Sarah Geronimo admits upcoming weekly show Sarah G Live! is a "big responsibility"

" data-url="https://www.pep.ph/news/32735/sarah-geronimo-admits-upcoming-weekly-show-sarah-g-live-is-a-big-responsibility-" data-desc="Sarah still maintains friendship with Gerald Anderson even after completing their two movies." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0e0b1a8d7.jpg">

"Sabi ko naman po sa mga past interviews ko na hindi masamang i-allow mo ’yong friendship with some guys. Pero ’yong relationships, parang hindi po muna," says Sarah Geronimo about getting into a relationship.

Ngayon pa lang ay kinakabahan na ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo sa magiging bago niyang weekly show sa ABS-CBN, ang Sarah G. Live!.

Unang pagkakataon para sa 23-year-old celebrity na magkaroon ng sarili niyang programa.

Kaya naman nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media noong nakaraang Huwebes, January 19, sinabi niya na isa itong malaking responsibilidad.

Bukod pa rito, nakakakaba rin daw ang magiging pagtanggap ng mga manonood sa kanya at sa programa.

"Siyempre, kinakabahan po.

"Siyempre, hindi naman po ito ASAP na marami kaming artists na magdadala.

"’Yong pangalan ko po mismo ang naka-front, Sarah G. Live!," sabi ni Sarah sa muli niyang pagharap sa press.

Ito ay naganap sa launch ng bago niyang Jollibee endorsement kanina, January 25, sa Greenmeadows, Libis, Quezon City.

Bagamat kinakabahan, tiniyak ni Sarah na, "I’ll do my best po talaga.

"Talagang gagawin po namin ang lahat para mabigyan ng magandang entertainment ang televiewers natin."

Nakatakdang magsimula ang Sarah G. Live! sa February 19.

PREPARATIONS. Hindi lamang daw puro performances niya ang mapapanood ng publiko sa kanyang show.

Magkakaroon din siya ng interviews sa mga sorpresang panauhin linggu-linggo.

Paano niya ito pinaghahandaan?

"Hindi ko nga po alam kung paano!" natatawang sagot ni Sarah.

"Sabi nila, maging natural lang ako kapag nag-i-interview.

"Parang gusto lang nilang makita pa kung ano si Sarah Geronimo.

"Hindi lang as a performer, gusto pa nilang makilala ako.

"So, good luck sa akin, good luck sa mga mapapanood ninyo.

"May pagka-reality TV show."

Pagdating naman sa pangangalaga ng kanyang boses, mas nagiging maingat na si Sarah ngayon, lalo pa’t mas mapapadalas ang kanyang pagpe-perform sa bago niyang programa.

Aniya, "Continuous pa rin naman po ’yong daily routine ko before singing, like mag-vocalize.

"Siyempre, mahirap naman po iwasan ang mga masasarap na pagkain, like mga sweets, medyo maaanghang at saka malalamig, so bawas-bawasan na rin ’yong mga ’yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually ngayon, happy po ako na hindi ako nagkakaproblem sa throat ko.

"Hindi na ako masyadong nagkakasakit.

"Siguro po, nakuha ko na rin proper technique.

"At saka siguro, nabawasan na rin ang pagkanta ko ng beyond my range na songs."

BECOMING A FAMILY PERSON. Samantala, sa naturang panayam ay natanong din ng PEP at ibang media si Sarah kung anong taon siya magiging isang pamilyadong tao.

Malayu-layo pa raw ang panahong ito para kay Sarah: "Mga five or eight years!"

At dahil 23 siya ngayon, ibig sabihin ay magiging pamilyado siya pag 28 na siya o di kaya’y 31.

Gayunman, inamin niya na minsan ay naiisip niya na rin ang sitwasyong ito.

"Hindi natin po masabi, pero gusto ko po talaga, makapag-ipon muna at saka mag-grow pa as a person.

"Gusto ko lang naman, maging responsableng wife at magiging mother din sa mga anak ko at..."

Sa puntong ito, biglang napahinto si Sarah at saka pabirong sinabi, "Wow! Puwedeng manliligaw muna? Puwedeng manliligaw muna sa akin?"

Dagdag pa niya, "Hindi ko naman po minamadali ’yon, e."

Nang tanungin kung handa na siyang tumanggap ng mga manliligaw, sagot ni Sarah: "Sabi ko naman po sa mga past interviews ko na hindi masamang i-allow mo ’yong friendship with some guys.

"Pero ’yong relationships, parang hindi po muna."

Pahabol pa niya, "Siguro kung papayagan ako ng parents ko."

ON GERALD ANDERSON. Kinumusta ng PEP ang pagiging magkaibigan nila ni Gerald.

Matatandaan na noong nakaraang taon, nagkasama sila sa dalawang pelikula—ang Catch Me I’m In Love at Won’t Last a Day Without You.

Sa kanilang ikalawang pelikula, mas naging matindi ang pagbibiro sa kanilang dalawa na umano’y bagay silang magkapareha.

Nabigyan pa ito ng kulay nang lumabas ang balitang nakatanggap si Sarah ng isang Tiffany necklace mula kay Gerald bilang Christmas gift.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related article.)

Sabi ni Sarah sa PEP, "Hindi ko pa nga po siya nakikita po, e. Katatapos lang ng bakasyon ko.

"Natutuwa naman po ako, na kahit tapos ang pelikula namin, nandoon pa rin ang friendship.

"Masaya, masaya naman po."

Aprub ba si Gerald sa Mommy Divine niya?

"Okay lang naman po. Nakita naman po niya na si Gerald ay okay katrabaho," maikling sagot ni Sarah.

Kilala si Mommy Divine bilang strict protector ng kaniyang anak.

At habang wala pang ibang pahiwatig si Mommy Divine, kinikilala pa ring bawal kay Mommy Divine ang pagbo-boyfriend ni Sarah.

" data-url="https://www.pep.ph/news/32735/sarah-geronimo-admits-upcoming-weekly-show-sarah-g-live-is-a-big-responsibility-" data-desc="Sarah still maintains friendship with Gerald Anderson even after completing their two movies." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0e0b1a8d7.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/32735/sarah-geronimo-admits-upcoming-weekly-show-sarah-g-live-is-a-big-responsibility-" data-desc="Sarah still maintains friendship with Gerald Anderson even after completing their two movies." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0e0b1a8d7.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/32735/sarah-geronimo-admits-upcoming-weekly-show-sarah-g-live-is-a-big-responsibility-" data-desc="Sarah still maintains friendship with Gerald Anderson even after completing their two movies." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0e0b1a8d7.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/32735/sarah-geronimo-admits-upcoming-weekly-show-sarah-g-live-is-a-big-responsibility-" data-desc="Sarah still maintains friendship with Gerald Anderson even after completing their two movies." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0e0b1a8d7.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/32735/sarah-geronimo-admits-upcoming-weekly-show-sarah-g-live-is-a-big-responsibility-" data-desc="Sarah still maintains friendship with Gerald Anderson even after completing their two movies." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0e0b1a8d7.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/32735/sarah-geronimo-admits-upcoming-weekly-show-sarah-g-live-is-a-big-responsibility-" data-desc="Sarah still maintains friendship with Gerald Anderson even after completing their two movies." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0e0b1a8d7.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/32735/sarah-geronimo-admits-upcoming-weekly-show-sarah-g-live-is-a-big-responsibility-" data-desc="Sarah still maintains friendship with Gerald Anderson even after completing their two movies." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0e0b1a8d7.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN