PART 2 Michelle Madrigal prefers half-breeds over pure Pinoys; admits dating a Spanish-American football player

Michelle Madrigal on why she prefers half-breeds: "I feel like, I get along yung mga half... Like si Jon [Hall], ex-boyfriend ko, half-British. Yung na-link sa akin na Azkals na si Simon [Greatwich]. Yung mga kaibigan ko, lumaki ng States. So, feeling ko, yung mga nakakasama ko, feeling ko, kailangan kung magdi-date man ako, kailangan ganoon din. Parang mas nagkakaintindihan kami."


Natawa si Michelle Madrigal nang kamustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang lovelife niya.

Nang huli kasi namin siyang nakausap, balitang nililigawan siya ng StarStruck alumnus na si Sef Cadayona.

Sabi naman ni Michelle, "Nanligaw lang yun."

Binasted niya?

"Hindi naman!" natatawa niyang sagot.

"Hindi naman siya nanligaw na nanligaw.

"Yung para lang naging close nga kami sa Party P, pero hindi kasi ako yung parang...

"Not naman basted, pero hindi rin naman niya ako pinursue.

"Ini-admire lang naman ako ng tao.

"So, for me, mas nangibabaw ang friendship.

"Wala naman kasi siya yung formal na, ’Liligawan kita.’

"It was really more on nagha-hang-out kami ng ganyan.

"Pero, understanding na namin yun....

"Well, I don’t see myself kasi being with him.

"Hindi ako ganoong tao na papaasahin ko.

"Parang close friend, ganyan.

"Hindi rin naman kasi siya yung formal na nanliligaw.

"Yung hang-out namin, as a friend, getting-to-know stage lang talaga siya.

"Hindi siya umabot sa point na nandoon yung confused na, ’Babastedin ko?’

"Hindi siya umabot sa ganoon."

Pero nag-congratulate daw si Michelle kay Sef nang malaman niyang kasama ang binata sa upcoming GMA-7 afternoon soap na Alice Bungisngis And Her Wonder Walis.

Nagkakamustahan din daw sila kapag nagkikita sa Party Pilipinas.

HALF-BREEDS. Ano ang wala kay Sef na hindi niya makita ang sarili niya with him?

Ayon kay Michelle, "Hindi naman sa anong wala sa kanya.

"It’s really more on feeling ko, kasi mas Americanized na rin ako. Mas open-minded na ’ko.

"He’s not conservative.

"I feel like, I get along yung mga half... Like si Jon [Hall], ex-boyfriend ko, half-British.

"Yung na-link sa akin na Azkals na si Simon [Greatwich].

"Yung mga kaibigan ko, lumaki ng States.

"So, feeling ko, yung mga nakakasama ko, feeling ko, kailangan kung magdi-date man ako, kailangan ganoon din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang mas nagkakaintindihan kami."

DATING A SPANISH-AMERICAN GUY. Sa tanong kung may dini-date siya base sa description niya, natawa si Michelle, at hindi na nakapagkaila pa.

"Meron. Pero dating pa lang," sabi niya.

Spanish-American daw ang bago niyang nakaka-date.

Football player daw ito, pero ayaw niyang sabihin ang pangalan nito.

"Basahin n’yo na lang ang mga tweet ko," nangingiting sabi ni Michelle.

Sila na ba?

"No, we’re dating. Bago pa lang, e. He’s my age, 24."

Ang Spanish-American guy ba na ito ang dahilan kaya hindi sila natuloy ni Sef?

"Hindi naman," tanggi ni Michelle.

"I guess, choice ko rin naman ’yon, kung sino ang gusto kong makasama.

"Ayoko naman na lokohin ang isang tao, you know.

"Habang okay naman, habang friends naman kami. Wala pa talaga.

"So, might as well, di ba?

"Sinabi lang naman niya [Sef], nagagandahan lang naman siya sa akin, and we’re just really hanging out lang naman talaga."

Kailan niya masasabi na sila na officially nung Spanish-American guy?

"In time...basta!" natatawang sagot ni Michelle.

"Siyempre, kapag nagsabi na kayo ng ’I love you.’

"Siyempre, nagho-holding hands kami, sweet kami kapag nasa labas.

"But, you can’t really say na kayo na, unless you feel for someone.

"Hindi mo puwedeng sabihing tayo na, pero hindi pa nag-a-I love you.

"Wala pa sa stage na yun.

"We’re still getting to know..."

Sabi pa ni Michelle, "Sa Filipino kasi, parang kapag nagde-date ka, you’re obliged to say it agad.

"Sa akin, hindi isyu yun. Darating yun, e.

"As long as you’re happy and masaya kayo, okay sa akin yun.

"I’m sure, darating yung part na yun.

"Gusto ko, sabihin ng tao sa akin yun, because nararamdaman na niya.

"At hindi feeling niya, kailangan niya lang sabihin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN