Part 2 Which network will claim the top spot in the Year of the Dragon?

According to self-styled pyschic Robert Das (bottom): Nora Aunor’s (left) star will shine even brighter in the next 13 years, KC Concepcion (middle) will find love in 2014, and Dingdong Dantes will be linked to a younger star.


"Channel 2 for progress."

Ito ang hula ng self-proclaimed feng shui master at psychic na si Robert Das tungkol sa network war.

Napagpasyahan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na mag-interbyu ng mga psychic in time for the celebration of Chinese New Year.

Sa pagkakataong ito, si Robert Das, half-Indian at half-British, ang nakapanayam ng PEP.

Gaya nang una nang nabanggit sa Part 1, mga hula lamang ang mga susunod na pahayag ni Robert.

Ibig sabihin: Maaaring magkatotoo, maaaring hindi. Maaari tayong maniwala, maaaring hindi.

Ang nakikita ni Robert tungkol sa kumpetisyon ng mga TV stations ay:

"With due respect to all networks, eto lang yung napi-feel ko, no bias at nothing personal—Channel 2 will progress.

"Kung ano ang kinita nila, kung gaano sila naging successful, kung ano ang na-achieve nila noong 2011, times five yun for 2012.

"Number 1 pa rin ang Channel 2 for the progress and successful [sic]...

"Channel 5, ganun lang, parang may kulang kasi.

"Channel 7, I predict na baka ibenta."

Magiging masuwerte ba ang taong 2012 para sa mga artistang lumilipat ng network?

Kamakailan, bumalik sa Kapamilya network si Carmina Villarroel. Malakas din ang bulung-bulungan na maging si Iza Calzado ay pipirma na rin sa ABS-CBN ngayong linggo.

Ang masasabi naman ni Robert tungkol dito, "Kung ako sa kanila, kung nasa Channel 2 sila, stay in Channel 2...

"Pero choice pa rin nila kung gusto nila lumipat.

"Pero again, kung ako sa kanila, stay in Channel 2. Not for anything else, Channel 2 will be Channel 2, from 2012 to 2025, 13 years ’yan na makikita yung progress at success."

THE BIG STARS. Ano naman ang prediksiyon niya sa paglipat nina Sharon Cuneta, Lorna Tolentino, at Aga Muhlach sa TV5?

"Si Mega, yung paglipat niya sa Channel 5, baka may sama lang siya ng loob [sa Dos].

"With respect kay Ms. Sharon, pero hindi ko nakikitang magtatagal siya roon. Pinakamatagal na siguro yung one year, that’s the way I see her."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Aga, siguro 15 months.

"Si Lorna, siguro mga 15 months, ayun ang nakikita ko sa kanila."

Samantala, positibo naman ang nakikita niyang mangyayari sa career ni Nora Aunor.

Magiging "very successful for 2012 to 2025," ang sabi ni Robert.

"That will be 13 years sa buhay niya, magkakaroon siya ng show sa Channel 2, magkakaroon siya ng maraming pelikula.

"Magiging very very progress siya. Babalik yung pagiging Superstar niya."

DEATHS AND PREGNANCIES. Sa showbiz, ano pa ang mga nakikita niyang magaganap?

Aniya, may mga "direktors ng ABS-CBN, mga 2 or 3 for this year" ang papanaw.

"Sa artista, ingat lang, pero wala akong nakikita na papanaw."

Tungkol naman sa mga mabubuntis, meron daw "dalawang young actress from 18 years old to 25 years old na talent or star ng ABS-CBN."

Dagdag pa niya, "But this time, I don’t want to mention name, katulad nung 2011 na may mabubuntis, ayun nga, nabuntis si Andi Eigenmann.

"Pero this time, I don’t want to mention name, kasi ganun ako, ’pag di ko nakikita name, wala!

"Pero tulad sabihin ko sa inyo, may mabubuntis uli na two young stars this year."

OTHER PREDICTIONS. Nagbanggit ang PEP ng mga pangalan ng stars, at isa-isang hinulaan ni Robert.

KC Concepcion: "I met her before at sinabihan ko na siya na before na walang mangyayari sa kanila ni Piolo [Pascual].

"Sinabi ko sa kanya yun, kahit tanungin mo si KC.

"’Eto ikuwento ko ha, nag-sit down kami ni KC twelve months bago mangyari yun.

"Sabi ko sa kanya, forget Piolo dahil nung unang buhay nila, magkaibigan lang sila, she will not [be] happy with him.

"Piolo is a very good person. He doesn’t mean to do that.

"Iiyak lang siya, sabi ko. Made-depress lang siya, masasaktan lang ang puso niya.

"I’m a Psychic. Sinasabi ko sa kanya na maniwala siya. See, it happened.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, this year, magiging successful career niya. Pero ang lovelife niya, sa 2014 pa."

Sino kaya yung taong papasok sa buhay ni KC?

Sagot ni Robert, "Maraming nanliligaw sa kanya, pero kaya lang, kung sasagutin niya mga ’yan at pagbibigyan niya, magkakamali na naman siya.

"’Kala niya lang mahal niya pero ikaka-depress niya lang yun."

At ang payo niya sa anak ng Megastar, mag-concentrate ito sa career.

"Suggestion ko lang kay KC na napakagandang babae, mabait, very talented, napaka-gifted, focus ka muna sa career mo for the next 25 months.

"After that, you will find one person na soulmate mo, magkakaroon kayo ng kambal, isang babae at isang babae. It will happen sa 2015."

Angel Locsin: "She is good for this year. Sa career niya, dire-diretso, pero ingatan niya na magka-baby siya nang unexpected this year."

Dingdong Dantes: "He will accept Best Supporting Actor for this 2012.

"Gagawa siya ng uli ng pelikula for MMFF this year, new commercial, and other shows.

"May mali-link sa kanya, a teenager na babae na 16 to 21 years old. Ingatan niya na mabuntis niya yun."

John Lloyd Cruz: "Hindi sila magkakatuluyan nung gf niya ngayon na si Shaina [Magdayao], hanggang ganun lang sila.

"Magbe-break sila this year, by October to December siguro.

"Dire-diretso career niya.

"Mapapangasawa niya non-showbiz, after two or three years, from England or other country."

Sarah Geronimo: "Lovelife, wala pa akong nakikita, pero may gustong magpakasal sa iyo, non-showbiz, napakayaman, napakabait, napakaguwapo.

"[Isang] Half Chinese-Half British or Half-Filipino-Half American na mamahalin ka.

"Advise ko lang kay Sarah ay sundin mo yung desisyon mo. Oo, respect your mother, I don’t mean anything, ha.

"Pero minsan, maliligaw or magugulo ang isip mo kung ayaw mo yung sinasabi or sumusunod ka lang.

"Magkaka-asawa siya three to five years pa. Magkaka-anak siya ng tatlo, two boys and one girl. Husband mo is a non-showbiz, very nice guy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Piolo Pascual: "Piolo will remain single, hindi na siya mag-aasawa for the rest of his life. He is happy being single, he is happy that way.

"He will remain a star, very good actor, accept another award. Sa career niya, very successful siya.

"Magma-migrate siya siguro soon, maybe in Canada or America.

"Business is very successful sa kanya pero he [will] never never never get married sa buhay niya."

Anne Curtis: "Tuluy-tuloy ang pagiging successful ng career niya.

"My advise to her, give more time to her father. I can see, may hindi magandang mangyayari sa father niya pero huwag naman sana. I’m sorry about that, yun lang nakikita ko.

"Basta sana give time to his [sic] father and talk to him about his health. Pa-check up niya yung stomach nung father niya, pati na yung heart. Basta yun ang nakikita ko. So, ingatan niya father niya."

Ai-Ai delas Alas: "Si Ms. Ai is a Dragon year kaya taon niya ito. Very successful pa lalo career niya this year.

"Kung gusto niyang tumakbo sa pulitika, mananalo siya 100 percent.

"Nakikita ko sa kanya na gobernador or senator.

"Lovelife, makakakita siya ng one person na magmamahal sa kanya. Maybe makikita niya ’yan by 2014.

"Ngayong taon meron, pero hindi pa ’yan.

"Magkakaroon siya ng sariling bagong TV show sa ABS-CBN this year."

Boy Abunda: "Parang may sakit siya o magkakasakit siya about his stomach. Siguro kailangan niyang magpa-check up, he has all the success, power, the money.

"Napakabait at napaka-generous niya. Ingatan niya lang yung health niya this year.

"Overfatigue and overworked na siya minsan, although hindi siya nagwo-work for money but because of commitment, masaya siya on what he is doing.

"He will become more successful, pero this August 8, sasakit ang tiyan niya. Before August 8, dapat pa-ultrasound siya, pa-check up siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Edu Manzano: "Babalik sa Channel 2, magkakaroon siya ng bagong show uli dito sa ABS-CBN.

"’Yan, nape-predict ko 101 percent na mangyayari late October of this year."

Maja Salvador: "She is very very progress this 2012 to 2020. She is [born under the] Year of the Dragon. She is a Blue Dragon Year.

"Very successful sya sa career niya, she will do many movies, makakakuha siya award na Best Suppoting Actress this 2012, then Best Actress this 2014.

"She will do lots of shows in LA, San Francisco, Toronto, Canada, she will do a lot of movie and TV shows.

"My advice sa kanya, mag-stay siya sa Channel 2. She will be Miss Saigon in the Philippines."

Angeline Quinto: "Tuluy-tuloy success ng career niya. Huwag niya muna pansinin yung lovelife niya. Focus muna siya on her career. More albums, more movies, and TV shows.

"’Tapos, may sama siya ng loob sa family niya. Dapat ayusin niya yun para tuloy- tuloy success ng career niya."

Gaya ng nauna nang nabanggit, pawang mga prediksiyon lamang ni Robert Dazz ang mga naisulat sa itaas. Nasa kamay pa rin ng mga artista ang kahihinatnan ng kanilang hinaharap.

Para sa mga predictions ni Robert tungkol sa showbiz couples, CLICK part 3.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN