Derek Ramsay denies having a closed-door meeting with TV5

Derek Ramsay on talks that he had a closed-door meeting with TV5 execs to discuss his transfer to the Kapatid network: "I can’t entertain nor make any decision until my contract has expired. I will give that much to ABS-CBN and I’m gonna be professional that way. My dad will be the first one to be upset with me if I did anything otherwise. Yeah, I have to be professional. It is a business and at the end of my contract that’s when I will make my decision.<


Pinagkakaguluhan ng mga dumalo sa first ever Boardwalk Fashionation Personal Shoppers Congress si Derek Ramsay nang madatnan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor sa Resorts World Manila, Pasay City kaninang tanghali.

Sunud-sunod ang gustong makipag-picture sa kanya kaya naghintay muna ang PEP ng ilang sandali para siya makapanayam.

Nang magkaroon na ng pagkakataon ang PEP, ang unang tinanong namin kay Derek ay kung endorser pa rin ba siya ng isang clothing brand. Napansin namin ang T-shirt na Boardwalk na kanyang suot.

"I was with them for many years," pagtukoy niya sa dating ine-endorsong damit.

"I think they wanted to make a change which I completely respect.

"And Boardwalk was there even though I was identified with Oxygen.

"They trusted me and wanted me to represent them. And I like that," paliwanag niya.

KAPAMILYA OR KAPATID? Kumusta na ang napapabalitang baka siya lumipat sa TV5? Kapamilya pa rin ba siya?

"Yes, I am with ABS. A, my contract doesn’t expire ’till the end of February.

"So, yeah, we’re working things out. We’re negotiating on where my career is going to go," sagot niya tungkol sa pakikipag-usap niya sa Kapamilya network

"I had to do a lot of thinking during the Christmas holiday... and, yeah I’m close to making a decision."

Sakaling lumipat siya, ano ang magiging mabigat na rason? Sinasabi kasing lumilipat ang ibang artista sa ibang network dahil kailangan nila ng pagbabago sa kanilang career.

Ang iba naman ay dahil daw sa malaking talent fee na mahirap tanggihan.

"Well, a... ako ’di ako mukhang pera. If ever I decide to go with another network, it’s not even a question of loyalty.

"I’ve proven my loyalty. It’s not about money because I’ve been offered a big sum of money two years ago to move.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I didn’t ask my mother network to match or even give me half of what the other network was offering me.

"So I’ve proven my loyalty, and my ano na... it’s not about money.

"Um, I guess many factors will come in.

"I enjoy acting. I enjoy hosting. So that would depend kung anong projects ang io-offer sa ’kin.

TREAT ME WELL? Magiging factor ba ang sinasabi nilang "tampo" raw niya sa kanyang home network sakaling pumirma siya sa TV5?

"Tampo? No. ’Andaming nangyari na... bagay na puwede kong pagtampuhan, pero kita n’yo hindi ako nagsasalita.

"Hindi ako gano’n. I want to see how you’re going to treat me, that’s all I’m saying.

"Will I start becoming a diva? I’m not like that. I can’t go out and —sorry for this word—bitch about everything.

"I wanna see how I’ll be treated so, a... I’ll know what decision I’ll make in the future.

CLOSED-DOOR MEETING WITH TV5? May nakapagsabi kasi sa PEP na nakipag-closed-door meeting na raw siya sa ilang Kapatid executives. Ano ang totoo dito?

"I can’t entertain or make any decision until my contract expires," natatawa niyang sagot.

"I will give that much to ABS-CBN and I’m gonna be professional that way.

"My dad will be the first one to be upset with me if I did anything otherwise.

"Yeah, I have to be professional. It is a business, and at the end of my contract, that’s when I will make my decision."

SPORTS OR ACTING? Iniisip rin ng ilan na maaaring maging isang rason ng kanyang paglipat ay ang pagkakaroon ng TV5 ng mga programang may kinalaman sa sports.

"Actually, to tell you the truth, I started loving my craft while shooting No Other Woman and Private Benjamin. I can do this for a long time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I wanna test myself more with movies."

"Siguro more movies. I wanna... with whomever. Hindi ako namimili ng katrabaho. Hindi ako namimili kung sino, ano ko."

SECOND CHOICE? May next movie project na ba siya?

"Star Cinema is offering me a movie with Bea [Alonzo]. I think this is the movie that was originally for Sam [Milby].

"But I think Sam wants to do other things.

"Ano’ng feeling na ikaw lang yung second choice? Okay lang," ang sabi ni Derek.

Tungkol saan ang pelikula nila ni Bea?

"I’m meeting with Star Cinema on the 27th. They’re gonna pitch the movie to me.

"I’d love to work with Bea. Nakatrabaho ko na siya on TV and sa movie. So, it would be exciting to work with her again."

THE BASIS? ’Pag tinanggap niya ang movie with Star Cinema, ibig sabihin ba nito ay hindi siya lilipat?

Kasi, kung ang meeting niya with Star Cinema ay sa darating na January 27, ilang araw na lang at expired na ang kontrata niya.

"No. End of Feb. End of Feb," natatawa niya uling sagot.

"You know, when I met with ABS, I told them I’m really appreciative of what they’ve done and given me.

"Whatever decision I make... I know it makes me sound like I’ve made a decision, but whatever decision I make, I don’t wanna burn bridges with TV5 or ABS.

"I’m gonna continue being the way I am before I even started in the industry. Ayokong mamili."

TO STAY WITH ANGELICA? Puwede bang makaimpluwensiya sa desisyon niya ang pagiging Kapamilya ng girlfriend na si Angelica Panganiban?

"We don’t get our careers mixed... ’Di ba she just signed with ABS-CBN just before the end of last year?

"I think she signed a two-year contract, I’m not sure. She didn’t influence me, ’O, dapat ikaw rin dito.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know, wala kaming ganoon, na mas matagal siya sa industriya sa ’kin at dapat makinig ako sa kanya."

Binibigyan ba siya ng payo ng kanyang girlfriend?

"Actually, ’pag hiningi ko. But we don’t like to get our careers mixed up.

"You know, we have to separate that. ’Eto tayo, ’eto trabaho."

So kanino siya nanghihingi ng payo?

"Kay Lord," nakangiti niyang saad.

Kapwa kumita ang kanyang pelikula last year na No Other Woman at Private Benjamin, kaya malamang na siya na ang tanghaling Box Office King.

"That’s for Vice [Ganda]. He deserves it. I don’t know how they will look at it.

"Ako, seriously, to tell you the truth I’m very proud of myself and what I’ve accomplished in 2011.

"Two great movies that made... broke records and made history.

"Kung mabigay sa’ kin Box Office King, bonus na lang yun. But the way I look at it, it should be Vice Ganda."

FRISBEE FOREVER? Napansin ng PEP na magaling na ang sugat sa kanyang braso na sanhi ng aksidente sa paglalaro ng Frisbee.

Balitang ’di na siya makakapaglaro ulit ng kanyang paboritong sports?

"I want to. Kasi ’tinatago ni Angel [Panganiban] ang passport ko. Ayaw na rin ng mommy at daddy ko akong maglaro.

"Kasi alam nila this year, June is the World Cup of Frisbee in Japan.

"So I need to... I need to get back into shape," pagtatapos niya sa aming interview.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN