PART 1 Michelle Madrigal on network-transfer fever: "Kung aalis ka sa isang network at lilipat ka sa marami, parang lahat siniksik n’yo na lang sarili n’yo dun, di ba?"

Michelle Madrigal on being a Kapuso: "Masaya naman ako sa ibinibigay nila. Kasi, yun naman ang importante sa akin. Magagandang break. Like after nito, hindi naman nila ako bibigyan ng basta-bastang role lang ulit. But you know, I’m not asking naman na bida ulit. Pero kung maganda at character actress ang kakalabasan ko, I don’t mind doing that. Basta ang importante sa akin, maganda nga ang role at okay naman ang show na ibibigay sa akin, hindi


Malapit na ang pagtatapos ng afternoon soap na Kung Aagawin Mo Ang Langit ng GMA-7, na pinagbibidahan nina Michelle Madrigal, Carla Abellana, at Mike Tan.

Sabi nga ni Michelle nang dalawin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng kanilang soap noong Lunes, January 23, sa isang police station sa Fairview, "Maganda ang ending namin at kailangang abangan.

Masaya raw ang young actress sa feedback sa pagganap niya bilang Bridget sa Kung Aagawin Mo Ang Langit.

Ayon kay Michelle, "Sa akin, natutuwa ako kapag tinatawag nila akong Bridget, at kapag naiinis sila sa akin.

"Kasi, ibig sabihin, effective ka sa ginagawa mo.

"Hindi kasi ako masyadong nagbabasa sa Facebook.

"Sina Ms. Kaye [Cadsawan, executive producer], kapag nabasa nila, ’Bridget, halika, basahin natin ’to... Ang sarap sabunutan ni Bridget! Ang sama na talaga ni Bridget!’

"Minsan may magtu-tweet sa akin, ’Alam mo, ang sama ng character mo, pero gusto kita bilang pagganap mo.’

"Nakakatuwa kasi hindi na sila kagaya before na kapag bida-kontrabida ka, ayaw na ayaw nila sa ’yo, di ba?

"Parang ngayon, mas understanding na ang viewers. Alam naman nila na show lang yun.

"So, nakakatuwa naman."

Nagustuhan ba niya ang naging development ng character niya sa kanilang soap?

"Oo naman!" mabilis niyang sagot.

"Pero, sinabi ko talaga sa kanila before na hindi talaga ako ang scheming na masama.

"Pero siyempre, sa isang story, lalo na at na-extend, hindi naman puwedeng lahat kami, mabait.

"Lalo na kung walang twist, walang gagawin, parang wala namang kakapuntahan ang istorya namin kung lahat nagbati at friends na. Ending na yun, e.

"So, kinailangang i-extend.

"So, in a way, kailangang baguhin ang character ni Bridget na, ’ayan na nga, may mga hina-hire na siyang tao.

"So, in a way, mas naging masama siya.

"At yung character niya, sobrang obsession.

"Feeling niya, pinagkait sa kanya ang lahat—daddy, anak, asawa, namatayan...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, parang sa character niya, napunta sa kanya lahat, na kung hindi rin lang magiging masaya si Bridget, hindi rin niya hahayaang maging masaya ang mga tao sa paligid niya."

Masasabi ba ni Michelle na ang role niya sa Kung Aagawin Mo Ang Langit ang pinakaimportanteng role niya so far?

"I would say na isa siya sa pinaka-challenging, dahil isa ito sa pinakamalaking break ko, lalo na palagi rin akong umiiyak dito.

"So, parang na-enhance niya talaga yung pag-arte ko rin. Malaki ang naitulong niya sa akin.

"Kasi before, umiiyak naman ako, pero hindi palagi.

"So, madaling mag-motivate kapag ganyan.

"Pero, like today, yung kukuhanan namin na 33 sequences sa bahay, halos kalahati no’n, umiiyak ako.

"So, minsan sa isang araw, palagi akong winner.

"Forty-five sequences ako sa isang araw, kalahati no’n, umiiyak ka, galit ka.

"So, nakakapagod talaga siya.

"Kaya minsan, nag-uusap kami nina Direk [Jay Altarejos] kung puwedeng tulala na lang ako.

"Kasi, in real life, mapapagod ka.

"So, okay naman daw sila.

"And at least now, kung magkakaroon ako ng drama show, mas handa na akong lalo."

ACTION ROLE. Kung may choice daw si Michelle, gusto niyang action naman ang gawin niya sa kanyang susunod na project imbes na heavy drama.

"Gusto ko munang maging parang assassin.

"Yung parang mga movie ni Zoe Saldana na Colombiana. Gusto ko yun, e.

"Ewan ko... parang gusto kong gumawa ng film na feeling ko, lalaki yung moves ko.

"Like now, nahihilig ako sa mga Muay Thai, boxing... palagi akong nagwo-workout.

"So, parang feeling ko, gusto ko siyang magamit.

"Yung mga barilan. Parang proper training talaga sa movie.

"Gusto ko nga, makagawa sila na parang bida-kontrabida ka.

"Assassin ka, pero nasa good side ka.

"Parang kasi, di ba, tayong mga Pinoy, kapag ganoon ang ginagawa mo, feeling mo, kontrabida ka na?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang gusto ko naman, dahil 2012 na, puwedeng gawin yun."

Dagdag pa ni Michelle, "Sina Angelina Jolie naman, hindi naman sila kontrabida, pero ganoon ang mga roles nila.

"Bida-kontrabida sila, pero hindi ibig sabihin, sila ang masama."

WHAT’S NEXT? Sa ngayon, hindi pa alam ni Michelle kung ano ang susunod niyang magiging proyekto pagkatapos ng Kung Aagawin Mo Ang Langit.

Pero okay lang daw sa kanya ito, dahil dalawang taon pa naman ang natitira sa kontrata niya sa Kapuso network.

"Di ba, ipinakita na ang mga ipapalabas ngayong first quarter of the year? Wala pa naman ako do’n.

"Kung ipapasok man nila ako, magiging guest lang ako do’n.

"Although I don’t mind naman guesting, lalo na ang Legacy, maganda yung project. Sana mag-guest ako do’n.

"I think Broken Vow is a nice show.

"Kung magge-guest ako, yung magandang role na. Para siyempre, pahinga rin from being kontrabida.

"Pero after ng taping Kung Aagawin Mo Ang Langit, I’ll be doing regional [shows] for GMA and Party Pilipinas every Sunday.

"Mas may time na akong mag-Party P, kasi dati hindi ako makapag-rehearse.

"Rehearsal ko, minsan, day before, or on the day.

"Ngarag! Sobra!" saad niya.

HAPPY WITH GMA-7. Ngayong sunud-sunod ang mga artistang lumilipat ng network, hindi raw naiisip ni Michelle na mangibang-bakod.

Dalawang taon pa nga ang kontrata ni Michelle sa GMA-7.

Dagdag pa niya, "Masaya naman ako sa ibinibigay nila.

"Kasi, yun naman ang importante sa akin. Magagandang break.

"Like after nito, hindi naman nila ako bibigyan ng basta-bastang role lang ulit.

"But you know, I’m not asking naman na bida ulit.

"Pero kung maganda at character actress ang kakalabasan ko, I don’t mind doing that.

"Basta ang importante sa akin, maganda nga ang role at okay naman ang show na ibibigay sa akin, hindi naman ako aalis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta now, happy naman ako at ang taas ng rating ng Kung Aagawin Mo... at na-appreciate naman nila.

"So, walang reason for me to transfer.

"Yung iba naman kasi," patuloy ni Michelle, "reason nila, hindi sila nire-renew ng GMA, or siguro gusto rin nilang ma-try sa ibang network.

"Ako naman, ito [Kung Aagawin Mo Ang Langit] ang pinakamalaking break na ibinigay sa akin ng network, aside sa Zorro and Captain Barbell.

"So, walang reason for me na lumipat.

"At saka, kung lilipat ako, e, di makikipagsiksikan na naman ako?

"Kung aalis ka sa isang network at lilipat ka sa marami, parang lahat siniksik n’yo na lang sarili n’yo dun, di ba?

"Kung sa ABS, at least nakasama ko na sila.

"Kung TV5, yun ang panibagong pakikisama, di ba?"


CLICK HERE to read Part 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN