Carla Abellana in quandary about staying in GMA-7 or transferring to ABS-CBN

"At the end of the day, it’s still my decision, though napakalaki at napakahirap na desisyon. Lahat gagawin namin para, kumbaga, makaisip kami nang matino, para... Basta kailangang mapag-isipan namin lahat, makita namin lahat ng sides, lahat ng pros and cons. At mapag-usapan namin para hindi kami magsisisi sa bandang huli," says Carla Abellana about staying with GMA-7 or moving to ABS-CBN.


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa comebacking actor na si Michael de Mesa sa set ng Valiente ng TV5, sinabi niyang boto siya kay Carla Abellana para sa anak nitong si Geoff Eigenmann.

Si Carla ang girlfriend ni Geoff.

Kaya nang si Carla naman ang bisitahin ng PEP sa taping niya ng GMA-7 afternoon soap na Kung Aagawin Mo Ang Langit kahapon, January 23, hiningi namin ang kanyang reaksiyon sa sinabi ni Michael.

"Ay, naku naman, nakakatuwa naman. That’s good naman," sabi ng Kapuso actress.

Plano na ba nila ni Geoff na magpakasal?

"Naku, hindi pa, hindi pa! Ayaw pa naming pareho.

"Actually, hindi nga namin pinag-uusapan pa, e.

"Dapat siguro pag-usapan bago kami mag-decide na magpakasal kami.

"Ang dami pang dapat-i-take into consideration.

"Ayaw pa naming pareho," ulit niya.

RUMORED TRANSFER. Samantala, matunog ang balitang lilipat na si Carla sa ABS-CBN.

"Oo nga, e.

"Hindi ko rin alam kung anong nangyayari, kung bakit ganyan kalakas ang mga bali-balita."

Baka naman inililihim lang niya, pero lilipat na nga ba siya?

"Hindi naman. Hindi naman sa inililihim ko.

"Alam ko namang may negotiations na nagaganap between Arnold and whoever," sabi ni Carla.

Si Arnold Vegafria ang manager ni Carla.

Tinanong din namin kung pumayag ba siyang makipag-negotiate sa iba ang manager niya.

"No, hindi naman kailangan ng approval ko, okay lang naman.

"Siyempre bilang manager ko, ang sa akin, trabaho ang inihahanap niya sa akin, di ba, yung the best possible na ano.

"Hindi naman sa kailangan ng approval ko, pero ibinabalita niya sa akin," paliwanag ni Carla.

HER HEART IS STILL WITH GMA-7. Nagsabi naman daw si Carla kay Arnold na ayaw niyang umalis sa GMA-7 hangga’t maaari.

"Sinabi ko yun!

"Sinabi ko yun and alam niya yun, na ayoko talagang lumipat.

"Siyempre, my heart talaga is with GMA, ang laki ng utang na loob ko sa GMA."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa GMA-7 inilunsad si Carla sa pamamagitan ng telenovela na Rosalinda noong 2009.

Ano ang sinabi sa kanya ni Arnold?

"Alam naman niya daw.

"Sabi niya, ’Hindi mo na kailangang sabihin sa akin, Carla, alam ko that’s where your heart is. Alam ko ayaw mong lumipat.

"’But you also have to look at in a business point of view. May mga times na you have to make big decisions.

"’Kumbaga, kailangan nating mag-decide kasi nag-o-offer din sila ng trabaho.

"’Hindi naman natin puwedeng tanggihan, kailangan bigyan din natin ng atensiyon, i-consider din natin.

"’But this doesn’t mean na lilipat ka na,’ sabi niya."

THE DECISION. Sa katapusan ng Pebrero mag-e-expire ang tatlong taong kontrata ni Carla sa Kapuso network.

Kailan malalaman ang desisyon kung lilipat nga ba siya o hindi?

"Pag ano, pag nakita ko na yung mga offer nila, pag nabasa ko na.

"Hindi pa, wala pa kasi... lahat verbal, lahat verbal.

"Puro ganito, ganyan, promises, ganun."

Kailan magiging formal ang offer sa kanya?

"Ewan ko. Hindi ko alam. Hindi pa kami nakakaupo.

"Kahit GMA, hindi ko pa nakausap.

"Wala pa akong nababasang kontrata ng renewal.

"Sabi ko, hangga’t wala akong nababasa at hindi ko naku-compare, ayokong mag-decide."

Paano kapag ang TV5 ang biglang mag-offer sa kanya ng malaking kontrata?

Tumawa muna si Carla bago sinabing, "Sino bang... kahit sino namang ano, kasi ang laki-laki ng offer ng TV5 kahit kanino."

TO SEE IS TO BELIEVE. May statement si Atty. Felipe Gozon na hindi pakakawalan ng GMA-7 si Carla.

Ano ang reaksiyon dito ni Carla?

"Oo nga, may intention naman daw talaga sila na i-renew ang contract ko.

"Well, it’s my last taping day tomorrow [January 24].

"Hopefully, sa matagal kong break, makaupo na kami para mapag-usapan na namin.

"Kasi hindi ako magde-decide hangga’t hindi ko nakakausap ang management ng GMA, hangga’t hindi ko nababasa yung mga kontrata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Last year pa naman nila in-express na ire-renew nila yung contract ko.

"Pero iyon nga, it’s all verbal. I want to see the written contract," sabi n Carla.

Paano kung hindi matanggihan ni Arnold ang offer ng ABS-CBN?

"Hindi naman, hindi naman siya puwedeng mag-decide for me, di ba?

"At the end of the day, it’s still my decision, though napakalaki at napakahirap na desisyon.

"Lahat gagawin namin para, kumbaga, makaisip kami nang matino, para...

"Basta kailangang mapag-isipan namin lahat, makita namin lahat ng sides, lahat ng pros and cons.

"At mapag-usapan namin para hindi kami magsisisi sa bandang huli."

Pero priority niya na manatili sa GMA-7?

"I want to stay, my heart is with GMA, ayokong umalis sa GMA, di ba?

"Pero heto ako ngayon, binibigyan ako ng Diyos ng ano ba... hindi problema, e, binibigyan Niya ako ng challenge, parang ganyan.

"Na, ’Sige, bibigyan kita ng pagsubok, tingnan natin,’ parang ganun.

"Ang hirap, sobrang hirap.

"Although, at least, hindi kami namumroblema na wala akong trabaho, na naghahanap ako ng trabaho.

"Namumroblema kami dahil ang daming trabaho na ino-offer."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN