Jinkee Pacquiao says husband Manny has changed for the better: "Laging nasa bahay, nagbabasa ng Bible, nanonood ng sine, ng TV."

Even the kids have noticed the positive changes in their father, Manny Pacquiao.

"Oo! Kasi si Manny ngayon is laging nasa bahay na, naglalaro sila, mas madaming time sa mga bata," says Jinkee Pacquiao (above).


Usap-usapan ngayon ang diumano’y malaking pagbabago sa lifestyle ng People’s Champ na si Manny Pacquiao.

Kung dati’y natsitsismis dahil sa kanyang mga bisyo, ngayon ay walang ibang bukambibig si Pacman kundi... Bibliya!

Eto si Manny sa taped interview sa kanya Sabado, January 21, ng Startalk TX: "Maganda yung bagong taon natin dahil, kumbaga sa ano, nalapit na tayo sa Panginoon at sumusunod tayo sa kanyang kautusan.

"Siyempre yung pagiging malapit sa Panginoon is napakasaya."

Isa sa sinasabing instrumento sa pagbabagong ito ni Pacman ay ang asawang si Jinkee.

Ang pahayag naman ni Jinkee sa taped interview sa kanya ng Startalk TX host na si Ricky Lo: "Answered prayer kumbaga.

"Wala na, hindi na siya umiinom. [Noon], halos gabi-gabi nagpa-party, umiinom, ganyan.

"[Ngayon] hindi na talaga siya umiinom, bawal na yung malasing, ganyan, basta kahit wine ayaw na niya na."

Tungkol sa isyu ng pambababae—nasanay na ba si Jinkee at tila hindi na niya iniintindi?

"Sabi ko sa kanya, hindi naman dapat... maging okay lang ako lagi, hanggang sa pagtanda ko na ganun din ang ginagawa ko, hindi puwede sa akin yun.

"Ayoko ring mangyari sa mga anak ko yun.

"Siguro pagdating ng panahon, pag nag-asawa yung mga anak ko, tapos mapi-feel niya yung ginawa sa anak niya siyempre hindi rin siya papayag na ganun.

"Sabi ko talagang mag-stop na, kung ayaw mong mag-stop, e, di mag-isa ka na lang sa buhay!"

Sa mga babaeng may balak umaligid kay Manny...

"I’ll pray, I’ll pray, I’ll pray for them! Yeah. Kung may balak sila, ipagpe-pray ko na lang sila."

Inamin ni Jinkee na dahil sa mga dating bisyo ng asawa ay muntik na silang maghiwalay. (Una niyang inamin ito sa YES! Magazine noong 2010.)

"Ah before, oo! Pero okay lang naman talaga yung sabi ko na hindi ako naggi-give-up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero minsan nagdadasal ako na parang hindi yata dapat ganun. Meron akong dapat gawin para at least mag-change siya."

Kahit ang mga anak nila ay napapansin ang mga pagbabago ni Manny.

"Oo! Kasi si Manny ngayon is laging nasa bahay na, naglalaro sila, mas madaming time sa mga bata, oo."

Samantala maging ang ilang miyembro aniya ng pamosong Team Pacquiao ay iniwasan na rin ni Manny upang malayo sa mga bisyo.

Bad influence ba sila?

"Yung iba, yung iba, sinasabi ko nga, yung iba.

"Hindi na nagpapakita yung iba, nahihiya na siguro kasi nga si Manny... laging nasa bahay, nagbabasa ng Bible, nanonood ng sine, ng TV."

Sa isang US magazines raw ay sinabing si Jinkee ang instrumento sa pagbabago ng lifestyle ni Manny.

"Kasi ako yung lagi niyang kasama, and then kailangang maging role model rin siya sa pamilya, na dapat hindi magkahiwalay, kaya dapat magbago talaga."

At ayon naman kay Manny...

"Masaya naman kaming lahat, masaya naman at tuluy-tuloy na ito.

"Siyempre, pati mga bata may time na ako, sa pamilya ko, wala ng problema."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN