John Lloyd Cruz admits 2011 was a very difficult year; sees 2012 as "very challenging"

John Lloyd Cruz on why he is more reticent about talking about his personal life now: "Napakaliit ng industriya natin, napakaliit ng showbiz, so madalas, more often than not, yung mga nakikilala mo, para bang hindi na mahirap magkuwento sa kanila, how casually you can talk about your personal life. "Pero, apparently, hindi pala ganun kadali—sadly and unfortunately. Kasi akala mo, ’pag nagiging open ka, naa-appreciate... "I’m sure


Pagkatapos ng matagumpay nilang pagtatambal sa teleseryeng Imortal, sa pelikula naman magsasamang muli sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin.

Sila ang tampok sa Valentine offering ng Star Cinema, ang Unofficially Yours.

Pero ayon kay John Lloyd, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Ipapalabas na kami ng February, although wala pang sinasabing eksaktong petsa.

"Pero ang alam ko talaga, magiging Valentine offering siya.

"Pero until now, wala pa talagang ibinibigay sa aming definite date.

"Pero siguro ano na, we covered more than half.

"Ito lang ang ginagawa ko and Angel, every day possible ang shoot namin."

Ano naman ang reaksiyon ng matinee idol sa sinasabing kakaibang John Lloyd at Angel daw ang mapapanood sa Unofficially Yours?

"Siyempre, hindi naman ako magsasabi if I was able to deliver something new.

"But, of course, that’s the intention.

"Siguro what you will see here, parang unconventional approach, na siguro many actors will not dare kung anuman yung what I tried to do in the film.

"Ewan ko... medyo mahirap ipaliwanag, pero depende rin kung paano yung kalalabasan ng movie.

"Iba siya ’pag ginagawa ninyo. Siyempre, after several cuts and edits, baka iba, di ba?"

TELESERYE WITH BEA ALONZO. May balita ring ang susunod na teleserye ni John Lloyd sa ABS-CBN ay pagtatambalan nila ni Bea Alonzo.

Marami ang na-excite sa balitang ito, lalo’t matagal-tagal na rin nang huling magtambal ang dalawa.

Huling nagsama si John Lloyd at Bea sa pelikulang Miss You Like Crazy noong 2010.

Ayon kay John Lloyd, "Totoong may ganung balita.

"Pag teleserye kasi, hindi yun ang kinukuwestiyon. Ang kuwestiyon talaga, if it will push through.

"Kasi maraming concepts, maraming mga formats and mga shows na puwede mong puntahan o mapunta sa iyo.

"Pero ang tanong naman talaga is kung matutuloy.

"Pero, as of the moment, ’yan ang huli kong narinig, pero may problema yata sa casting."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng aktor, "Excited ako to work with her again...

"Saka ang isa pang nakaka-excite dun, ’pag nanonood ka ngayon ng teleserye sa ABS, parang talagang ano... ang tindi ng competition.

"It inspires me na maging part ng competition, to be part of something that competitive and creative, to be part of it.

"Maganda, parang magbibigay ng bagong energy sa iyo, di ba, para maka-deliver ng bago.

"Tingin ko nga, ang utak ng mga shows ngayon, especially the unit heads—parang hindi na sa labas lang, parang within their own network, na maganda din naman.

"I think yun naman ang strategy—let’s not compete with them, let’s compete with ourselves.

"We think as a whole, we fight as a whole, so yun din naman ang strategy."

SINGAPORE HOLIDAY. Kinumusta rin ng PEP kay John Lloyd ang bakasyon niya sa Singapore last holiday season, kasama ang kanyang pamilya at girlfriend na si Shaina Magdayao.

"Okay naman," sambit niya.

"Yung celebration, very intimate lang, as usual.

"Tradionally kasi, we look at Christmas, always with the family.

"Ang naiba lang this year, I was able to bring my family, relatives to Singapore.

"So, yun ang medyo kakaiba lang.

"Other than the Singapore trip, lahat naman nasa bahay lang.

"Actually, gift yun para sa mga pamangkin ko, mga pinsan ko na magkaka-age, mga high school—so, regalo ko yun talaga sa kanila.

"Originally it was Hong Kong, pero they realized they want a Singaporean trip.

"Okay naman, everything went well.

"Medyo pagod lang kasi most of us were first-timers.

"Even yung isang nephew and niece niya [Shaina], first time din sa Singapore.

"Maraming napuntahan, maraming nakita, so sulit na sulit yung trip.

"Pero yun nga lang, medyo pagod, but it was worth it."

KEEPING IT PRIVATE. Sa recent interviews kay John Lloyd, nagsabi na itong gagawin na nilang pribado ang relasyon nila ni Shaina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pipiliin na lang daw nila kung anuman ang gusto nilang ibahagi sa publiko, hindi kagaya noon na bukas ang kanilang relasyon sa lahat.

Ipinaliwanag ni John Lloyd sa PEP kung bakit ganito ang naging desisyon nila.

Saad ng blockbuster star: "Okay din na tahimik na lang.

"Alam naman ng mga tao na nandito kami sa isang tabi, masaya na kami dun.

"Malaking tulong din talaga at gusto ko ngang magpasalamat sa mga kagaya ninyo, sa press people na nakausap ko, na parang humingi ako ng panahon, ng chance, na medyo ibigay muna sa amin.

"And talagang ibinigay naman, kaya nakakatuwa, kasi talagang nakatulong siya."

Matatandaan na noong isang taon ay dumaan sa matinding pagsubok ang relasyon nina John Lloyd at Shaina, na muntik nang maging dahilan ng kanilang tuluyang paghihiwalay.

Dagdag pa ng aktor, "Sa tingin ko, hindi madaling isipin o sabihin at pagdesisyunan na gusto naming panatilihin na ganito.

"Ganun talaga, you have to be careful kung ano ang gusto man naming i-share.

"Napakaliit ng industriya natin, napakaliit ng showbiz, so madalas, more often than not, yung mga nakikilala mo, para bang hindi na mahirap magkuwento sa kanila, how casually you can talk about your personal life.

"Pero, apparently, hindi pala ganun kadali—sadly and unfortunately.

"Kasi akala mo ’pag nagiging open ka, naa-appreciate...

"I’m sure na-appreciate nila, ng mga totoong nagmamalasakit, pero siguro may mga iilan na nakakakuha sila ng pagkakataon para makagawa ng isang bagay na hindi makakatulong.

"Sa ngayon, mas maganda yung ganito."

DIFFICULT YEAR. Aminado rin si John Lloyd na hindi naging madali sa kanya ang nakaraang taon.

Aniya, "2011 was an extreme roller-coaster ride para sa akin.

"Ang daming nangyari, sobra-sobra, it’s really too many to mention.

"Parang, I felt it’s something na hindi naging ganun kaganda.

"Although, it’s also a good chance for you to know what you have accomplished... and learning from it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, okay din siya. Pero all in all, nandito ako, I managed to be here and it’s still a good year.

"Saka out of everything na nakuha ko from that year alone, hindi lang sa business aspect ng buhay ko.

"Siyempre you live, you learned...

"So, along the process, ang dami mong natutuhan... so very enriching."

Ngayong 2012, positibo si John Lloyd na mas marami siyang magagawa, pero ang una raw niyang prayoridad ay ang kanyang kalusugan.

"2012 I think is gonna be very challenging for me in many aspects, in many sense.

"Marami akong goals na ma-achieve or ma-set up, kasi some of it, parang hindi naman achievable in a year.

"Unang-una, health, parang I’m very much into attaining a healthy lifestyle.

"I’m not getting any younger.

"Twenty-eight ako, in six months I’ll be 29.

"Matagal na akong hindi nakakapag-mountain bike, but whenever I get a chance, I do yoga.

"These days, you really have to watch what you eat kasi hindi puwedeng every day, fiesta.

"Dapat mo talagang alagaan, your body is a temple—isa lang ’yan.

"Kung wala ’yan, kung magkaproblema ’yan, malaking problema talaga para sa iyo," diin ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN