JC Tiuseco slated to do three films this year as he recuperates from knee surgery

JC Tiuseco explains why his movie under Regal Films was delayed: "Dati plan na nila na isama ako doon sa Ded na Ded [Ako Sa ’yo,] sa Shake Rattle [& Roll 13] kaso lang, ako ’yong hindi puwede kasi nagpa-surgery ako. Tapos ’yong sa Shake Rattle tinanong namin ni Jonas [kung may running scenes] sabi nga, oo dami nga daw talaga


Hanggang ngayon ay nagpapagaling pa rin si JC Tiuseco matapos niyang maoperahan sa tuhod noong Agosto ng nakaraang taon.

Bunsod ito ng aksidenteng nangyari sa kanya sa isang basketball game, na naging sanhi para magkaroon siya ng torn ACL o Anterior Cruciate Ligament.

Ayon sa medicine.net, ang Anterior Cruciate Ligament ay isang klase ng ligament sa tuhod na nagdudugtong ng buto sa ating hita at binti.

Ipinaliwanag noon ni JC sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung papaano gagawin ang operasyon sa kanyang tuhod.

"Lalagyan ng screw ang bagong ligament [ng tuhod ko]. Magga-graft ng ligament tapos ilalagay sa loob.

"Then after eight months ng therapy, puwede na ulit ako mag-basketball."

(CLICK HERE for related article.)

Nasa ika-limang buwan na siya ng pagte-therapy, pero sa tingin daw ng kanyang mga doktor, baka sa Pebrero o Marso ay maayos na ang lagay ng tuhod ni JC.

Nakapanayam ng PEP at ilan pang entertainment press si JC kahapon, Enero 26, sa set ng Kokak sa Sevilla Street, Barangay Pedro Cruz, San Juan, at aming kinamusta ang kanyang operasyon.

Aniya, "May part lang na sumasakit.

"Pero, ’yong ligament daw mismo na pinalitan, hindi naman daw mapupunit, parang pinapalakas na lang."

MOVIE LINEUP. Kaugnay nito, kinailangan tanggihan ni JC at ng kanyang manager na si Jonas Gaffud ang ilang pelikula na inialok sa kanya ng Regal Films noong nakaraang taon.

Matatandaan na noong Mayo 12, 2011 ay pumirma ng kontrata sa Regal Entertainment si JC; kasama ang iba pang talents ng Mercator Model and Artist Management na sina Daniel Matsunaga, Ervic Vijandre, Ian Batherson, at Fabio Ide.

Tinagurian silang "Regal’s Desirable Men."

(CLICK HERE for related article.)

Ayon kay JC, "Dati, plan na nila na isama ako doon sa Ded na Ded [Ako Sa ’Yo,] sa Shake Rattle [& Roll 13], kaso lang, ako ’yong hindi puwede kasi nagpa-surgery ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos ’yong sa Shake Rattle... tinanong namin ni Jonas [kung may running scenes]... Sabi nga, oo, dami nga daw talaga.

"E, ’yong time na ’yon hindi pa ako puwede tumakbo."

Pero ngayong taon ay tuloy na tuloy na raw ang dalawang pelikula na kanyang gagawin under Regal Films, na maaaring simulan "early this year."

Kasabay nito, sa susunod na buwan ay may gagawin na rin siyang pelikula sa ilalim naman ng GMA Films.

Ani JC, "Sa Regal po may dalawa po ata. Di ko pa po alam ’yong title no’ng dalawa.

"’Yong sa GMA po ata this [February] na po ata ’yon. Hindi pa po sinasabi sa akin ’yong title, e.

"Parang ano ata siya, e, Love Actually, ’yong sa Hollywood, parang gano’n."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN