PART 3 Batangas Governor Vilma Santos insists she does not plan her political career but admits to wanting to direct movies someday

"Kaya nga sinabi ko, bali-baligtarin man, itaas-ibaba, hindi n’yo na matatanggal ang pagka-Vilma Santos sa katauhan ko—whether you like it or not. Ngayong pinagkakatiwalaan ninyo ako, I will do my best. Pero ’yong Vilma Santos, hindi matatanggal," says Batangas Governor Vilma Santos.


Madalas pa ring natatanong si Vilma Santos kung talagang tuloy na ang napapabalitang pagtakbo ng anak niyang si Luis Manzano bilang mayor ng Lipa City.

Matatandaang bago naging gobernador ng Batangas si Vilma ay naka-tatlong termino siya bilang alkalde ng Lipa.

Balita kasing hindi tinatantanan ang actor-TV host ng mga humihimok na patakbuhin ito bilang aklalde ng nasabing siyudad sa lalawigan ng Batangas.

Ayon naman kay Governor Vi, "Okey lang ’yon.

"Magpi-fifteen years na ako as a public servant.

"Malaking parte nito, kinalakihan na rin ni Lucky [palayaw ni Luis].

"So, kumbaga, hindi na rin ito bago sa kanya.

"Pero kailangang handa siya bago pumasok.

"Kasi ako mismo ang magsasabi sa kanya na ang pagiging isang public servant, hindi biro ito.

"Sakripisyo ito talaga kapag gusto mong magsilbi nang may sinseridad. Sakripisyo ito.

"Si Lucky, maybe later on.

"Pero kung iisipin na natin na sa election next year? I doubt it.

"Hindi pa ready ang anak ko.

"Sa experience ko, hindi puwedeng basta-basta.

"Kung wala kang alam, paano ka gigreydan ng mga nasasakupan mo?

"Ang importante pa rin, ’yong report card ng performance mo as a public servant."

RODERICK PAULATE. Sa panayam sa kaniya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kinuha rin ang reaksiyon ni Governor Vi sa kinasusuungang kontrobersiya ng kanyang matalik na kaibigan na si Roderick Paulate.

Si Roderick ay nanunungkulan bilang konsehal ng Quezon city.

May intriga kasi na hindi raw kinakaya ng aktor ang responsibilidad bilang isang public servant.

Ayon sa governor ng Batangas, "Kapag may mga ganyang problema si Roderick, sabi ko sa kanya, get a political lawyer.

"Kasi sa mga bagong halal, sana may excuse pa naman ’yan.

"Kasi hindi pa naman gano’n kalawak ang kaalaman niyan, e.

"Kailangang ma-guide siya ng isang political lawyer who can tell him what’s wrong or not.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit sabihin mong nagbabasa ka ng local government code, hindi lahat maa-abosorb mo in a year time, or in one term.

"May mga pagkakamali kang magagawa.

"So, sana bigyan naman nila ng leeway na gano’n ang kabigan ko.

"Because I know Dick. Matinong tao ’yan.

"Hindi ’yan ang tao para sabihin mong mang-iisa—of course not.

"Give him a leeway.

"At the end of the day, matututunan din niya ’yan.

"And I know he’s a very hardworking person."

WHAT’S NEXT? Pagkatapos ng termino niya bilang Batangas governor, ang pagiging senador o vice president ng bansa ba ang sunod na tatakbuhin niya?

"Hindi," tanggi ni Governor Vi.

"Wala. I swear.

"Wala talaga akong plano. Maniwala kayo.

"Kung saan ako dadalhin, okey.

"Kung hindi na rin, okey din.

"I don’t plan things... when it comes to politics lang naman.

"Pero inilagay Niya ako rito, so may purpose Siya.

"Kaya ang dasal ko lang lagi, ’I-guide Mo lang ako.’

"Kasi, hindi madali ang politics.

"Hindi madali. Naku, maniwala kayo!

"Although ang pinaka... lagi kong guide, para mapaganda ko ’yong trabaho ko, ang guide ko lang dito—hindi lahat, pinagkakatiwalaan ng ganyan.

"Yon na lang ang bayad ko, e.

"Lalo na ang Batangas, barako country.

"First woman mayor, first woman governor.

"Para pagkatiwalaan ka ng ganyan, legacy mo na ’yan, e.

"Iyon na lang ang pinanghahawakan ko, e, di ba?"

Kapag naramdaman niyang may calling para tumakbo siyang senador, tatanggapin niya?

"Hindi ko alam kung kakayanin ko ’yong trabaho.

"Sana. Kasi, iba na ’yan.

"’Pag inilgay ako, okey. Pero hindi natin masabi, e.

"Pero ang point ko kasi, kung bakit hindi ako nagsasalita nang patapos, iba kasi ’yong nagpaplano. Alam mo ’yong ibig kong sabihin?

"Iba ’yon, e. Na pagkatapos nito, ’eto. Hindi, e.

"Ako, wala.

"You still want me? Vote for me. I’ll serve.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayaw n’yo na, okey. You might be doing me a favor, di ba?

"Para sa ano naman... Kasi I miss my showbiz life, too.

"But since nandidito ako, I’m just doing my best.

"Pero hindi madali. Hindi talaga."

VILMA’S SECRET. Marami ang naku-curious kung ano ang sikreto ni Vilma, na sa kabila ng stress ng pagiging gobernadora ng Batangas, fresh pa rin ang kanyang beauty at flawless pa rin ang kanyang skin.

"Ow?" natawang tanong niya.

"Totoo? Promise? Thank you!

"Uhm... wala talaga, in all honesty.

"It’s just... I exercise. ’Yon lang.

"I see to it that I have time for myself.

"And six hours of sleep lang sa akin, okey na.

"Happy ako, e. Happy naman ako.

"And I exercise at least every other day, one hour nang one hour.

"In the morning ’yon, pagkagising ko.

"Alam n’yo ba ’yong Zumba?"

(Ang Zumba ay Latin-inspired dance-fitness exercise program.)

"Twenty minutes lang ’yon, pero you will sweat.

"’Yong sa wee na machine and then ’yong Zumba, I just do that.

"It’s a dance, but with exercise.

"Pero sumasakit na rin ang balakang ko!" sabay tawa ng gobernadora.

Dagdag pa niya, "Kaya nga nag-e-exercise ako.

"High blood? Hindi naman.

"I have migraine. At saka meron na rin tayong... mataas ang uric acid... mga ganyan-ganyan.

"Pero I take care of myself and at the end of the day, kahit na anong ganda ng tao, lalabas ’yan kapag hindi masaya.

"I’m happy with my family.

"I’m happy with Batangas because they [her constituents] respect me and they believe in me.

"Showbiz? ’Eto pa rin tayo.

"I’m doing a film. Star Cinema... may mga interesado pa rin.

"They’re willing to pay you.

"I mean, you know, ’yon lang, fulfillment na sa akin.

"Wala na akong mahihiling pa. Okey na ’to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don’t aim for more. Basta I’m living comfortably, I have a good job, my showbiz career is still here.

"Kahit papa’no, nandiyan pa rin ’yong mga nagmamahal sa akin.

"As a public servant, nandiyan ang tiwala nila. Magpi-fifteen years na ako sa politics.

"Nandiyan ang pamilya ko, wala na akong hihilingin pa.

"Basta i-guide na lang ako ni Lord dito, happy na ako. I’m not aiming for more."

DREAM PROJECT. Tungkol sa dream niyang maging direktor, ano namang klaseng project ang naiisip niya for her first movie?

"Ang dream ko talaga, magdirek ng isang pelikulang ang story ay nangyari 24 hours lang.

"Gusto ko ’yong bida, mag-uumpisang magandang-maganda siya.

"Hanggang sa buong 24 oras na dadaanan niyang problema, e, mukha na siyang luray-luray, pero may redeeming factor siya sa bandang huli.

"And gusto ko ring mag-produce. Gusto ko talaga.

"Ang dami kong gusto. Ang tanong, magagawa ko ba?

"Oras, e. At saka ’yong priority kasi.

"Hindi ko puwedeng i-take ng risk ’yong trabaho ko as governor.

"Makagawa lang nga ako ng isang movie, tinitira na ako, na mag-artista na lang daw ako."

Sabi pa ni Governor Vi, "Kaya nga sinabi ko, bali-baligtarin man, itaas-ibaba, hindi n’yo na matatanggal ang pagka-Vilma Santos sa katauhan ko—whether you like it or not.

"Ngayong pinagkakatiwalaan ninyo ako, I will do my best.

"Pero ’yong Vilma Santos, hindi matatanggal."

Napapakinabangan din naman daw ng Batangas ang pagiging Vilma Santos niya.

"Nanggagaling din naman sa kanila [mga Batangueño]: Otap ako ng Batangas, e.

"Ako yung podukto!" tawa niya.

"Kasi kahit anong pagod ko, ’yong mga Lakbay-Aral do’n na galing sa iba-ibang probinsiya, daan sa akin na magpapa-picture-taking.

"Talaga... meron akong meet-and-greet sa kanila, gano’n."

Talagang panghabambuhay raw na nasa dugo na niya ang showbiz. At wala umano sa isip niyang tuluyang mag-retire sa larangang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala. Sabi ko nga, after ng pagiging artista, gusto kong maging direktor. Gusto kong mag-produce.

"Excited pa rin ako."

ATE VI AS KAPATID? Hindi pa rin nawawala ang mga bali-balitang pupuwedeng makuha na rin siya ng TV5, kasunod nina Nora Aunor, Sharon Cuneta, at Maricel Soriano.

Kung alukin siya ng TV5 ng bilyones para lumipat, ano kaya ang magiging desisyon niya?

"Why not?" sabay tawa na naman ni Vilma.

"Alam mo, nag-meeting naman ako sa kanila na.

"Kaya lang, ang akin lang naman kasi, since limitado ’yong time ko, ang gusto ko lang, nakalatag.

"Movie o TV show, ano ito? Ano’ng gagawin ko? Before I sign.

"Hindi ’yong magsa-sign ako para lang ma-commit ako. Hindi.

"Kung may offer na movie, why not? I can do a movie with them.

"O, kung may magandang show sa TV, I can.

"It’s just... kailangan lang nakalatag kasi limitado lang talaga ang time ko, e.

"Hindi ko maibibigay ng full blast dahil nga sa trabaho ko."

Pagkatapos ng The Healing, ang pelikulang ginagawa niya ngayon kasama si Kim Chiu, gusto raw ng Star Cinema na makagawa si Vilma ng isa pang pelikula kung kakayanin niya.

Ani Governor Vi, "Bago mag-November.

"Baka a movie with Angel [Locsin] or with Ai-Ai [delas Alas].

"Baka raw kapag natapos ko nang mas maaga ang The Healing, anytime June or July, I can still do one.

"A light movie, either with Angel nga or Ai-Ai."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN