Part 3 Six showbiz couples, according to psychic Robert Das, "hindi magkakatuluyan"

Wala namang binanggit si Robert Das tungkol sa magiging estado ng relasyong Marian Rivera at Dingdong Dantes ngayong 2012, pero may posibilidad daw na maging Kapamilya ang dalawa.


Ang huling bahagi ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Robert Das—isang self-proclaimed psychic at feng shui master na half-British at half-Indian—ay tungkol sa mga showbiz couples.

Bagamat sinasabing masuwerte raw ang 2012 para sa mga gustong pumasok sa relationships at magpakasal, halos lahat naman ng mga artistang binanggit ng PEP kay Robert ay umani ng negatibong prediksiyon.


Unang pinag-usapan sina Toni Gonzaga at direk Paul Soriano.

Ayon kay Robert ay maaring magkaroon ng problema sa relasyon ng magkasintahan "by July or October."

Magiging "successful" daw si Toni sa career niya, pero puwede silang "mag-break ni direk Paul Soriano."

Narito ang iba pang pahayag ni Robert tungkol sa host-comedienne-singer na si Toni Gonzaga:

"Huwag sana siya magagalit sa akin, pero ang nakikita ko sa kanya, magkakaanak siya, pero walang partner. Pero di niya pinangarap yun.

"Gusto mo magkaanak ng tatlo, pero kung iingatan mo at masusundan mo, puwede maiiwasan yun.

"Magkakaanak ka ng tatlo, two boys, one girl, masayang pamilya, may husband ka.

"Maybe after 18 to 25 months, you can be pregnant then magbabago isip mo, ayaw mo yung father ng husband mo.

"There will be another woman, magkakaanak siya [husband] sa ibang babae, so hindi maganda yun.

"I don’t want to feel you bad, pero yun ang nakikita ko. It is just a warning, at least maiiwasan niya. "

Ang tanging hula naman niya tungkol kina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay "baka mag-Channel 2 sila."

Sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo: "Hindi sila magkakatuluyan."

Dugtong ni Robert, "Ganun lang, girlfriend-boyfriend, they enjoy the company, pero hindi pa sila."

Si Rayver Cruz din daw ay hindi para kay Cristine Reyes.

Ang prediksiyon ni Robert: "Si Cristine, very successful siya sa career niya, pero hindi si Rayver ang mapapangasawa nya.

"Wala ’yan, hindi pa ’yan. ’Kala niya lang si Rayver na, pero hindi pa siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganundin ang tinuran niya kina Luis Manzano at Jennylyn Mercado: "Hindi naman sila magkakatuluyan, natutuwa lang sila sa isa’t isa."

Tungkol naman kina John Prats at Bianca Manalo, "makakakita" raw ng iba ang dating beauty queen.

"Pareho sila mabait, pareho silang honest...Hindi naman ’pag sinabi kong ganun na di sila magkakatuluyan ay may dishonesty yung isa—pero yun ang nakikita ko.

"Si Bianca, medyo mag-stop nang konti yung career niya, ’tapos magtutuloy-tuloy rin in a while, pero moderate, hindi ganun kataas."


JUST PREDICTIONS. Maaring ikagalit o ikatuwa ng mga artista ang mga prediksiyon ni Robert.

Pero hindi nangangahulugan na ang paglalathala ng PEP ng kanyang mga sinasabi ay pag-i-encourage na dapat siyang paniwalaan.

Ang mga nabanggit ay prediksiyon dito ay galing lamang sa isang self-proclaimed psychic.

Hawak pa rin natin ang magiging takbo ng ating buhay sa taong ito.

Duon naman sa mga naiintriga, o di kaya’y talagang naniniwala, at nais magpahula tungkol sa pag-ibig, buhay pamilya, kalusugan, at maging feng shui ng tahanan o negosyo, maaaring humingi ng advice kay Robert Dazz.

Ang kanyang contact numbers ay (Globe) 09172586037, (Smart) 09204037236, (Sun) 09328881923, at (PLDT) 881-1327.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN