Romi Garduce on completing the Seven Summits of the World Expedition: "Di ko pa siya ma-feel, e!"

After completing the Seven Summits of the World Expedition, Romi Garduce plans to help other mountaineers: "Baka mag-start ako ng parang lecture series. I do that actually ngayon, limited version kapag may mga corporate talk, mga gano’n. Ito, medyo io-open ko sa public na may konting lecture on how to climb, how to climb Everest, parang ganyan, para mayro’n ka lang path na pwedeng sundin. It’s my own formula that I will share, that I c


Kung si Manny Pacquiao ang tinaguriang Pinoy’s Champ sa boxing, si Romi Garduce naman ang kampeon ng mga Pinoy pagdating sa mountain climbing.

Noon kasing Enero 6, bandang 5:45 ng umaga (petsa at oras sa Pilipinas), opisyal na narating ni Romi ang tuktok ng Mt. Vison Massif sa Antarctica.

Ito ang huling bundok na kinailangan niyang akyatin upang makumpleto ang Seven Summits of the World, o ang matataas na bundok sa pitong kontinente ng mundo.

(CLICK HERE for related article.)

Katunayan, walong matatas na bundok sa pitong kontinente na ang naakyat ni Romi: Mt. Kilimanjaro sa Africa (Setyembre 2002), Mt. Aconcagua sa Argentina (Enero 2005), Mt. Everest sa Nepal (Mayo 2006)...

Mt. Elbrus sa Russia (Agosto 2007), Mt. McKinley sa North America (Hunyo 2008), Mt. Kosciuszko sa Australia (Disyembre 2008), Mt. Carstensz Pyramid sa Indonesia (Hulyo 2011), at ang huli nga ay ang Mt. Vison Massif sa Antarctica (Enero 2012).

Kaya naman, si Romi ang unang Pinoy at ika-15 Asyano na nakatapos sa nasabing ekpedisyon, na kanyang natapos sa loob ng sampung taon.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media outfits si Romi sa ginanap na homecoming presscon niya kahapon, Enero 24, sa Travel Café sa Greenbelt 5, Ayala, Makati City.

"Di ko pa siya ma-feel, e!" bulalas ni Romi nang tanungin namin siya kung ano ang pakiramdam nang natapos na ang kanyang Seven Summits Expedition.

"On one part, malaking relief kasi nangangamba ako before na baka hindi ko siya matapos.

"I mean, originally, I thought matatapos ko siya two years ago.

"I thought tutumal na lang siya, mauna pa ’yong South Pole.

"So, it’s a relief na natapos ko ’yong unfinished business ko...

"Tawag ko sa kanya unfinished business kasi matagal na matagal [bago natapos]—that’s the feeling now.

"Siguro as the days go by, as the weeks and months progress, baka mag-sink in na, baka mas ma-feel ko na ’yong bigat niya, ’yong impact niya sa akin personally.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Obviously, it’s something I should be proud of, it’s something na matagal ko nang gusto matapos, so, yeah, I should be happy about it."

THE CLIMB. Noong unang nakapanayam ng PEP si Romi ay hindi pa niya matukoy kung ano ang mararamdaman niya sakaling paakyat na siya sa Mt. Vison Massif.

"Mapapasok lang ’yan ’pag nakaalis na ako, e, doon na siguro magsisimula ’yong totoong excitement," wika niya noon.

(CLICK HERE for related article.)

Pero ngayon ay ikinuwento niya kung ano ang naramdaman niya nang naroon na siya sa paanan ng aakyatin niyang bundok.

"Hindi naman takot, siguro mas worry lang.

"Una ’yong weather, hindi naman gano’n kaganda no’ng umaakyat kami.

"So, hindi ko alam if it’s something na magiging problema namin as we go up the mountain.

"Pangalawa, actually two days after the summit, ang laki ng worry ko about team movement.

"Kasi nga, may kasama kaming hirap na hirap, ’tapos ako, hindi ako gano’n ka-climatize at ka-fit pa masyado.

"So, para akong nasa gitna, alanganing gitna, na kapag na-partner ako sa maling group team, puwede akong sumabit na gano’n, puwedeng hindi ako makasali.

"So, ’yon ang worry ko no’ng una, ’yong team movement.

"Pero eventually, nagkaproblema kami sa team structure namin kasi nawala ’yong isang guide dahil kailangan nga ibaba ’yong isang kasama natin.

"Actually, naging simple siya kasi isa na lang guide, magkakasama kami sa isang group.

"So, kumbaga, kung mabagal ’yong isa, mabagal kaming lahat, gano’n na lang ’yong nangyari."

Kung kanyang ihahanay ang walong bundok na inakyat niya, pang-apat daw ang Mt. Vison Massif sa pinaka-nahirapan siyang akyatin.

Pangatlo ang Mt. Aconcagua.

Pangalawa ang Mt. McKinley.

At nangunguna ang Mt. Everest.

Ang pag-akyat daw mismo sa Mt. Vision Massif ang naging mahirap sa kanyang huling ekspedisyon sa Seven Summits.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Romi, "Naka-rope up kami, so medyo mas matarik.

"In fact, kung nakikita ninyo ’yong video, medyo hinihingal ako, totoo ’yon, hindi ako nag-a-acting lang."

ANOTHER FILIPINO CLIMBER. Samantala, hindi naman pinalad ang kasamang Filipino climber ni Romi na si Levi Nayahangan na tapusin ang pag-akyat sa naturang bundok.

Nagkaroon kasi siya ng respiratory problem, dahilan upang bumalik siya sa base camp para magpatingin.

Sa pakikipanayam ng PEP kay Levi, sinabi nito, "Basically ang nangyari doon, sabi ng doktor pagbalik ko do’n sa Chile, nagka-pneumonia ako papasok pa lang kami ng Antarctica, and then pinilit pa rin namin, pinilit ko pa rin.

"Pagdating ko sa high camp tinamaan ako ng ACE, Acute Pulmonary Edema, biglang nag-flood ’yong lungs ko, hindi ako nakakahinga nang maayos.

"Ayon, wala akong choice kundi bumaba."

Ayon sa medicine.net, ang Acute Pulmunary Edema ay isang kundisyon kung saan nagkakaroon ng pamamaga sa baga, kaya imbes na hangin ay ang sobrang tubig ang inilalabas ng alveoli sa baga.

Ang mga ekspediyon na ito ni Levi at Romi at ang kanilang mga kasamahan sa Mt. Vision Massif ay mapapanood sa Pito Para sa Pilipino: The Seven Summits Expedition, sa GMA-7 na magsisimula ngayong Pebrero.

CHRISTMAS AND NEW YEAR. Bukod sa malamig na klima at pag-akyat sa matarik na bundok, isa pang pagsubok kay Romi ay ang mag-Pasko at Bagong Taon na malayo sa kanyang pamilya.

"Ayoko nang alalahanin!" natatawa niyang sinabi nang tanungin namin kung kamusta ang Pasko at Bagong Taon niya kasama ang iba pang mountaineers.

"’Yong Christmas, nasa Punta Arenas [Chile] lang kami, thinking na vibrant and alive ’yong siyudad.

"Apparently, ghost town dahil lahat ng tao nag-uwian.

"So, isa lang ’ata ’yong bar na bukas hanggang alas-dose, so nando’n lang kami nila Levi [Nayahagan].

"Good thing is may na-meet kaming mga kapwa Pinoy na nagbabakasyon din from Santiago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, good thing may konting merriment na nangyari.

"So, may mga nakasalamuha na kaming Pinoy, that’s our Christmas.

"’Yong New Year namin, napaka-uneventful kasi nasa low camp na kasi kami, e.

"Parang pagkagising mo, ’Happy new year, happy new year!’

"That’s it, walang fireworks, walang big lunch or big dinner, or not even beer or whatever celebration.

"’Yong ibang Russians na nakita namin doon, nag-iinuman ng dalawang araw. Kami medyo focused sa objective which is to move from camp to camp."

HELPING OTHER MOUNTAINEERS. Ang sakripisyo ni Romi at ng kanyang mga kasamahan ay naging makahulugan dahil matagumpay nilang naabot ang tuktok ng Mt. Vison Massif.

Kaugnay ng kanyang matagumpay na ekspidisyon sa Seven Summits of the World, plano naman ni Romi ngayon na tulungan ang mga baguhang mountaineers.

"Baka mag-start ako ng parang lecture series," saad niya.

"I do that actually ngayon, limited version kapag may mga corporate talk mga gano’n.

"Ito, medyo i-open ko sa public na may konting lecture on how to climb, how to climb Everest, parang ganyan, para mayro’n ka lang path na pwedeng sundin.

"It’s my own formula that I will share, that I can share, that’s one approach.

"A, kino-contemplate ko pa kung itutuloy ko ’yong ginagawa naming book project sana, na iniisip namin three years ago, na hindi natuloy.

"So, baka i-revive ko ’yong gano’ng plan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN