Kevin Santos on My Kontrabida Girl co-star Rhian Ramos: "Cool lang siya, parang walang nangyari."

" data-url="https://www.pep.ph/news/32739/kevin-santos-on-my-kontrabida-girl-co-star-rhian-ramos-cool-lang-siya-parang-walang-nangyari" data-desc="Kevin dares to do a butt exposure in his latest movie, "My Kontrabida Girl."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5c411e318.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/news/32739/kevin-santos-on-my-kontrabida-girl-co-star-rhian-ramos-cool-lang-siya-parang-walang-nangyari" data-desc="Kevin dares to do a butt exposure in his latest movie, "My Kontrabida Girl."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5c411e318.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/news/32739/kevin-santos-on-my-kontrabida-girl-co-star-rhian-ramos-cool-lang-siya-parang-walang-nangyari" data-desc="Kevin dares to do a butt exposure in his latest movie, "My Kontrabida Girl."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5c411e318.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/32739/kevin-santos-on-my-kontrabida-girl-co-star-rhian-ramos-cool-lang-siya-parang-walang-nangyari" data-desc="Kevin dares to do a butt exposure in his latest movie, "My Kontrabida Girl."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5c411e318.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/news/32739/kevin-santos-on-my-kontrabida-girl-co-star-rhian-ramos-cool-lang-siya-parang-walang-nangyari" data-desc="Kevin dares to do a butt exposure in his latest movie, "My Kontrabida Girl."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5c411e318.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/news/32739/kevin-santos-on-my-kontrabida-girl-co-star-rhian-ramos-cool-lang-siya-parang-walang-nangyari" data-desc="Kevin dares to do a butt exposure in his latest movie, "My Kontrabida Girl."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5c411e318.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/news/32739/kevin-santos-on-my-kontrabida-girl-co-star-rhian-ramos-cool-lang-siya-parang-walang-nangyari" data-desc="Kevin dares to do a butt exposure in his latest movie, "My Kontrabida Girl."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5c411e318.jpg">

Kevin Santos on doing frontal nudity for an indie film: "Tingnan natin, tingnan natin. Depende sa role, kasi okay lang kung may mga ganun-ganung hubad. Pero depende sa ganda ng role at ng movie. Kung alam mong mabababoy ka, huwag na lang."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang StarStruck alumnus na si Kevin Santos sa taping ng Kung Aagawin Mo Ang Langit ng GMA-7 noong Lunes, January 23 sa Fairview, Quezon City.

Sa panayam, nabanggit ni Kevin na may ginagawa rin siyang pelikula para sa GMA Films, ang My Kontrabida Girl.

Pinagbibidahan ito nina Aljur Abrenica at Rhian Ramos.

Medyo alanganin, pero tuwang-tuwa na ikinuwento ni Kevin ang isang eksena na nakasama niya si Rhian.

"Actually, meron kaming medyo kakaibang eksena, big scene siya, e, sa batis...

"Basta... basta ang hirap i-describe, e!" at natawa ang young character actor.

"Sobrang nagmarka yung eksena. Basta! Hahaha!

Para hindi naman kami mabitin, itinuloy na rin ni Kevin ang pagkuwento.

"Apat kami sa eksena—si Sef [Cadayona], si Enzo [Pineda], ako, ’tapos si Ken [Chan]... ’andun si Rhian sa eksena.

"Parang picto-pictorial na eksena dun sa movie... basta panoorin na lang ninyo."

Pero ano ba talaga ang ginawa nila sa naturang eksena at tawang-tawa siya?

"Paano ko ba sasabihin? Okay, yung eksena ni Rhian, kami yung iba, e... kaming apat."

Sa kakukulit namin kay Kevin, napaamin din namin siya kung ano yung "kakaibang eksena" nila sa My Kontrabida Girl. At biglang napabulalas na lang siya ng:

"Nagpakita kami ng puwet! Kaming apat!

"Tapos, si Rhian, parang nandun siya sa harapan, sa batis," may konting hiyang sabi niya.

First time daw kasi itong ginawa ni Kevin.

Sa paggawa ng pelikula, merong mga technique na ginagawa para maiwasan makita ang mga maseselang bahagi ng katawan. Gumamit ba siya ng plaster para magtakip?

"Meron yung harap, pero yung bandang ilalim, hindi na [nilagyan ng plaster] para medyo ano.

"Pero puwet kung puwet," aminado at sabay tawang muli ni Kevin.

"Parang ito, para sa akin, hindi naman bastos, funny siya.

"Ginawa namin yun para patawa, kasi siyempre comedy kasi yung movie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jade Castro ang director ng My Kontrabida Girl. Siya rin ang direktor ng Zombadings 1: Patayin Sa Shokot si Remington.

Bago pa man daw nagsimula ang shooting ng Kontrabida ay alam na ni Kevin na may butt exposure siya.

Kapag may indie movie na ire-require siyang mag-frontal nudity, papayag din ba si Kevin?

"Tingnan natin, tingnan natin.

"Depende sa role, kasi okay lang kung may mga ganun-ganung hubad.

"Pero depende sa ganda ng role at ng movie.

"Kung alam mong mabababoy ka, huwag na lang."

RHIAN RAMOS. May kaba ba si Kevin na baka hindi maging successful sa takilya ang My Kontrabida Girl dahil sa mga kontrobersiya tungkol kay Rhian?

"Wala, wala naman, masaya kami sa set, masaya kami sa set.

"Parang... hindi namin napapansin na nagtatrabaho kami," sabi niya.

Wala ba siyang napapansin kay Rhian? Apektado ba ito sa mga negative issues about her?

"Okay siya, ang saya namin. Wala kaming nararamdamang negative.

"Actually, parang pinakiramdaman ko, kinausap-kausap ko siya, okay naman."

Sa pagtatanong niya kay Rhian, pinag-usapan ba nila ang mga isyu?

"Wala naman, hindi naman, kuwentuhan lang.

"Tinitingnan ko kung... nagkukuwentuhan lang, kumusta-kumusta lang.

"Siyempre, hindi ko naman itatanong yung tungkol sa issues tungkol sa kanya.

"Cool lang siya, parang walang nangyari.

"Tsaka ako rin kasi, naiilang ako na kausapin siya tungkol sa mga issues, ayoko namang makialam.

"Pag nandun kami sa set, yung tungkol sa mga eksena namin sa movie ang pinag-uusapan namin, usually puro about the movie."

STARSTRUCK MATES. Ano naman ang reaksiyon ni Kevin sa paglaya ng kapwa niya StarStruck graduates na sina Vivo Ouano at Jeric Rizalado?

Matatandaang na-detain sina Vivo at Ouano dahil sa kaso ng drugs, pero nakalaya na rin.

"Friend ko sila before.

"Kasi matagal din kasi kaming nagkahiwa-hiwalay nung mga yun, kaya hindi na kami ganung ka-close, e.

"Well, mabuti naman na nakalaya na sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Batch 2 ng StarStruck si Kevin at Batch 3 naman sina Vivo at Jeric.

Ang winner sa batch nina Kevin ay si Mike Tan, ang male lead star ng Kung Aagawin Mo Ang Langit.

Ang yumao namang si Marky Cielo ang Ultimate Male Survivor ng Batch 3.

Tungkol sa pagiging suporta niya kay Mike sa Kung Aagawin Mo Ang Langit, ani Kevin, "Well, siya naman kasi yung winner at happy naman ako.

"Wala namang problema sa akin yun, at magkaibigan naman kasi kami.

"At ang importante, hindi ako nawawalan ng trabaho."

" data-url="https://www.pep.ph/news/32739/kevin-santos-on-my-kontrabida-girl-co-star-rhian-ramos-cool-lang-siya-parang-walang-nangyari" data-desc="Kevin dares to do a butt exposure in his latest movie, "My Kontrabida Girl."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5c411e318.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/news/32739/kevin-santos-on-my-kontrabida-girl-co-star-rhian-ramos-cool-lang-siya-parang-walang-nangyari" data-desc="Kevin dares to do a butt exposure in his latest movie, "My Kontrabida Girl."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5c411e318.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/news/32739/kevin-santos-on-my-kontrabida-girl-co-star-rhian-ramos-cool-lang-siya-parang-walang-nangyari" data-desc="Kevin dares to do a butt exposure in his latest movie, "My Kontrabida Girl."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5c411e318.jpg">


" data-url="https://www.pep.ph/news/32739/kevin-santos-on-my-kontrabida-girl-co-star-rhian-ramos-cool-lang-siya-parang-walang-nangyari" data-desc="Kevin dares to do a butt exposure in his latest movie, "My Kontrabida Girl."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5c411e318.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/news/32739/kevin-santos-on-my-kontrabida-girl-co-star-rhian-ramos-cool-lang-siya-parang-walang-nangyari" data-desc="Kevin dares to do a butt exposure in his latest movie, "My Kontrabida Girl."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5c411e318.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/news/32739/kevin-santos-on-my-kontrabida-girl-co-star-rhian-ramos-cool-lang-siya-parang-walang-nangyari" data-desc="Kevin dares to do a butt exposure in his latest movie, "My Kontrabida Girl."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5c411e318.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/news/32739/kevin-santos-on-my-kontrabida-girl-co-star-rhian-ramos-cool-lang-siya-parang-walang-nangyari" data-desc="Kevin dares to do a butt exposure in his latest movie, "My Kontrabida Girl."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/5c411e318.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN