Iza Calzado leaves GMA-7; inks three-year contract with ABS-CBN

"I just think that this is time for me to grow, to evolve, to learn. I think it’s just a matter of timing and I’ve always wanted to work again with people from Channel 2," says Iza Calzado about her transfer from GMA-7 to ABS-CBN.

Earlier today, January 24, the actress inked a three-year contract with her new network. Her upcoming projects include a TV series, a reality show, and a movie.



"This is time for me to grow, to evolve, to learn."

Ito ang naging pahayag ng actress-TV host na si Iza Calzado tungkol sa kanyang desisyong lumipat mula sa GMA-7 patungong ABS-CBN.

Matatandaan na noong Disyembre 23 pa lang, inanunsiyo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)—sa pamamagitan ng PEP Alerts—ang paglipat ni Iza at ng isa pang dating Kapuso na si Carmina Villarroel sa bakuran ng Kapamilya network.

Nauna nang pumirma ng kontrata si Carmina sa ABS-CBN noong January 16. (CLICK HERE to read related article.)

Sa ulat ni Reyma Buan-Deveza ng ABS-CBN, na nailathala rito kaninang hapon, January 24, naging opisyal na ang paglipat ni Iza sa pagpirma nito ng three-year contract sa Kapamilya network.

Nakapaloob sa kontrata ng 29-year-old actress ang paggawa ng isang teleserye, isang reality show, at isang pelikula.

"What I am allowed to disclose at this very moment is mayroon po akong drama show at magkakaroon ako ng reality TV show.

"Hindi naman ito tungkol sa buhay ko, kaya huwag kayong mag-alala, hindi n’yo ako susundan sa bahay ko," sabi ni Iza.

Nabanggit din sa ulat na may espekulasyon na maaring maging host siya ng second season ng reality show na The Biggest Loser Pinoy Edition

Matatandaan na ang unang naging host ng programang ito ay si Megastar Sharon Cuneta, na ngayo’y nasa Kapatid network na.

Sabi pa ni Iza tungkol sa kanyang paglipat: "I just think that this is time for me to grow, to evolve, to learn.

"I think it’s just a matter of timing and I’ve always wanted to work again with people from Channel 2.

"Kasi noong nag-Star Cinema ako for Milan [2004], sabi ko, one day I’m sure I will work with them again.

"I guess this is just the way it works.

"It’s just a business, and at some point, we will make a certain decision and hopefully without burning bridges."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HARD DECISION. Sa panayam ding ito ni Iza, hindi niya nakalimutang magpasalamat sa GMA-7 para sa pagkupkop sa kanya ng halos sampung taon.

Sa naturang TV network ay nakilala si Iza bilang Amihan sa mga telefantasyang Encantadia (2005) at Etheria (2006).

Ilan pa sa mga TV projects niya sa GMA-7 ay ang mga sumusunod:

Atlantika (2006), Impostora (2007), Joaquin Bordado (2008), All About Eve (2009), Kaya Kong Abutin ang Langit (2009), Beauty Queen (2011), I ♥ You Pare (2011), at Andres de Saya (2011).

Naging host din siya ng iba pang mga programa ng GMA Network tulad ng The Sweet Life (sa QTV Channel 11), Party Pilipinas, at Eat Bulaga!.

Ang noontime show ng GMA-7 at TAPE Inc. umano ang isang dahilan kung bakit naging mahirap para sa kanya ang pagdedesisyong lumipat.

Mami-miss daw niya ang mga kasamahan niya sa longest-running noontime show, partikular na ang mga main hosts nito na sina Senator Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Sa mga huling araw ni Iza sa Eat Bulaga!, sinabihan na rin daw siya ng ilang mga kasamahan roon na mami-miss nila si Iza.

Ani Iza, "Isa sa pinakamahirap na desisyon sa akin na iwanan ang Eat Bulaga!.

"You can never understand what it is like unless you were part of that family.

"Napakabait nila, and it takes a certain personality to gel with them, and I was fortunate enough to have that kind of personality, and they are very fun.

"Kaya lang, I really need to do this.

"I’m sure maiintindihan nila."

MOTIVATION AND CHALLENGE. Nabanggit ni Iza sa ABS-CBN News ang ilang Kapamilya stars na nais niyang makasama sa isang proyekto.

Sa mga artistang lalake, pinangalanan ni Iza ang nakasama niya sa Milan na si Piolo Pascual.

Binanggit din niya sina John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, at Gerald Anderson.

Subalit nilinaw ni Iza na hindi naman kailangang maging kapareha niya sa isang proyekto ang mga nabanggit na aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "I really wanna work with people and I want to see what they’re like."

Sa female Kapamilya talents naman, gusto ni Iza na makasama si Judy Ann Santos, na dating co-star niya sa pelikulang Ouija (2007).

Pati na sina Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, at Karylle.

Nagkasama sina Iza at Karylle sa Encantadia ng GMA-7.

Aminado si Iza na maraming magagaling na artista ang ABS-CBN. Gayunman, sana raw ay huwag isipin ninuman sa Kapamilya network na ang pagpasok niya rito ay dagdag-kumpitensiya.

Sa halip, sabi ni Iza, "It serves as a motivation and challenge, but I’m not going to take anyone’s place.

"I would like to make my own space and fill up a certain niche that maybe only I can fill."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN