Nadine Samonte on working with ex-boyfriend Oyo Sotto: "More professional na. More mature na siya."

Dating may relasyon sina Nadine Samonte at Oyo Sotto. Sa seryeng Valiente, gaganap sila bilang magkapatid. Nang magkahiwalay sila ni Oyo, naging friends ba sila?

"Nang magkahiwalay kami, ngayon lang kami nagkasama," Nadine says. "Kasi, after ng Leah [serye] sumunod yung pelikula, Forever My Love. After that, wala na. Ngayon na lang."


Si Nadine Samonte ang gumaganap sa character ni Maila Braganza, ang role na dating ginampanan ni Mariz sa orihinal na version ng Valiente.

Si Nadine ang leading lady ni JC de Vera na gumaganap bilang si Gardo Valiente.

Kuwento nga ni Nadine tungkol sa kanyang role, "Mabait ako rito. Kapatid ko si Oyo Sotto at si Niña Jose.

"Gusto ko si Gardo. Pareho kaming nagkakagustuhan, pero may gusto rin sa kanya si Niña.

"At isa akong ampon. Braganza family kami."

Aminado naman si Nadine na hindi niya napanood ang orihinal na Valiente kaya wala siyang ideya sa kuwento ng serye.

Sa totoong buhay, dating may relasyon sina Nadine at Oyo, na ngayon ay gaganap bilang magkapatid. Kamusta naman sila?

Nakangiting sabi ni Nadine, "Okay lang. Wala... professional lang."

Nang magkahiwalay sila ni Oyo, naging friends ba sila?

"Nang magkahiwalay kami, ngayon lang kami nagkasama. Kasi, after ng Leah [serye], sumunod yung pelikula, Forever My Love.

"After that, wala na. Ngayon na lang.

"Ngayon, masasabi kong more professional na [si Oyo]. More mature na siya.

"May family na siya. Kita mong nagma-mature na siya."

Masaya ba siya para kay Oyo?

Nakangiting sabi ni Nadine, "Oo naman. Masaya ako for him.

"Alam ko namang masaya siya. Kita naman sa kanya, so, happy naman ako.

"At least, masasabi kong okay naman pala siya ngayon."

May nagtanong naman kay Nadine sa press conference ng Valiente noong January 19: Si Oyo, may baby na; siya naman kaya, kailan niya balak magkapamilya?

"Ewan ko ba, hindi ko alam," natatawa niyang sabi.

"Hindi pa puwede, dahil may kontrata ako. Hindi e, hindi pa puwede. Sayang ang kontrata."

Si JC naman, kahit pareho silang Kapuso dati, ngayon lang sila nagkasama sa trabaho. Kumusta namang ka-trabaho si JC?

"Okay naman. Masayang ka-trabaho. Nagtutulungan. Very cooperative."

LOVELIFE. Hindi naman ikinaila ni Nadine na nagkabalikan sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Emerson Chua.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya naman daw siya ngayon kaya hindi puwedeng sabihin na minamalas siya sa kanyang lovelife.

Ayon kay Nadine, "Siya ang bumalik. Tinanggap ko naman siya nang buong-buo. Tinanggap din naman niya ako nang buong-buo."

Kailan sila nagkabalikan?

"Noong October-November last year, medyo okay-okay na."

Mga two to three months lang daw sila nag-break talaga ni Emerson.

At sa panahong iyon, na-link naman siya sa leading man niya sa The Sisters na si Leandro Muñoz.

Parang ang bilis lang niyang nakalimutan si Leandro?

"Hindi naman. Hindi nga kami naging isang buwan ni Leandro."

Bakit ba sila naghiwalay at nagbalikan ulit ni Emerson?

"Kasi, within six years nga, ’di ba, kami? Walang cool-off, walang breakup.

"Six years. So, parang [kailangan namin ng] space."

Kung ang boyfriend daw niya ang tatanungin, gusto na raw nitong magpakasal na sila.

Ang sabi naman ni Nadine, "Hindi pa puwede. Sayang. Kung walang kontrata, gusto ko. Gusto ko talaga."

Sa 2014 pa raw mag-e-expire ang kontrata niya sa TV5.

Paglilinaw pa ni Nadine, "Actually, wala namang nakalagay sa contract. Pero, ayoko muna. Sayang."

Si Emerson na ba talaga ang makakatuluyan niya?

"Sa ngayon, oo. Ewan ko after," natatawa niyang sabi.

Bilang Kapatid, masaya naman daw si Nadine sa network.

Sagot niya, "Masaya naman. Kita mong mabigat at maganda ang role na binibigay nila."

May nami-miss ba siya sa Kapuso network?

"Nagpunta ko ro’n last Christmas. Nagbigay ako ng mga... yung every Christmas, nagbibigay naman ako sa kanila.

"Gusto kong iparating sa kanila na hindi ko makakalimutan kung saan ako nanggaling.

"Kasi, kung hindi naman dahil sa kanila, nasaan ba ako, ’di ba? Thankful naman ako kahit paano.

"At saka, ayoko ng may bad blood. Ayoko ng ganoon, e. Yung away-away, ganti sa network.

"Ayoko ng ganoon. Gusto ko yung maayos sa lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN