Danita Paner still coping with breakup with JC de Vera

Danita Paner on coping with her breakup with JC de Vera: "Kasi ngayon, tina-try ko nang kalimutan lahat. Tina-try ko nang maging positive. Kasi in the past few weeks, medyo hindi maganda yung pagku-cope ko, e. Ngayon na lang medyo pina-positive ko na lang lahat. Siyempre, ang lungkot dahil araw-araw mong kasama yung tao. Paggising mo sa umaga, feeling mo, lost ka. Ang hirap matulog sa gabi...hirap talaga."


Bagamat wala pang detalye, isang drama show sa hapon ang posibleng ibigay sa isa sa mga itinuturing na prinsesa ng TV5, na si Danita Paner.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Danita—sa gitna ng pakikipag-bonding niya sa kanyang fans sa Music Plaza 21 Timog—ibinalita nito na nasabihan na siya ng Kapatid network tungkol sa drama show na gagawin niya.

Sa pagkakaalam niya, si Karel Marquez, at maaaring si Lorna Tolentino, ang makakasama niya sa daytime drama soap na ito.

Kailan ito sisimulan?

"On the works pa raw lahat, e.

"Siguro next month pa, or towards the end of the month pa this February," sabi ni Danita.

Iisa lang ang regular show ni Danita sa TV5 ngayon—ang Hey, It’s Saberday.

Nag-guest naman daw siya sa Pidol’s Wonderland.

Abala rin siya sa outreach tour ng Kapatid network sa ilang key cities sa Pilipinas para i-promote ang istasyon.

Mas seryoso raw ngayon si Danita sa kanyang career kumpara noong mga nakaraang taon.

Aniya, "Nong 2010 and 2011, medyo relax-relax pa ako sa acting.

"Pero ngayong 2012, seryoso ako. Gusto ko pang mas lumalim.

"Minahal ko [na] ang acting.

"Unlike before na parang gusto ko lang siyang i-try, dahil mas gusto ko yung singing.

"Pero ngayon, mas natsa-challenge ako sa acting.

"Kaya sana this 2012, mas marami pa akong gawing soap."

BREAKUP WITH JC. Nag-alinlangan si Danita na pag-usapan ang naging kaganapan sa kanyang lovelife noong nakaraang taon, partikular na ang nangyaring hiwalayan nila ni JC de Vera.

"Nakakasyokot!" natatawang bulalas ni Danita, na ang ibig sabihin ay "nakakatakot."

"Well, ganun talaga, e. Pero honestly, I’m still coping.

"Hindi naman biro ang pinagdaanan namin ni JC.

"Ganun talaga, kailangan lang talagang maging positive."

Hindi sigurado si Danita kung saan nagmula ang pagkaka-leak sa media ng hiwalayan nila ni JC.

Malabo raw na sa kanya manggaling ang balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya yata?" patungkol ni Danita sa kasintahan.

"Hindi na kasi namin pina-follow ang isa’t isa sa Twitter.

"Nag-uusap naman kami once and a while.

"Pero pag in person, medyo awkward pa, e.

"Pero eventually, magiging okey din."

Nagpaliwanag si Danita kung bakit hindi na niya pina-follow ang dating kasintahan sa Twitter.

"Kasi pag nag-aaway kasi, pina-follow/unfollow namin ang isa’t isa.

"Kaya para matapos, in-unfollow na namin ang isa’t isa.

"Though sa Facebook, magkaibigan pa rin kami."

TIME IS THE REASON? Sa pagkakaalam ni Danita, last November 2011 sila nag-break ni JC.

"Ano kasi, parang naipon-ipon na rin," sabi niya nang tanungin ng mga naging problema sa kanilang relasyon ni JC.

Sinasabing ang kawalan ng panahon sa isa’t isa ang lumabas na dahilan ng hiwalayang Danita at JC, pero kinontra ito ng young actress-singer.

"Never naging issue sa amin ang time," giit niya.

"Si JC kasi, ano yun, e... Ayoko ring magkuwento, magsalita, dahil napaka-private na tao.

"Ayaw talaga niyang pag-usapan yung issue.

"Kung ano na lang yung sinabi niya, yun na lang yun."

Pero yun ang sinasabi ni JC na ilan sa mga rason?

"Siguro nga isa yun sa mga dahilan, pero for me, hindi naman.

"Baka siya, yun ang issue niya. But for me, iba rin ang issues ko.

"Pero kasi ngayon, tina-try ko nang kalimutan lahat.

"Tina-try ko nang maging positive.

"Kasi in the past few weeks, medyo hindi maganda yung pagku-cope ko, e.

"Ngayon na lang medyo pina-positive ko na lang lahat.

"Siyempre, ang lungkot dahil araw-araw mong kasama yung tao.

"Paggising mo sa umaga, feeling mo, lost ka.

"Ang hirap matulog sa gabi... hirap talaga," pagtatapat ni Danita.

Mahigit sa isang taon daw ang itinagal ang relasyon nila ni JC.

Sabi pa ni Danita, "Sa isang taon na yun, ang iba iniisip nila na medyo sandali lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sa amin, iba, araw-araw.

"Magkatrabaho pa kami.

"After work, kami pa rin ang magkasama. "

TOO HOT TO HANDLE. Aminado si Danita na nahirapan siyang hawakan si JC bilang boyfriend.

Aniya, "Sa umpisa naman, mahihirapan ka naman talagang i-handle ang isa’t isa, e.

"Although nakapag-adjust naman kami pareho. Kaso, hindi lang talaga nag-work.

"Although kaming dalawa naman, ayaw naming mag-close ng door dahil hindi natin alam kung ano ang mangyayari."

Itinanggi ni Danita na nasasakal siya sa relasyon nila ni JC, gaya ng pagbabawal ng young actor na gumimik siya sa bars at pagsusuot ng mga seksing damit.

"Hindi. Wala... walang bawal.

"Hindi naman istrikto yun, never akong nasakal ni JC.

"Siguro ano lang talaga, kailangan lang siguro naming magpahinga sa isa’t isa.

"Ayokong magsara ng kahit na anong door ko."

Ang posibilidad na magkabalikan ang ibig sabihin ni Danita.

Inamin naman ni Danita na naging magulo ang kanilang relasyon ni JC.

"Normal naman yung relationship namin.

"Hindi lang talaga namin kinaya, kinakailangan na naming magpahinga," sabi niya.

Wala pang posibilidad na magkabalikan sila?

"Well, sana. Pero ayokong magsalita.

"Kung maayos, maayos yun.

"Siguro plano na rin ni God yun.

"Magulo, e, magulo talaga!" bulalas niya.

WHO BROKE UP WITH WHOM? Ayaw kumpirmahin ni Danita kung sino sa kanilang dalawa ni JC ang nakipaghiwalay.

"Kung ano na lang ng sinabi niya, yun na lang yun!"

Maraming tanong na hindi sinagot ni Danita.

Palaging ipinauubaya niya ang lahat ng sagot sa kung ano ang mga sinabi ni JC sa press.

Paliwanag niya, "Ayoko nang magsalita.

"Sabi ko nga sa kanila, hindi naman kami Kim-Gerald, hindi naman kami KC-Piolo.

"Hindi naman kami loveteam, wala naman kaming pinu-promote.

"So, as much as possible, ayoko na rin."

Paano ba siya nasaktan? Umiyak ba siya nang todo-todo?

"Oo! Dyumiyak ako!" pabakla niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit naman ngayon, minsan. Nami-miss mo yung tao."

Gaano katagal niya iniyakan si JC?

"Matagal rin. Pero ngayon, hindi na masyado, konti-konti na lang."

Ano ba yung nami-miss niya kay JC?

"Maalaga kasi yun. Saka gusto niya lagi niyang kasama ang girlfriend niya.

"Nagkaanuhan lang talaga. May mga bagay lang na hindi napag-usapan, hanggang sa naipon."

Walang plano si Danita na ibalik ang mga naibigay sa kanya ni JC.

Pero kung hihingiin daw ng dating kasintahan ang mga ito, ibabalik niya ang mga iniregalo nito sa kanya.

"Pero hindi naman ganun yun," paniniwala ni JC.

SHORTCOMINGS. Aminado rin si Danita na mayroon siyang pagkukulang sa relasyon nila ni JC.

"Siguro, masyado lang akong emotional, masyado lang akong sensitive.

"Pero lahat naman tayo ano, e... Ayoko nang magsalita!" biglang hinto niya sa dapat sanang sasabihin.

Pero dugtong niya, "Ka-text ko naman siya kahapon.

"Lahat tayo may kanya-kanyang ugali, may kanya-kanyang weaknesses, may kanya-kanya tayong strength.

"Ang sa amin lang ni JC, hindi lang talaga kami nagkasalubong."

Kailan lang daw sumulpot ang problema sa pagitan nila ni JC kaya hindi masasabing matagal na ang pinagdadaanan nilang issues sa isa’t isa.

"Naipon-ipon lang. Wala namang third party," sabi ulit ni Danita.

Hindi raw masasabi ni Danita na isa sa kanila ni JC ang nahirapang humawak sa relasyon kaya humantong ito sa breakup.

"Siguro, pareho kaming nahirapan sa isa’t isa.

"Nagkaroon kasi... no’ng nagkaroon ng problema, nagkaroon ng distansiya, kaya mas lalong nahirapan maayos."

Sinisikap daw ni Danita na huwag nang maapektuhan sa nangyari sa kanilang relasyon ni JC.

"Okey naman ako ngayon.

"Dini-distract ko ang aking sarili.

"Kaya ako nagpa-fans day dahil yung mga ’yan [her fans], lagi akong kinukulit.

"Every taping, pumupunta sila, nagbibigay ng kung anu-ano.

"Eto yung way na gusto ko namang ibalik sa kanila yung effort na ginagawa nila... Nakakatuwa kasi sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas si Danita sa anumang paraan ng muli nilang paghaharap ni JC.

"Kaya nga ayaw kong magsalita ng tapos, kasi hindi pa talaga kami nakakapag-usap nang talagang maayos," sabi ni Donita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN