Wife Alicia Arroyo and partner Grace Ibuna both grieving over Congressman Iggy Arroyo’s death

With the passing of Negros Occidental House Representative Ignacio "Iggy" Arroyo, the attention is now focused on the two women in his life: legal wife Alicia Rita Morales-Arroyo and partner Grace Ibuna.


Nagkaroon ng showbiz angle ang pagpanaw ni Negros Occidental House Representative Ignacio "Iggy" Arroyo kahapon, January 26, dahil sa relasyon niya kay Grace Ibuna, ang ina ng singer na si Gabrielle "Garie" Concepcion.

Si Garie ang anak ni Grace sa aktor na si Gabby Concepcion.

Half-sister naman ni Garie sina KC Concepcion at Cloie Syquia, ang mga anak ni Gabby kina Sharon Cuneta at Jenny Syquia, respectively.

Nang pumirma kahapon ng three-year contract sa Viva Artists Agency ang mag-inang Jenny at Cloie, tinanong sila ng media tungkol sa reaksiyon nila sa pagkamatay ng itinuturing na stepfather ni Garie.

Nagulat at walang masabi sina Jenny at Cloie dahil wala silang alam tungkol sa personal na buhay ng mag-inang Grace at Garie.

CLICK HERE to read related story.

THE LEGAL WIFE. Samantala, nagpainterbyu kaagad sa mga TV news programs si Mrs. Alicia Rita Morales-Arroyo, ang legal wife ni Congressman Arroyo.

Nagpahayag ng matinding kalungkutan si Alicia.

"Nagdasal na lang ako. Dasal na lang ako nang dasal. Hindi ko kasi maisip, e.

"Inisip ko na lang yung anak ko," pahayag ni Alicia sa panayam niya sa media na ipinalabas sa 24 Oras kagabi.

Ayon pa sa kanya, apektadong-apektado sa nangyari ang kanilang 14-year-old daughter.

Taong March 26, 1994 nang ikinasal sina Iggy at Alicia. Magkapitbahay daw sila noon sa La Vista, isang exclusive subdivision sa Quezon City.

"Mabait siya, tahimik, when we were together," paglalarawan ni Alicia tungkol sa yumaong asawa.

Ayon pa sa ulat ni JP Soriano para sa 24 Oras, nag-file ng annulment kamakailan sina Iggy at Alica. Pero hindi natapos ang proseso nito.

Iginigiit ngayon ni Mrs. Arroyo na siya dapat ang magdedesisyon tungkol sa burol at libing ni Congressman Arroyo dahil siya ang legal wife.

Ang gusto raw kasi ni Iggy ay iburol ito sa bahay nila sa La Vista.

"Kung sakali sa bahay yung ano... Gusto niya parating... Private na tao siya, e. Yung nga, yung wake, sa bahay," sabi ni Alicia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Plano rin ni Mrs. Arroyo at ng mga abugado nito na lumipad sa London para sunduin ang labi ng kanyang yumaong asawa.

May patama naman ang isa sa mga abugado ni Alicia, si Atty. Lorna Kapunan, sa aniya’y "pretenders" na nagke-claim diumano na sila ang legal wife ni Iggy.

Pahayag ni Atty. Kapunan, "We are concerned, as her lawyers, that there are certain pretenders who claim they are the legal wife.

"That is why we asked [Alicia] to come here [so we can] advise her of what her rights are under the law."

THE PARTNER. Nakatutok ang maraming Filipino sa real-life drama na nagaganap ngayon sa pagitan ni Alicia Arroyo at Grace Ibuna.

Si Grace ang karelasyon at kasama ni Iggy nang pumunta ang kongresista sa London para magpagamot.

Si Grace ang nag-alaga at nag-asikaso kay Iggy.

Sila rin ang magkasama nang malagutan ng hininga sa The London Clinic ang kontrobersiyal na kongresista.

Pinuntahan ni ABS-CBN Europe News Bureau Chief Danny Buenafe ang apartment nina Congressman Arroyo at Grace sa Kensington West London, pero tumanggi ang huli na humarap sa mga TV camera.

Mula sa London, ibinalita ni Danny sa Umagang Kay Ganda kanina, January 27, na nasa "state of shock" si Grace.

Nag-iiyak daw ito dahil hindi siya makapaniwala na sumakabilang-buhay na ang kanyang longtime companion.

Pero nagpaunlak si Grace na magsalita sa isang daily broadsheet ilang oras matapos bawian ng buhay si Congressman Arroyo.

Sinabi ni Grace na nakiusap siya kay Congressman Arroyo na lumaban ito para humaba pa ang buhay.

Ipinagdasal din daw niya na magkaroon ng milagro.

Nahihirapan si Grace na tanggapin ang pagkawala ng kongresista dahil hindi raw niya alam kung papaano siya mabubuhay nang wala ito.

Sa mga news report, "cardiac arrest" at "cirrhosis of the liver" ang sanhi ng kamatayan ni Congressman Arroyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa report ni Danny Buenafe, "anemia" at "pagbaba ng sugar level dahil diabetic" ang ikinamatay ni Congressman Arroyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN