Sam Pinto dismisses talk pitting her against Ellen Adarna; says she’s open to doing "nice" and "classy" sexy films

Sam Pinto on being compared to Ellen Adarna: "When I saw her nga in FHM, ’Oh my god, ang hot mo!’ sabi ko. Tineks ko pa nga siya, e. Tapos sabi niya, ’I’m just following your footsteps sa sexiness.’ Sabi ko, ’Hindi, ibang level ’yong sa ’yo!’"


Naging usap-usapan ng mga male netizens kung sino ang mas angat sa kaseksihan: FHM January 2012 cover girl Ellen Adarna o FHM Sexiest Woman in the World 2011 Sam Pinto?

Pabirong sumagot si Ellen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang aming kunin sa pamamagitan ng Facebook ang kanyang reaksyon sa ganitong usap-usapan.

Sulat niya sa Facebook: "Totoo ba to??!! Hahahahahhah of course flattered sino ba naman ang hindi diba? Ganda ganda at sexy ni sam. oo diba? bongga."

(CLICK HERE for related article.)

NO COMPETITION. Kaugnay nito, nagbigay na rin ng pahayag si Sam Pinto sa naturang usap-usapan.

Ayon sa report ni Lhar Santiago kagabi, Enero 24, sa "Chika Minute" segment ng GMA-7 news program na 24 Oras, sinabi ni Sam na walang kompetisyon sa pagitan nila ng kapwa Kapuso star.

"For me naman, we’re just really friends.

"Parang for me and for us, we have no competition at all.

"When I saw her nga in FHM, ’Oh my god, ang hot mo!’ sabi ko. Tineks ko pa nga siya, e.

"Tapos, sabi niya, ’I’m just following your footsteps sa sexiness.’ Sabi ko, ’Hindi, ibang level ’yong sa’yo!’"

LEADING LADY. Samantala, sinasabing isa si Sam sa mga "in demand" na leading ladies ngayon ng ilang sikat na lead actors.

Marami na raw kasing mga aktor ang nagtatanong kung maaari ba nilang makatambal ang aktres.

Masaya naman si Sam nang malaman ito, at sinabing "game" at "honored" siya na makatrabaho ang mga aktor na ito.

Katunayan, siya ang katambal ni Cesar Montano sa pelikulang Hitman, na ipapalabas sa Pebrero 22.

Mayroong love scene sina Cesar at Sam sa pelikulang ito, at talagang napahanga raw dito si Cesar kay Sam.

Ani Cesar sa hiwalay na panayam ng PEP, "Alam n’yo, sa totoo lang, pagkatapos ng eksena naming yun, namamangha ako.

"Parang earthquake, may aftershock.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi mo siya nakakalimutan. Mahirap kalimutan."

(CLICK HERE for related article.)

Dahil sexy nga ang mga eksena ni Sam, kasama si Cesar, sa Hitman, tinanong ng PEP si Sam kung gagawa na siya ng mga sexy films.

Sagot ng Viva star, "I don’t know, lets see.

"Depende siguro sa story and sa character, and if ever may sexy scenes, siguro we will still do it in a nice and classy way."

Bukod sa paggawa ng pelikula, abala rin si Sam ngayon sa primetime soap opera ng GMA-7, ang Legacy.

Dito ay kasama niya ang mga sexy ring mga aktres na sina Heart Evangelista, Alessandra de Rossi, at Lovi Poe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN