PART 2 Star For All Seasons Vilma Santos celebrates 50th year in showbiz; proud of son Luis Manzano as new Deal Or No Deal host

Vilma Santos on son Luis Manzano: "He’s really good. And he’s very serious with his job. Seryoso siyang nagtatrabaho. He’s not... hindi because anak ko siya. Pero, I’m here to support him. I will pray for him, na sana he will do good being the new host of Deal Or No Deal."


Ngayong taon ang 50th anniversary sa showbiz ni Batangas Governor at Star For All Seasons Vilma Santos.

Sa estado niya ngayon bilang aktres at pulitiko, malaki raw ang utang na loob niya sa industriya.

"I started when I was nine [years old]," sabi ni Vilma.

"Ngayon, sabihin n’yo sa akin, bakit hindi ko kailangang tanawin ng malaking utang na loob?

"Na kung nasaan man ako ngayon, a big part of this ay utang ko sa mga press people.

"And, of course, sa lahat ng audience.

"Sa lahat ng Vilmanians, sa mga Pilipino, na hanggang ngayon ay nagmamahal at tumatangkilik sa akin."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vilma kahapon, January 24, matapos siyang maging inducting officer ng newly-elected officers ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Sa golden year niyang ito sa showbiz, wala na nga siguro siyang gustong ma-achieve pa bilang artista.

Napatunayan na niya ang kanyang kalibre bilang isang mahusay na aktres, sa dami na rin ng acting awards na napanalunan niya.

At bibihira lang ang mga kagaya niyang artista na tumatagal sa industriya, na solid pa rin ang pagiging in-demand pagdating sa mga alok na projects at sa pagkakaroon ng box-office appeal.

Wala na nga ba siyang hinahangad pang iba, pagdating sa kanyang showbiz career?

"Hindi pa... Kasi ang dream ko rin some day, baka matapos sa pulitika...pero ang dream ko dapat, kung hindi ako napasok sa pulitika—gusto ko talagang maging direktor.

"And siguro, I might produce a movie again. And then maybe direct a movie nga.

"Iyon pa rin ’yong gusto kong puntahan," sabi niya.

Nakapagdirek na si Vilma ng isang telesine noon sa GMA-7 na pinagbidahan nina Dawn Zulueta at Ariel Rivera.

Bilang producer naman, sa ilalim ng kanyang dating film outfit na VS Production, nagawa niya ang pelikulang Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak (1978).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GOLDEN YEAR. Wala pang maibahaging detalye si Vilma kaugnay ng pagdiriwang ng kanyang 50th year sa showbiz.

Pero, may mga nakalinya siyang proyekto ngayong taon.

"I’m doing nga a movie right now na puwedeng i-offer for this year."

Ang tinutukoy niya ay ang pelikula nila ni Kim Chiu na The Healing para sa Star Cinema.

"And then, I think magkakaroon ng book launching.

"They’re [ABS-CBN] working on the book already na baka puwedeng ma-launch by November.

"Baka sakaling makagawa pa ng isang activity para sa celebration ko ng aking golden year this 2012 sa movie industry.

"But I’m excited that I’m back again doing a film for Star Cinema.

"Tuluy-tuloy na ’yong gagawin naming shooting.

"Pero, twice a week lang ako. Every Thursdays and Saturdays lang.

"Maganda ’yong movie. Suspense talaga.

"Pero hindi ito ’yong multo-multo.

"Nababanggit sa akin ni Malou [Santos, chairman of Star Cinema] na sana makagawa kami ng dalawang pelikula.

"Excited din ako.

"Pero siyempre, ’yong script nga, dapat maganda talaga.

"Looking forward. Kung may magandang script.

"Sa ngayon, ang importante, meron akong isang movie na ginagawa.

"Kapag hindi ako masyadong naging busy, hinihilingan nga ako ni Malou na after The Healing, baka I can do one more bago mag-November, para sa pag-launch ng golden year ko sa showbiz.

"So, marami talagang plano. And I’m excited.

"Which I hope with the present responsibilities that I have [as governor of Batangas], magawa ko lahat."

PROJECT WITH JENNYLYN. May posibilidad kaya na magsama rin sila sa isang proyekto ni Jennylyn Mercado, na girlfriend ni Luis Manzano?

"Wala namang masama," sagot ni Vilma.

"Ang importante lang kasi, ang priority ko, script.

"E, nasa ibang channel siya, e."

Homegrown talent ng GMA-7 si Jennylyn bilang female winner ng kauna-unahang season ng artista search na StarStruck.

Si Vilma naman ay may natitira pang commitments na gumawa ng pelikula sa Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero open naman ako. Basta’t maganda naman, okey naman sa akin," sabi ng multi-awarded actress.

"Anyway, basta sa akin lang, maganda ’yong script.

"Kahit sino pa ang sasabihing makakasama ko, kung maganda ang script para sa amin ni Jennylyn, why not?

"I’m looking forward to do one with her."

Wala naman yatang exclusive contract si Vilma sa Star Cinema, so puwede siyang gumawa ng project kahit saang produksiyon?

Sagot ni Vilma, "Yeah, I can do movies sa lahat ng network.

"It’s just ang Star Cinema ang nagbibigay ng malaking suporta at adjustments sa katayuan ko ngayon bilang isang public servant."

PROUD OF LUIS. Si Luis ay ibini-build up nang husto ngayon ng ABS-CBN bilang isang TV host.

Ano ang pakiramdam ni Vilma kaugnay nito?

"I’m proud of my son," sambit niya.

"So, I hear siya yata ang magho-host ng Deal Or No Deal.

"So, para sa anak ko, congrats!"

Ang Deal Or No Deal ang game-show franchise na dating hinost ni Kris Aquino.

Sabi pa ni Vilma sa press, "Tulungan n’yo naman. Suportahan n’yo naman si Lucky [palayaw ni Luis].

"Because he’s really good. And he’s very serious with his job.

"Seryoso siyang nagtatrabaho.

"He’s not... hindi because anak ko siya.

"Pero, I’m here to support him. I will pray for him.

"Na sana he will do good being the new host of Deal Or No Deal.

"I’m proud of him na siya ang napili na mag-host ng Deal Or No Deal.

"I just want to wish him good luck."

Totoo bang tumawag siya kay Kris Aquino nang malaman niyang si Luis na ang bagong magiging host ng Deal Or No Deal?

"Oo, na-excite kasi ako," pagkumpirma ni Vilma.

"Kasi, no’ng mabalitaan ko na si Lucky na, at hindi si Kris, nag-text ako sa kanya [Kris] muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tinanong ko, if it’s true na hindi na siya kundi si Lucky na.

"Sabi niya, ’Yeah, si Lucky na!’

"In fact, no’ng tinanong yata siya kung sino sa tingin niya ang puwedeng pumalit sa kanya, binanggit niya si Lucky."

CELEBRITY PLAYER. Minsan na siyang naglaro sa Deal Or No Deal.

Is there a possibility na maging celebrity player ulit si Vilma sa pagbabalik sa ere ng game show na ngayong si Luis na ang host?

"Hindi kaya paghinalaan kami ng tao kapag nakuha ko ’yong premyo?" tawa ni Vilma.

"Baka ang akala ay nag-tip ang anak ko.

"Pero, why not? Excited ako.

"And excited ang anak ko sa pagho-host niya ng Deal Or No Deal.

"Kasi ang feeling niya, that’s ano, e... one step up sa pagiging host niya.

"And I’m praying for him kasi hindi biro ’yan.

"Para maging host ka ng ganyang show, kailangang... una, credible ka.

"Pangalawa, you should be good. Kailangan maano ka...mabilis!

"Kasi live ’yan. At saka it’s a game show. It’s not an ordinary hosting.

"So, I’m excited for my son.

"I’m praying for him na sana he’ll do good kapag nag-host na siya ng Deal Or No Deal."

HOST AND ACTOR. Kung si Vilma ang tatanungin, saan niya mas gustong malinya si Luis—sa hosting o sa acting?

"Actually, both.

"Naging successful siya sa hosting. No doubt.

"In fact, ang PMPC Star Awards For Television, iyon ang pinakamaraming ibinigay sa kanya na recognition.

"And I’m very thankful.

"Pero alam ko, deep in me, as a mother at sa pag-uusap naming dalawa, gusto rin niyang maging artista.

"Gusto niyang mabigyan siya ng isang magandang break na pelikula, kung saan aktor siya at hindi host.

"At isa ’yan sa mga dreams ng anak ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanalo na ng acting award si Luis para sa gay role nito sa In My Life, ang 2010 Star Cinema movie na tinampukan din nina Vilma at John Lloyd Cruz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN