Imee Marcos talks about multi-platform project Pinta*Kasi; promotes motion graphics through The Lam-ang Experiment

Layunin ni Imee Marcos na gawing mas popular ang animation dito sa bansa. Aniya, "Maraming talented animators na Pinoy. Di ba, yung sa X-Men, mga Pinoy? Kaya nga sa komiks, makikita mo may parol...At kahit si Storm, ang sabi nila may Pinoy influence iyon dahil nga sa bagyo..."


Mula sa drawings, ang animated indie film na Pinta*Kasi ay isa na ring game sa Internet.

Kaya naman, abot hanggang tenga ang ngiti ni Imee Marcos nang nagpa-presscon ito tungkol sa kanyang "multi-platform" project na matagal na raw niyang pinaplano.

Aniya, "Ang problema kasi sa live action, hindi mo na puwedeng gawin laruan. Hindi mo na siya...mahirap na siyang gawing game."

Dagdag pa niya, "With animation, a, di ba, ’yong, ’yong Peanuts kay Charles Schulz, namatay na ’yong author, rumarampa pa rin sa Tokyo? Alam mo ’yon? Buhay pa siya!

"So, I mean Spiderman is so old, everything’s so old.

"Then the Philippines—we’ve been outsourcing animation for so long from Disney, from Japan, pero hindi tayo gumagawa ng sarili natin."

Kaya naman, layunin daw ng gobernador ng Ilocos Norte na buhayin ang animation sa local film industry.

Aniya pa, "Anyway, naging hybrid ang Pinta*Kasi, talagang multimedia, may live action pa rin.

"Kasi baka hindi naman maka-relate ’yong mga Pilipino at hindi naman tayo sanay sa animation.

"But at the same time, may work na animation, kasi we have to give a chance also to our ahm... very talented animators who keep drawing and drawing Spiderman and Mickey Mouse, nakakasawa na."

GOOD NEWS. May tatlong bagay na gustong ibalita ang producer.

Una, "Right now, I’m telling nga that, a, one thing is nakapasok kami sa mainstream theater, so we’ll be able to go nationwide.

Pangalawa, "We’ve been invited to some film festivals because of the hip-hop element, so we’ll go to Honolulu and to Beijing.

At ang pangatlo, tutulungan daw siya ng kanyang panganay na si Borgy Manotoc—anak ni Imee sa sportsman na si Tommy Manotoc, na hindi na niya partner ngayon—na i-market ang mga projects niya.

Dugtong niya, "That’s why Borgy’s here, because we have to go across platforms.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meaning hindi lang siya pelikula, magiging ahm... nandito na, kumpleto na yung comics niya, ’tapos magiging merchandise, ’tapos may CD...then T-shirt, then games!

"We want to try this kasi hindi pa nangyayari."

Kung matatandaan, ang Pinta*Kasi ay kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2011 New Wave Section.

Ang cast ay kinabibilangan nina Erich Gonzales, John Wayne Sace, JM de Guzman, Giselle Sanchez, at Boots Anson-Roa.

Ang mga karakter ay base sa mga bayani ng Pilipinas at mga mahahalagang tauhan sa panahon ng himagsikan.

Ginawang kontemporaryo ang pagsasalin ng kuwentong may kinalaman sa ating kasaysayan dahil ginamitan ito ng hip hop.

Umani ng Best Picture award ang Pinta*Kasi nitong nakaraang MMFF, kung saan itinanghal din si JM bilang Best New Wave Actor.

LACK OF PUBLICITY. Very promising daw ang proyekto kahit kulang sa promotion.

Masasabi raw na may edge ang film outfits ng TV networks, lalo pa’t nabibigyan nila ng airtime para sa casual at merch plugs ang kanilang mga proyekto.

Ang nasambit ni Imee, "We’re going to discuss promotion and distribution, because what’s happening with the indie, kahit papaano nakakapag-produce.

"Ang problema, palibhasa walang ahm...at saka maski may budget ang hirap pumasok sa TV, e.

"Hindi talaga kaya ng budget ang TV, so there’s no promotion and then worst of all...

"So, parang we need, sa indie, we need to go to the next phase of promotion and distribution.

"Pero alanganin naman, alangan naman ’yong title no’ng festival—Prom Di Festival.

"Promotion, distribution talaga, e, literal na literal, e."

Nilapitan ng grupo ng gobernador ang ABS-CBN, subalit hindi natuloy ang tie-up.

Ito ay dahil, ayon sa line producer ng Pinta*Kasi na si Vilma Bacani, hindi raw papayag ang SM Cinemas—na siyang may pinakamaraming sinehan sa buong bansa—ang temang droga ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang prangkang sagot naman ni Imee, "Wala, hindi nila type.

"Yeah, they didn’t like the...they didn’t like the...some of them didn’t like the material."

THE LAM-ANG EXPERIMENT. Samantala, masayang ibinahagi ni Imee ang susunod niyang proyekto.

Aniya, "We’ve launched online the graphic novel, the comic na Lam-ang, The Lam-ang Experiment.

"Lam-ang is, of course, yung inaaral natin sa eskwelahan na Filipino epic na halos ’di na natin maalala."

Ang Biag ni Lam-ang o Buhay ni Lam-ang ay isang epic poem na isinulat ni Pedro Bucaneg noong 1640.

Tungkol ito kay Lam-ang, na isang pambihirang tao. Ipinanganak itong nakakapagsalita na ito at nakakalakad. Siya na rin ang pimili ng kanyang pangalan.

Sa pagpapatuloy ni Imee, "Kaya lang, ginawa naming futuristic sci-fi version para ma-accept ng mga bagets.

"At may Filipino values, at the same time graphic novel na naging genre na siya, e, kaya let’s start with that.

"And then mag-e-effort na naman kami, first-ever motion graphics, so that’s we’re trying to do.

"Pag kinaya, isang buong pelikula, kaso madatung kasi yun," ang nakatawang tinuran ng anak ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Kung saka-sakali, sino ang gaganap sa karakter ni Lam-ang?

"Binibiro nga namin si Borgy, kasi yung Lam-ang, Pilipinung-Pilipino yung itsura.

"’Tapos malaki yung balikat niya, niloloko nga namin na mag-artista na si Borgy, e," pagbibiro ni Governor Imee sa press.

Sino naman ang magiging leading lady ni Lam-ang kung si Borgy Manotoc ang gaganap?

"Ayan, niloloko nga namin si Borgy na dapat si Georgina [Wilson, girlfriend ni Borgy] na rin, dahil nga merong isang mestizang half-Irish.

"Kasi do’n sa Lam-ang, Ineskanoyan yung pangalan nung girlfriend.

"E, ginawa nga naming half-Irish mestiza si Agnes Kinian, so puwede na si Georgina na half-English," sabay tawa ni Imee.

Binanggit din ng politician-producer, "Lam-ang is, well, it so happens na sa Ilocos talaga siya nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pati yung Pagudpod na hindi siya nagising ng isang daang taon, ’tapos naligo—tapos ang dumi-dumi niya, ang baho-baho niya, na namatay lahat ng isda sa Pagudpod [dahil sa libag].

"Ito yung mga elemento na nakakatawa na galing sa mga lola natin—yung humor ng Pinoy na nakakaaliw talaga.

"So ayun, it’s all future and sci-fi, so it will be fun!" ang pagtatapos ni Imee.

(CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN