HER TWEET. Kinagabihan, nagpaliwanag si Kris nang makapanayam siya ng ilang miyembro ng entertainment press sa ginanap na thanksgiving party sa pelikula niyang Segunda Mano.

Ayon sa ulat ni Reyma Buan-Deveza ng ABS-CBN News, para kay Kris ay walang mali sa Twitter post niya na bagay ang kanyang Kuya at ang Thai leader.

Pero nilinaw niyang hindi siya nagpapaka-matchmaker para sa kapatid.

Sabi niya, "Ang kapal naman ng mukha kong magreto."

Pero hindi itinanggi ni Kris na nagustuhan niya ang Thai PM kaya agad niyang tiningnan sa Internet ang mga detalye tungkol dito.

Ani Kris, "’Tapos Ginoogle ko [ang tungkol sa kanya] habang naglu-lunch, tsinek ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, nakita ko, single, so this is it! I-unite na natin ang Philippines at Thailand."

Naibahagi rin ni Kris, "Pero I was just impressed with her, kasi ang ganda-ganda, elegante, may bearing.

"Sosyal naman ’yon na ang Presidente ng Pilipinas at Prime Minister ng Thailand, parang na-unite na tayo.

"Atin na ang lahat ng rice sa buong world."

Dagdag pa niya, "She was tall, 44 [years old], and ang ganda ng kutis, kasing kutis ko."

CONVERSTATIONS WITH THAI PM. Pagkatapos ay naikuwento ni Kris ang naging pag-uusap nila ni Thai PM Shinawatra sa Malacañang.

"Pinakilala ako ni PNoy kay Prime Minister Shinawatra.

"Sinabi niya, ’Do you know my sister is always in your country so often to shoot her commercials?’

"’Tapos, parang she wasn’t aware na the shampoo TVC capital of Asia is Bangkok and all the skin care products ay doon din sinu-shoot.

"’Tapos, sabi niya, ’Really, why is that?’

"’Tapos, sinabi ko, ’Because you give tax breaks and maybe he should.’ ’Tapos ’tinuro ko [si PNoy]," lahad ni Kris.

Sa kanilang usapan, naikuwento rin daw ni Kris ang kanyang pagkahumaling sa Bangkok at pakikipagtrabaho sa mga Thai.

"Sabi ko, ’Last year I was in your country five times.’

"Sabi niya, ’Oh, that’s very good.’

"Sabi ko, ’I love Bangkok, I love the people, I love working with Thai people.’

"’Tapos sinabi niya sa akin na, ’Next time you come, let us know, so we can take care of you.’

"Feeling ko naman ang sosyal-soyal ko, yung Thai Prime Minister [nag-invite]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN