Christian Bautista on Kitchen Musical co-star Carla Dunareanu: "Hindi ko pa siya girlfriend, but we’re okay."

Singer-actor Christian Bautista on ’long-distance relationship’ with Singapore-based Carla Dunareanu: "We try to see each other from time to time. Di ba, usually ang Singapore, bago ka pumunta ng Indonesia, lagi kang dadaan ng Singapore? Ang dami kong raket sa Indonesia, and it works kasi pag nag-i-stop over ako dun."


Lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Sabado, January 21, ang litrato kunsaan magkakasama sina Christian Bautista at Carla Dunareanu, at ang rumored sweethearts na sina Karylle at Yael Yuson.

Si Carla ay Singapore-based actress na kasamahan nina Christian at Karylle sa Pan-Asian TV series na Kitchen Musical.

Si Yael naman ang vocalist ng bandang Spongecola.

(CLICK HERE to view photo.)

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa Chinese New Year presentation ng ASAP 2012 sa Quirino Grandstand kahapon, January 22, hindi naman itinanggi ng singer-actor na may espesyal na namamagitan sa kanila ni Carla.

Sabi ni Christian, "We see each other.

"Ligaw? Parang papunta na rin doon.

"Hindi ko pa siya girlfriend, but we’re okay."

Nagkuwento pa si Christian tungkol kay Carla.

"Doon ko siya nakilala sa Kitchen Musical.

"Her name is Carla Dunareanu, she’s a Singaporean-Romanian, a model-actress.

"She used to be a child actress before Kitchen Musical.

"Pag nag-connect talaga kayo, katulad ng sinasabi ko dati, everything will be okay."

Tinanong din ng PEP kay Christian ang lumabas na picture nilang apat nina Karylle, Yael, at Carla.

Kuwento niya, "Parang reunion yun ng Kitchen Musical.

"Nung isang araw, kumain kami sa Rufu’s Café sa Jupiter, Makati.

"Ang may-ari nun, kapamilya ni Maritina, na wife ni Art Acuña, yung bald sa Kitchen Musical, yung manager.

"Siyempre, in-invite namin si Karylle with Yael.

"Si Carla, nandito for a pictorial, kami-kami, kumain kami dun.

"Sayang nga, hindi nakapunta sina Aikee.

"Kumain lang naman kami.

"Puwede na ring date, kasi marami kami, anim kami.

"Sa picture, parang pares-pares, pero invited naman lahat.

"Magkakapareha nga lang ang dumating."

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP. Paano ang komunikasyon nila ni Carla, gayong naka-base ito sa Singapore?

Hindi ba siya nahihirapan na hindi pa nga niya girlfriend ay long-distance na ang sitwasyon nilang dalawa ni Carla?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pabalik na siya today [January 22] in Singapore," sabi ni Christian.

"Mayroon din kasi siya siyang photo shoot dito, she’s trying to break in din sa iba’t ibang countries.

"We try to see each other from time to time.

"Di ba, usually ang Singapore, bago ka pumunta ng Indonesia, lagi kang dadaan ng Singapore?

"Ang dami kong raket sa Indonesia, and it works kasi pag nag-i-stop over ako dun."

Ikinuwento rin ni Christian sa PEP na nakilala na niya nang personal ang pamilya ni Carla, at ganun din siya.

"Na-meet na siya ng parents ko and na-meet ko na rin parents niya.

"Nagpunta rin kasi sa Singapore ang family ko, so nagkita rin sila doon," sabi ng singer.

PART TWO. Nabanggit din ni Christian sa PEP na magkakaroon ng Part 2 ang Kitchen Musical.

"I’ll be in Singapore baka November for Kitchen Musical 2, pero siyempre may mga trips kami sa Singapore.

"As of now, nagpe-prepare ako sa show namin ni Karylle and Ms. Nanette Inventor on January 29, Love and Laughter, in Resorts World."

OFFER FROM TV5. Usung-uso ang lipatan ngayon at matunog ang bali-balita na isa raw sa inalok ng Kapatid network ay si Christian para lumipat sa kanila.

Inamin naman ni Christian na totoong may nagpahaging na sa kanila mula sa TV5 at bukas siya sa posiblidad.

Ayon kay Christian, "Til August pa ang contract ko sa ABS, but may offer ang Kapatid network.

"Hindi naman definite offer, but may nagpapahaging. Basta tingnan natin.

"With my career in ABS, so far so good. But I want more.

"Or you’re completely fine, but you want to try other things.

"I want to act. The last serye na ginawa ko sa ABS was Kampanerang Kuba six years ago."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN