Pokwang denies neglecting imprisoned brother in Dubai

"Actually, marami akong tinutulungan sa pamilya. Umaabot ka na rin sa puntong sa dami mong tinutulungan, napapagod ka na rin, di ba? Alam nila na hindi po ako pabayang kamag-anak. Hindi po ako pabayang kapatid," says Pokwang.


Nagsimula sa mga blind item ang tungkol sa isang sikat na komedyante na pinabayaan diumano ang kapatid nitong makulong sa ibang bansa dahil sa pagkakautang.

Kalaunan ay pinangalanan din sa ilang write-ups ang tinutukoy na komedyante—ang Kapamilya star na si Pokwang.

Kaya naman sa taped interview sa kanya ng The Buzz, na ipinalabas noong Linggo, January 22, sinagot ni Pokwang ang mga intriga at akusasyon sa kanya.

"Yes, meron po akong kuya na nakakulong po sa Dubai," pag-amin ni Pokwang.

"E, siguro, ganoon po talaga. Kasi sa pamilya natin, meron talagang isa na naliligaw ng landas.

"Ganoon talaga, sa pagkakamali nating nagagawa, dumarating talaga ang mga oras na kailangan na nating matuto sa mga pagkakamaling nagawa natin."

Pero nilinaw ni Pokwang na hindi totoong pinabayaan niya at hindi niya tinulungan ang kapatid na nasa ibang bansa.

Ayon sa komedyana, "Actually, matagal na itong isyu na ’to na... tawag dito, nakaano siya ng pera, yung loan niya.

"Humingi siya ng tulong sa akin pati sa ibang kapatid ko—hindi naman kami nagkulang.

"Nagbigay rin naman kami ng tulong at alam din naman ng mga anak niya ’yan.

"Hindi lang sila ang nakakausap namin."

Pero dahil sa negatibong isyung ito, hindi nga naiwasan ni Pokwang ang maging emosyunal at labis na maapektuhan.

"Actually, marami akong tinutulungan sa pamilya.

"Umaabot ka na rin sa puntong sa dami mong tinutulungan, napapagod ka na rin, di ba?

"Alam nila na hindi po ako pabayang kamag-anak.

"Hindi po ako pabayang kapatid."

Sa puntong ito, hindi na napigilan ni Pokwang na umiyak.

Sa pagitan ng pagluha, sinabi ni Pokwang na: "Ang problema kasi natin, ang dali-dali nga nating manghusga.

"Pero ako po, nag-try akong ayusin ang buhay ko, naayos ko ang buhay ko.

"Ginawa ko ang lahat, lahat-lahat, para mabigyan ng magandang buhay ang mga kapatid ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung nanay ko, yung ibang pamangkin ko.

"Pero this time, this time, huwag ninyo namang ipakarga sa akin na sobra-sobra na."

Sa kabila naman ng sama ng loob, may pangako pa rin na binitawan si Pokwang para sa kanyang kapatid na nasa kulungan.

"Sa Kuya ko, ’Kuya... sa nagawa mong pagkakamali na ’yan, alam ko, may reason ka rin.

"’Pero sana, ang dalangin na lang namin, malampasan mo lahat ’yan.

"’At nandito kami, susuportahan namin ang mga anak mo.

"’Hanggang sa matapos sila ng pag-aaral.

"’Hanggang sa malagpasan mo ’yan, makauwi ka rito, hindi namin sila pababayaan.

"’Yun lang ang mapa-promise namin nina ate."

Nag-iwan din ng mensahe si Pokwang sa naglabas ng malisyosong balita tungkol sa kanya:

"God bless you.

"Sana kapag nasira ninyo ako at nagtagumpay kayo, buhayin ninyo ang mga binubuhay ko.

"Salamat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN