Part 1 Kris Aquino "will be the next next President," says psychic Robert Dass

Robert Dass (inset) on becoming a psychic: "I’ve learned so much na ’binigay talaga ito ng Diyos kasi I don’t study this." One of his most recent predictions is that Kris Aquino (main) will give birth to a baby girl next year and that the father will be Coco Martin.


Ano ang nakikita ng mga psychic na magiging kapalaran ng mga tiga-showbiz?

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong nakaraang Sabado, January 21, ang isa sa kanila—si Robert Dass.

Si Robert ang siyang nag-predict na mabubuntis daw si Kris Aquino sa taong ito, at si Coco Martin ang magiging ama ng sanggol.

ABOUT ROBERT. Isang half-British at half-Indian si Robert.

Ang kuwento niya sa PEP, "I noticed that I have this gift from God when I was 10 years old, then I developed it when I am 14 years old.

"When I was [in] Elementary, na lahat ng sinasabi ko sa mga teachers ko at principal came true...

"Kung may makikita akong masamang mangyayari sa boat or plane, even dun sa sinasakyang paboritong boat na sinasakyan, sabi ko, ’Di na muna ako sasakay dito kasi there’s something [that’s going to] happen.’ It really... There’s something [that really] happened on that boat.

"Minsan, sounds crazy kung bakit ganun?"

Siya raw ang nag-predict dati na "mag-aasawa" si Kris, at "lalaki magiging anak niya."

Aniya pa, "Pinuntahan ko siya noon sa taping ng The Buzz pa before, at sinabi ko sa kanya na, ’Kris, lalaki magiging anak mo.’

"Sinabi ko talaga sa kanya yung direct to the point, aside sa sinabi ko sa mga newspaper at sa radio ni Jobert Sucaldito na ini-announce ko na lalaki magiging anak niya, and lahat, gusto babae.

"Sa akin kasi, hindi ko iniintindi to make you feel good or to make you feel bad, I will tell what I can see and what I can feel na nakikita ko."

Ano yung reaksiyon ni Kris nung sinabi niya yung kanyang dating hula?

"Siyempre, parang di niya matanggap kasi gusto niya nga, babae maging anak niya.

"Ako naman kasi, di ko sinasabi na, ’Sige, babae, I give you hope,’ kahit hindi naman, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then afterward, nagpa-ultrasound siya, ayun, lalaki nga.

"Yung nga sabi ko, ikakasal ka, lalaki anak mo, sinabi ko rin na maghihiwalay kayo, kaso yun nga nakikita ko," ang salaysay pa ni Robert.

2012 PREDICTION FOR KRIS. Dumako ang usapan sa hula niya tungkol kay Kris Aquino, ang bunsong kapatid ng Presidente ng Pilipinas, at kay Walang Hanggan actor Coco Martin.

"Nung January 6, 2012, the first Friday of the year, the most powerful energy ng mga Psychic or Astrologists at that day kasi six plus one equals seven.

"Pag ini-add mo yung month and day, that’s a very successful number.

"And then sinabi ko uli [kay] Jobert sa DZMM na si Kris Aquino, mabubuntis kay Coco Martin.

"Nagulat si Jobert, sabi niya sa akin, ’Sigurado ka?’

"Sabi ko, ’Oo, sigurado ’ko.

"Si Kris mabuntis ng 2012, manganganak siya 2013, at babae magiging anak nila.’

"Parang mare-reincarnate si Tita Cory dun sa anak niya, yun ang nakikita ko."

Kamakailan, inimbitahan siya ng host-actress sa Kris TV, kung saan inusisa nito ang tungkol sa hula.

Ayon kay Robert, "Tinanong niya ako ng ilang beses on television, ’Sigurado ka ba, Robert?’

"Sabi ko naman, ’Oo, sigurado ako na si Coco Martin.’

"Sabi niya, ’Iba na lang.’

"Sabi ko naman, ’Hindi, si Coco Martin lang nakikita ko, bakit ko iibahin?’"

Bukod sa pag-ibig, fearless din ang prediction ni Robert tungkol sa political career ni Kris.

Sabi niya, "Isa pa, nakikita ko kay Ms. Kris, she will be the next next President of the Philippines.

"After PNOY term, may isa pang papasok na President, and then she’s the next. One hundred percent yun.

"Si Kris kasi, ang lakas ng suwerte niya given by God, ang lakas ng successful luck niya na ’binigay ng Diyos."

Tinanong siya ng reporter na ito tungkol sa reaksiyon ni Coco sa kanyang sinabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi kasi ni Coco sa isang interbyu na parang "sister" ang turing niya kay Kris.

Paliwanag ni Robert, "Kasi ganito naman, e, si Coco ay sobrang bait na tao ’yan, which is before sinabi ko rin sa kanya na marami siyang matatanggap na award dahil sa galing niya.

"Nakita mo naman na kabi-kabila ang awards niya. Isa nga dun yung award niya sa Noy. Sinabi ko sa kanya na magkakaroon siya ng award dun.

"Mabait si Coco, walang problema, talagang malaki ang respeto ni Coco sa mga Aquino. Kaya lang yung nakikita ko, nothing personal...

"Kung si Coco ba or si Ms. Kris ba, or anak ng President or yung Presidente pa mismo, kung ano nakikita ko sa prediction ko, direct to the point na sasabihin ko sa kanya yun.

"Sometimes, I’m talking very impossible pero yun ang nakikita ko 100 percent."

At sa kabila ng pagbabatikos sa kanyang mga sinabi, binigyang-diin nito:

"Ngayon, uulitin ko ang nakikita ko sa prediction ko—Miss Kris Aquino will become pregnant to Coco Martin at babae magiging anak nila this year at next year siya manganganak."

Inulit ng PEP ang tanong ni Kris, "Wala nang iba?"

At inulit din ni Robert ang sagot: "Wala akong nakikitang iba, e, talagang nakikita ko si Coco Martin lang, e.

"Yun ang nakikita ko talaga, e. Walang impluwensya or anything, pero yun talaga yung nakikita ko, e."

Napanood ng writer na ito yung pangako ni Kris Aquino sa telebisyon, na kapag nagkatotoo yung prediction ni Robert at nabuntis siya ng December, papipiliin niya si Robert ng isa sa dalawa niyang sasakyan: ang Land Cruiser o ang Savana.

Ano ang masasabi niya tungkol dito?

"Hindi naman, sorry ha, natuwa ako sa pagka-generous niya, pero sa akin, with or without that promise, yung prediction ko, yun lang nakita ko talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ako na-challenge, yun talaga nakikita ko, e.

"Kahit ano pa man yung nangyari, yun talaga nakikita ko, e, at yun talaga ang mangyayari," ang tila siguradong-sigurado na pahayag ni Robert.


Para sa mga predictions ni Robert Das sa ibang artista, CLICK Part 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN