Charlene Gonzalez sports new, shorter hair; talks about encounter with Hollywood couple Brad Pitt and Angeline Jolie

Charlene Gonzalez on seeing Brad Pitt and Angelina Jolie: "Alam mo ang totoo, ganoon pala ang feeling, hindi ka pala talaga makakapagsalita. Totoo yung kasabihan nila, yung expression ng starstruck, parang sasabog talaga ang puso ko. Sobra siyang [Angelina] ganda at sobrang guwapo ni Brad Pitt. Pati mga anak nila, grabe!"


Pagkatapos ng halos isang buwan na pagbabakasyon sa ibang bansa ng mag-asawang Charlene Gonzalez at Aga Muhlach—kasama ang kanilang kambal na anak na sina Atasha at Andres—muling nagbalik sa The Buzz si Charlene kahapon, January 22, with a new look.

Mula sa kanyang mahabang buhok, isang maikling pixie-cut naman ang bagong look ni Charlene ngayong 2012.

Kaya biro ni Toni Gonzaga sa co-host, akala raw nila ay may bagong host ang The Buzz.

Nakangiting sabi naman ni Charlene, "E, di ba New Year, dapat bagong look, new life, di ba?"

Nilinaw naman ni Charlene na wala siyang pinagdadaanan ngayon, ’tulad ng ibang babae na nagpapalit ng style ng buhok.

"Wala naman, wala naman. A happy life.

"And, of course, noon ko pa pinapangarap na magpa-short hair.

"Pero sabi ko, there’s no better time but to do it than now, it’s always been my dream.

"And a dream will always remain a dream if you don’t act on it, di ba?"

MEETING BRANGELINA. Excited namang ikinuwento ni Charlene ang Hollywood stars na nakita nila sa kanilang bakasyon.

"Nanood kami ni Aga ng Michael Jackson World Tour.

"Guess kung sino ang katabi namin? Brad Pitt and Angelina Jolie!

"At kasama nila ang mga bagets nila. Grabe, naloka ako!" sabi niya.

Nasa harapan daw nila ang dalawang Hollywood superstars.

Sabi pa ni Charlene, "Pero alam mo ang totoo, ganoon pala ang feeling, hindi ka pala talaga makakapagsalita.

"Totoo yung kasabihan nila, yung expression ng starstruck, parang sasabog talaga ang puso ko.

"Sobra siyang [Angelina] ganda at sobrang guwapo ni Brad Pitt.

"Pati mga anak nila, grabe!

"Pero alam ninyo, ang mukha ni Angelina, mas maliit sa personal.

"Pero si Brad Pitt, kung ano ang nakikita po natin sa TV, sa movie, ganoon na ganoon po."

Tinanong naman ni Boy Abunda si Charlene kung hindi ba lumingon sa kanila sina Brad at Angelina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi.

"Pero, sabi nga ni Aga habang dumadaan ulit si Brad Pitt, sabi ni Aga, ’Hey, hey, Brad.’

"Ako naman, ’Hi Brad!" kinikilig na sabi ni Charlene.

"Sabi niya [Aga] sa akin, ’Ano ka ba, para kang high-schooler!’"

Pansin daw ni Charlene, halos magkapareho sila ng height ni Angelina kaya matangkad daw ito.

Si Brad naman daw ay guwapo talaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN