Sarah Lahbati excited about Valentine concert in Switzerland; confirms she’ll do a primetime series after Kokak

Sarah Lahbati will stage a Valentine concert with Derrick Monasterio and Enzo Pineda on February 14 in Geneva, Switzerland. She will be there for a week and will return to Manila to work on a primetime show.


Sa Pebrero 9, Huwebes, ang alis nina Sarah Lahbati, Derrick Monasterio, at Enzo Pineda patungong Switzerland.

Matatandaan na kamakailan lang ay binanggit ni Sarah sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakatakda silang umalis para sa isang Valentine concert na gaganapin sa Geneva, Switzerland.

(CLICK HERE for related article)

Nakapanayam ng PEP at ilang entertainment press si Sarah kahapon, Enero 26, sa set ng Kokak sa Sevilla St., Brgy. Pedro Cruz, San Juan. Dito’y nagkuwento siya tungkol sa preparasyong ginagawa nila para sa concert.

"Last taping day po namin dito [Kokak] sa [Pebrero] 8, the next day, lipad na po ako.

"Kahapon [January 25], nakipag-meet ako with Direk Freddie Santos, tinutulungan niya po ako with the spiels, ’yong mga songs na pinili ko, kung paano ’yong areglo, ’tsaka kung paano ba yung pagkakasunud-sunod ng kanta."

WORK AND FUN. Ilan daw sa dapat abangan ng mga manonood sa kanilang Valentine concert sa Geneva ay ang dance numbers at duets na magsasalitan silang tatlo nina Derrick at Enzo.

Sigurado raw si Sarah na kikiligin sa lahat, lalo pa’t kasama ang mga kaibigang taga-Morocco na pupunta roon, dahil marami sa kanila’y tagahanga rin nina Derrick at Enzo.

Nabanggit din niya sa amin na ang mga manonood ay "70 percent Filipinos, ’tapos ’yong iba Moroccans, tapos ’yong iba, close friends nila mom and dad. Iba-ibang lahi po talaga."

Samantala, isang linggo silang mamamalagi sa Switzerland kaya sabik na talaga si Sarah na makapagbakasyon at makitang muli ang kanyang ama.

Ang ama kasi ni Sarah ay isang Moroccan, habang ang kanyang ina naman ay Filipino.

Minsan lang dumalaw sa Pilipinas ang kanyang ama, kaya ang kanyang ina lang ang nakakasama niya.

Ano ba ang kanilang itinerary sa Switzerland?

Ayon kay Sarah, "After the concert, we have three or four days to rest and mag-snowboard, ski, and shop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Excited nga po ako kasi ang tagal ko nang hindi nakakapag-snowboard.

"So, medyo kinakabahan ako na pagtuntong ko sa snowboard, bigla akong sumemplang.

"Pero mas excited ako kasi magkakasama kami; of course makikita ko dad ko."

PRIMETIME SHOW. Nabanggit ni Sarah na sinubukan niyang hilingin sa GMA Network management kung maaaring manatili siya sa Switzerland kahit dalawang linggo.

Gusto kasi ng mga magulang niya na maglibot sila sa Italy, France, at Morocco.

"Hindi po, e," sagot ng Kokak lead star nang tanungin namin kung napagbigyan ba ang kanyang pakiusap.

"Kasi baka pagbalik ko po dito, mag-work ulit agad ako.

"Hindi pa po puwede sabihin, e.

"Pero, magandang show po siya na kaabang-abang.

"Basta may magandang show ako pagbalik ko dito sa Philippines na primetime."

Nang tanungin kung si Richard Gutierrez ba ang makakatambal niya sa proyektong ito, isang magandang ngiti lang ang isinagot ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN