Rocco Nacino on Sheena Halili’s reaction to his presence at Kylie Padilla’s birthday party: "It’s something na she doesn’t have to be jealous about."

Rocco Nacino on balancing career and lovelife: "Para sa akin, it’s all about balance, e. Kaya namang ibalanse, e. And siyempre, kung may lovelife ka, ipaglaban mo ’yon. Kung mahal mo ’yong tao, dapat ipaglaban mo. Paano magba-balance? Siyempre by knowing what is necessary, being sensitive, and knowing your priorities."


Sa surprise advance birthday party para kay Kylie Padilla noong Sabado, January 21, hindi ang dati pang nali-link sa dalaga na si Aljur Abrenica ang naging special guest nito.

Ito ay ang kapareha ni Kylie sa upcoming afternoon soap ng GMA-7 na The Good Daughter—si Rocco Nacino.

(CLICK HERE to read related story.)

Kaya nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco pagkatapos ng Party Pilipinas noong Linggo, January 22, tungkol dito ang unang naging paksa ng aming usapan.

"Siyempre, katrabaho ko kasi siya," sabi ni Rocco.

"Kasama kong nagpunta ’yong director namin. At saka ’yong EP [executive producer] namin.

"Nando’n kami para i-greet siya in advance ng happy birthday."

Sa Miyerkules, January 25, pa ang mismong kaarawan ni Kylie.

Noong technical rehearsal ng production number nila para sa Party Pilipinas noong Sabado ng hapon, nagkukunwari pa raw si Rocco sa harap ni Kylie na wala siyang alam sa surprise party para sa dalaga.

Natatawang kuwento ni Rocco, "Sabi niya, ’Hanep, ang galing mong umarte kanina! Hindi ko na-figure out na may balak ka palang pumunta!"

MEETING ROBIN. Patuloy pa ni Rocco, "Ipinakilala ako kay Tito Binoe [Robin Padilla, Kylie’s dad].

"Naging okey naman ang usapan namin.

"Parehas kami ng trainor sa pagbubuhat [sa gym]. So, at least meron akong ice breaker kaagad.

"And from there, naging maganda ang usapan namin."

Wala bang ibinilin sa kanya si Robin since siya ang leading man ni Kylie sa susunod nitong proyekto?

"Wala naman. Wala naman.

"Sabi lang niya, ’Itong anak ko, gusto ko nang makatrabaho. Pero ayaw niya!’" sabay tawang kuwento pa ng binata.

NEW LEADING LADY. Ngayong kay Kylie naman siya ipinapareha, aminado si Rocco na may kaba siyang nararamdaman.

"’Yong past two projects ko, si Kris Bernal ang kasama ko," banggit ng StarStruck alumnus.

Nagkasama sina Rocco at Kris sa afternoon soap na Koreana at sa primetime series na Time of My Life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos ngayon, bagong leading lady.

"So, I make sure na lahat ng workshops namin for the show, pinuntahan ko, ginawa ko, at ibinigay ko ang best ko.

"Para maging at ease ako kay Kylie. And so far, so good.

"Excited na akong mag-taping kasama siya."

May napag-uusapan na ba sila ni Kylie para magkaroon ng kilig sa viewers ang unang pagtatambal nila?

"Iyon ang ano...’yong paghahanda namin during the workshops.

"At siyempre, kung anuman ’yong nangyari sa workshops, sa amin na lang iyon.

"Pero ano...dahil sa workshops na ibinigay sa amin ng GMA, mas naging close kami.

"’Tapos nagkaroon kami ng ano...ng chemistry.

"At maganda ’yong nabuong rapport namin sa isa’t isa," saad ni Rocco.

SHEENA HALILI. Kumusta naman sila ngayon ng rumored girlfriend niyang si Sheena Halili?

"Good!" nakangiting sagot kaagad ni Rocco.

"Good. At, uhm...going steady."

Hindi ba nagselos si Sheena sa pagiging special guest niya sa advance birthday party ni Kylie?

"It’s something na she doesn’t have to be jealous about.

"Kasi alam niya, pumunta ako doon para bumati at maki-celebrate bilang katrabaho nga ni Kylie.

"And she would do the same kung may leading man siya.

"At ako, kung siya pupunta sa mga ganyan, maiintindihan ko rin."

Wala raw silang nagiging problema ni Sheena kung trabaho ang pag-uusapan.

May mga napag-uusapan na ba silang plans ni Sheena para sa kanilang dalawa? Gaya ng settling down sa kung anong taon na sa akala nila ay puwede na?

"Ay, hindi!" natawang sagot ni Rocco.

"Siyempre hindi. Bata pa kami.

"Ang napag-uusapan namin...work, work, work. Puro work.

"We want to enjoy muna kung anuman ’yong meron kami sa ngayon.

"’Yon nga ang sinasabi ko, steady kami. Ini-enjoy namin ang company ng isa’t isa," sabi ni Rocco.

CAREER AND LOVELIFE. Natutuwa si Rocco na patuloy lang ang magandang takbo ng kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana magtuloy-tuloy lang," sambit niya.

"And I’ll make sure naman na magiging worth it ’yong tiwalang ibinibigay ng GMA sa akin.

"Excited din ako na may indie film akong gagawin.

"Kahit may injury ako sa balikat, pinaghahandaan ko na. Nagwi-weights na ako."

Iyong ibang artista, sa kagustuhang mas umangat pa ang kanilang career, minsan ay nagagawang isakripisyo ang kanilang lovelife.

Kaya rin kaya ni Rocco kung sakali?

"A, para sa akin, it’s all about balance, e. Kaya namang ibalanse, e.

"And siyempre, kung may lovelife ka, ipaglaban mo ’yon.

"Kung mahal mo ’yong tao, dapat ipaglaban mo."

Kahit pa halimbawa, magiging sagabal ito sa pag-usad ng kanyang career?

"Do’n papasok ’yong pag-balance, siyempre.

"Paano magba-balance? Siyempre by knowing what is necessary, being sensitive, and knowing your priorities," sagot ni Rocco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN