Aljur Abrenica explains absence at Kylie Padilla’s birthday party; excited about his Valentine movie with Rhian Ramos

Aljur Abrenica on status of his career: "Happy naman ako sa nangyayari sa career ko ngayon... Noon kasi laging soap, e. Na wala pang two months, may panibago ka na naman. Sunud-sunod. Ngayon, sa totoo lang, gusto kong mag-concentrate sa movie. And, a...ngayon, mas may time ako sa sarili ko. Mas nagagawa ko ’yong mga bagay na gusto ko. Happy ako sa ibinibigay na projects sa akin ngayon ng GMA. Kuntento ako."


Noong Sabado, January 21, ay binigyan ng isang surprise advance birthday party ni Robin Padilla ang anak nitong si Kylie Padilla.

Marami ang naintriga kung bakit wala ang nababalitang boyfriend ni Kylie na si Aljur Abrenica.

Kaya nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur pagkatapos ng Party Pilipinas noong Linggo, January 22, ay tinanong namin siya kung bakit nga wala siya sa birthday party ni Kylie.

Paliwanag ng young actor, "Galing kasi ako sa Iloilo, e. Late na ako nakauwi.

"Hindi ko pa napag-aralan ’yong ibang ano ko [production number]... sa Party Pilipinas.

"So, nagpaalam ako kay Kylie na hindi ako makakarating."

May plano ba silang celebration ng birthday ni Kylie na para sa kanilang dalawa lang?

"Kung sasabihin ko, e, di malalaman n’yo na?" sabay tawa ni Aljur.

"Uhm.. ewan ko."

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Kylie, lumalabas na parang may nabago na sa dating espesyal na samahan nilang dalawa.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero itinanggi ito ni Aljur.

Aniya, "Ha? Hindi.

"Wala. Hindi po. Hindi po.

"Walang ano...same pa rin."

Dati kasi ay lagi silang magkasama at madalas na lumalabas. Kapansin-pansin din ang pagiging sweet nila sa isa’t isa.

Ngayon, parang hindi na sila gano’n kaya parang nakakapanibago.

"Ha? Talaga? Hindi naman. Hindi naman," reaksiyon ni Aljur.

May birthday gift na ba siya para kay Kylie?

"Meron po. Naibigay ko na. Kung ano ’yon, sa akin na lang."

Pahinga muna ba ang puso niya ngayon sa lovelife?

"Hindi naman. Gusto ko, trabaho muna. Trabaho lang," sagot ni Aljur, na tila tugma sa naging sagot ni Kylie.

FIRST VALENTINE MOVIE. Samantala, iba raw ang nararamdamang excitement ni Aljur para sa pelikulang My Kontrabida Girl ng GMA Films na nakatakdang ipalabas sa mismong Valentine’s day.

Leading man siya rito ni Rhian Ramos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"First Valetine movie ko ito, e," banggit ng young actor.

"And sobrang thankful ako kasi ipinagkatiwala sa akin ng GMA na this year, kami ni Rhian ’yong lalabas sa pang-Valentine offering nila.

"Siyempre, napi-pressure ako. Pero at the same time, excited din ako, e.

"Parang hindi na ako makapaghintay na mapanood ang sarili ko sa big screen. Lalong-lalo na at sa Valentine’s day nga ito ipapalabas.

"And, talagang pinaghirapan namin.

"And kami ni Rhian, halos maputol na ’yong dila namin sa kakaulit ng mga lines namin and ’yong emotions na hinihingi ng mga eksena.

"Nagkatrabaho na kami dati ni Rhian sa Ilumina. First namin ito sa movie."

Ano ba ang istorya ng My Kontrabida Girl?

"Love story siya na comedy. Nakakakilig.

"Sobrang exciting ’yong story.

"Para kasing... Si Isabel [character ni Rhian], kaya siya My Kontrabida Girl, kasi artista siya na kontrabida.

"Kumbaga, nawala ’yong ano niya bilang kontrabida, at kailangang hanapin niya ’yong lalakeng makakapagbalik ng galit niya sa mundo. Ng bitterness niya.

"Dahil do’n kasi kaya siya magaling na kontrabida, e.

"So, hahanapin niya, kasi ako ang dahilan kung bakit siya naging gano’n, e.

"Babalik siya kung saan kami lumaki. At do’n magsisimula ang istorya."

HOW IS RHIAN? Kumusta katrabaho si Rhian?

"Okey naman. Maayos siya. And...professional.

"Sobrang saya niyang kasama sa trabaho," sabi ni Aljur tungkol sa kanyang leading lady.

Hindi naman lingid sa marami kung ano ang pinagdadaanan ni Rhian dahil sa mga matitinding issue na kinasangkutan nito at ng ex-boyfriend na si Mo Twister.

Kumusta si Rhian ngayon base sa naoobserbahan niya sa dalaga kapag nagkakasama sila sa shooting?

Naka-recover na ba ito?

Ngiti lang ang naging tugon ni Aljur. Umiiling-iling siya na walang anumang gustong sabihin pa.

May ginagawa ba siya to make Rhian feel better?

Wala pa ring anumang masabi si Aljur. Senyas lang na talagang no comment na lang daw siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ENJOYING HIS CAREER. Kahit may bago na siyang pelikula, may mga gustong mapanood ulit si Aljur bilang bida sa soap o teleserye.

Kahit napasama raw siya sa huling bahagi ng Amaya, ang kanyang mga tagasubaybay ay nag-aabang ng bagong serye na siya ulit ang bida.

"Happy naman ako sa nangyayari sa career ko ngayon," reaksiyon ng binata.

"Sobrang happy ko kasi, a... kumbaga, noon kasi laging soap, e.

"Na wala pang two months, may panibago ka na naman. Sunud-sunod.

"Ngayon, sa totoo lang, gusto kong mag-concentrate sa movie.

"And, a...ngayon, mas may time ako sa sarili ko.

"Mas nagagawa ko ’yong mga bagay na gusto ko.

"Happy ako sa ibinibigay na projects sa akin ngayon ng GMA. Kuntento ako."

Tungkol naman sa kanyang singing career, nakapag-record na raw siya ng kanyang second album.

Lalabas daw ito, sa pagkakaalam niya, ngayong February na.

"Puro revivals ang laman nito. Wala pang final title ’yong album.

"Hinihintay ko pa sa GMA Records ang update about it. Kaya wala pa akong masabing details," sabi ni Aljur.

SEXY IMAGE. Sa Machete, naka-establish siya ng sexy image dahil sa kanyang costume na lantad ang magandang hubog ng kanyang katawan.

Sa pelikula ba, puwede rin siyang maging mas game sa pagganap ng sexy roles?

"Open ako diyan," sagot niya.

Gaano ka-sexy na role ang kakayanin niya?

"Basta disente na sexy. ’Yong hindi naman to the point na gagawa na ng bold."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN