Model Georgina Wilson says being fat as a kid made her sensitive about her body

"It took a long time. Nothing comes quickly. Nothing comes easy for those who have ambition," says model Georgina Wilson about how she got to the body she has now.


Pakiramdam ni Georgina Wilson, unti-unti na siyang nagiging showbiz.

Hindi naman nakapagtataka, dahil bukod sa pagiging pamangkin ng 1969 Miss Universe at beteranang aktres na si Gloria Diaz, halos puro taga-showbiz ang mga malalapit na kaibigan ng 25-year-old Filipina-British model.

Kasama na rito sina Anne Curtis, Raymond Gutierrez, Liz Uy at iba pa. Minsa’y naging boyfriend pa nito si Richard Gutierrez.

Malaking tulong para mas makilala sa showbiz si George—palayaw ni Georgina—nang maging guest celebrity judge ito ng Showtime noong nakaraang taon.

At bago matapos ang 2011, naging kontrobersiyal pa ang Channel V VJ nang umani ng reaksyon ang tweets niya tungkol sa courtesy call ni Paris Hilton kay Presidente Noynoy Aquino (hindi siya approve) at ang paglabas niya sa America’s Next Top Model (bilang consultant).

"Lagi na ’ko sa PEP!" bulalas pa ni Georgina nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), bago ang pagpapakilala sa kanya bilang bagong endorser ng Globe Tattoo, sa Ayala Museum, Makati City, noong Huwebes, Enero 19.

Hindi naman sa tonong nagrereklamo ang pagkakasabi ni Georgina tungkol sa pagiging laman niya ng PEP.

Mas nasa tonong natutuwa ang pagkakabigkas niya, dahil sa pakiramdam nga niya’y unti-unti na siyang nagiging showbiz.

"It’s funny because people always ask that, and I feel I’m so showbiz na.

"I guess they’re just waiting for me to be in mainstream TV."

Kung aalukin nga raw siya ng isang proyekto sa showbiz, wala naman daw magiging problema sa kanya.

"I’m open to everything. I feel like, if the right program is given, just like in Showtime, and that was amazing!

"I had so much fun with everybody there.

"And if it’s something that I feel comes in naturally, you know, what I am and what I stand for—then, of course, why not?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean, I love showbiz!"

Dugtong pa ng modelong gradweyt ng Sydney University, na may degree in Finance, "But it’s also about timing and what the show is about. I mean, I am not the type of person who just jumps into anything and does things without even thinking."

Kung bibigyan nga raw ng pagkakataon, gusto niyang maging host ng isang programa.

"Well, I am hosting right now, so I guess that’s okay as a first step for me in showbiz."

Sa ngayon, host at VJ si Georgina sa iba’t ibang shows sa cable channel na Channel V, tulad ng V’d Out, V Seen, at Bente Uno.

LOVES TELENOVELAS. Kung iniisip raw ng iba na walang alam sa showbiz si George, mali raw iyon.

"I think what most people think is that I don’t watch showbiz. That is not true at all!

"I feel like I’m a showbiz person.

"I mean, my family’s in showbiz!"

Bukod pa sa tiyahin niyang si Gloria, nasa showbiz na rin ang pinsan niyang si Isabelle Daza, ang anak ni Gloria.

"And personally, I love watching telenovelas. I know everything that’s happening.

"And people don’t know that. They don’t even know that I am fluent in Tagalog—hindi nila alam."

Sa ngayon nga raw, ang paborito niyang drama series ay ang Walang Hanggan at ang Legacy.

"I love watching Richard Gomez and Dawn Zulueta. My God, they’re like Hollywood with their acting," aniya tungkol sa Walang Hanggan, na halaw sa Hihintayin Kita Sa Langit ng Reyna Films.

"I also caught the opening of Legacy. So, I keep my eyes on both," natatawa niyang sabi.

Ang Legacy ay sa GMA-7 at ang Walang Hanggan ay sa ABS-CBN, at ang dalawang bagong teleserye ang siyang nagbabanggaan para sa primetime TV ratings ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SENSITIVE ABOUT HER BODY. Samantala, tinanong rin ng PEP kung ano ang sikreto niya sa maganda niyang pangangatawan ngayon.

Marami kasi ang nabigla sa in-improve ng katawan niya, lalo na sa bandang bewang, nang i-display ni Georgina ang balingkinitang katawan sa isang glossy men’s magazine.

"Naku, thanks!" nakangiting pasasalamat ni George nang batiin ng PEP ang ganda ng katawan niya ngayon.

"I’m fat when I was a kid, so it’s very sensitive for me, and I really feel that if you put your mind on anything, anything can be achieved."

Hard work at diet daw talaga ang sikreto kung paano niya na-achieve ang katawan niya ngayon.

"It took a long time. Nothing comes quickly. Nothing comes easy for those who have ambition.

"Just a healthy lifestyle. Right diet and work out a lot."

Lahat daw ng klase ng workout ay ginawa na niya para lang magkaroon ng magandang pangangatawan.

"Weights training, yoga, Bikram yoga, cardio... any new workout," banggit pa ni Georgina sa mga klase ng ehersisyong pinasukan niya.

Dumating pa nga raw sa punto na kahit dis-oras ng gabi ay nagwo-workout pa rin siya.

"Kahit 1 a.m., workout pa rin ako, and I think it paid off.

"And I’m still not happy. Meron pa, mag-a-abs pa ’ko this year!" natatawang sabi pa ni George.

HER BOYFRIEND BORGY. Napansin naman ng PEP na nasa loob ng tent, na siyang dressing area ni Georgina, ang boyfriend nitong modelo rin na si Borgy Manotoc.

Si Borgy ay pamoso bilang apo ng dating Presidente Ferdinand Marcos at ang biyuda nitong si Imelda Romualdez.

Kumusta naman sila ni Borgy?

"I’m very happy with him. He’s very supportive.

"And he handles me very well," dagdag pa niya tungkol sa boyfriend, na anak ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos at ng sportsman na si Tommy Manotoc. (Matagal nang hiwalay sina Imee at Tommy.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May plano ba silang dalhin sa mas mataas na level ang relasyon nila, gaya ng pagpapakasal?

"Ay, siya na lang ang tanungin nyo, ha-ha-ha!" napatawang sagot ni Georgina.

"But, I’m still young. I don’t wanna rush anything. So, not anytime soon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN