Derrick Monasterio on his not-so-secret courtship of Sarah Lahbati: "Hindi naman ako nagmamadali, e."

Derrick Monasterio on what he will say when he meets Sarah Lahbati’s dad: "A, Tito, your daughter is so beautiful, she’s so kind, and you’re lucky to have her."

He explains, "Siyempre, gano’n muna! Kumbaga, bubuwelo ka. Magbi-build-up ka muna. Baka mabigla. Mamaya, umiinom siya ng kape, ’tapos mabugahan ka pa kung diretso ka kaagad na gano’n. Konting pasakalye muna dapat!"&l


Si Sarah Lahbati na mismo ang nagsabi na ang asong iniregalo sa kanya ni Derrick Monasterio ang pinaka na-appreciate niya nang husto sa lahat ng mga Christmas gift na natanggap niya nitong nakaraang holiday season.

Lagi nga raw niyang niyayakap ito kapag nasa bahay lang siya.

(CLICK HERE to read related story.)

Si Derrick ay nangiti naman nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung bakit aso ang naisip niyang ibigay na regalo sa Kokak star, na inamin niyang kanyang nililigawan sa ngayon.

"Para lang po matuwa siya," sabi ng tween actor.

"Para may kumukulit sa kanya pagdating niya sa bahay nila.

"Kasi siyempre pagod galing sa trabaho, masaya ’yon kapag may gano’n, di ba po?" natawang tanong pa niya.

Hindi kaya may mas malalim pang dahilan? Baka gusto niyang lagi siyang naaalala ni Sarah kapag nakikita at niyayakap ang asong bigay niya?

"Puwede rin po nating sabihing gano’n!" sabay tawang pag-amin ni Derrick.

Pero ano ang masasabi niya na lagi raw niyayakap ni Sarah ang aso na iniregalo niya?

"Talaga?" nangiti ang binata.

"Siguro ano... dahil may na-build na siyang connection do’n sa aso."

Hindi kaya may na-build na ring connection si Sarah sa kanya?

Napahalakhak si Derrick bago nakapagbigay ng reaksiyon.

"Hindi naman ako nagmamadali, e.

"Basta, nanliligaw ako sa kanya. At matagal-tagal na rin ’yong panliligaw ko, mga four months na.

"Uhm, siyempre, kinikilala siguro niya akong mabuti."

Mula sa unang araw hanggang sa ika-apat na buwan ng panliligaw niya, may nakita ba naman siyang development?

"Siyempre naman po.

"Dati nagkakailangan kami, e. Ngayon, hindi na.

"At sana po, naa-appreciate niya ’yong mga ginagawa ko para sa kanya."

Ano ba ang nagustuhan niya kay Sarah?

"Matangkad, mabait, ’tapos maalaga. Na, ’Ipagluto mo naman ako ng Spam!’ Hindi... joke lang!" natatawang biro ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TRIP TO SWITZERLAND. Nakatakdang umalis sina Derrick at Sarah sa February 9 patungong Switzerland, kung saan naka-base ang mga magulang ng young actress.

Kasama nila si Enzo Pineda na ka-batch naman ni Sarah sa StartSruck V at dati ring manliligaw ng dalaga.

Magkakaroon ng parang homecoming concert si Sarah sa Geneva sa February 13, at guests niya sina Derrick at Enzo. Mananatili sila roon ng hanggang isang linggo.

Napag-usapan din nilang mamasyal sa magagandang lugar sa Switzerland sa mga natitirang araw na ilalagi nila roon.

Excited na nga raw si Derrick sa trip nilang ito.

Aniya, "Kasi, first time ko pong makakakita ng snow.

"At saka magkaka-close po kasi kami nina Enzo kaya masaya.

"’Tapos, kasama pa ang mga mommy namin."

SARAH’S DAD. Haharap ulit si Derrick sa Moroccan dad ni Sarah na una niyang nakilala nang umuwi ito sa Pilipinas.

Kilala siya ng ama ni Sarah bilang kaibigan ng young actress. Pero ngayon, manliligaw na siya nito.

"Alam naman po yata ng daddy niya na nanliligaw ako.

"Mabait naman po ’yong daddy niya, e. Actually, kasundo ko nga po, e.

"And if I were given a chance, gusto ko ring ligawan ang daddy niya, e. Joke lang!" sabay tawa ulit ni Derrick.

Sa muling pagharap niya sa ama ni Sarah, ngayon bilang isang manliligaw, ano kaya ang puwede niyang sabihin dito?

Sagot ni Derrick: "A, Tito, your daughter is so beautiful, she’s so kind, and you’re lucky to have her."

Gano’n lang? Wala ’yong tungkol sa intensiyon niya bilang manliligaw ni Sarah? Hindi ba dapat tungkol do’n ang sinasabi ng lalake sa magulang ng nililigawang babae?

"Siyempre, gano’n muna!" tawa ni Derrick.

"Kumbaga, bubuwelo ka. Magbi-buildup ka muna.

"Baka mabigla. Mamaya umiinom siya ng kape, ’tapos mabugahan ka pa kung diretso ka kaagad na gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Konting pasakalye muna dapat!"

VALENTINE. Pagkatapos ng concert nila sa Geneva sa February 13, Valentine’s day kinabukasan (February 14).

Ano ang plano niya para sa kanila ni Sarah?

"Wala pa po, e."

Hindi ba niya ito yayayain to go out for dinner?

"Mahal po ang pagkain do’n!" tawa ni Derrick

"Wala pa po talaga akong naiisip na plano, e.

"Kasi ang main purpose po namin do’n ay trabaho. ’Yong concert nga po.

"Siguro, pasyal-pasyal na lang kami."

Hindi kaya pagbalik nila sa Pilipinas, sila na ni Sarah?

"Kasama namin si Enzo, e. Ha-ha-ha! ’Tapos, ’yong mga mommy nga namin.

"Uhm... hindi ko po alam.

"Basta trabaho po ang ipinunta namin doon.

"Ayun, bahala na."

WILLING TO WAIT. Boto ba ang mommy niya, ang dating aktres na si Tina Monasterio, kay Sarah?

"Oo naman.

"Pero siyempre, nagpapaalala rin ang mom ko na huwag magpapabaya sa career at saka sa pag-aaral."

Gaano katagal siya puwedeng magtiyaga sa panunuyo kay Sarah?

"Five months! Hindi. Joke lang!" tawa na naman ni Derrick.

"Siyempre ano, as I’ve said, hindi naman po dapat na minamadali ’yong ganyang bagay.

"Kahit na gaano katagal. Basta kilalang-kilala ko na siya."

BEA BINENE. Sa ngayon, ipinapareha si Derrick kay Bea Binene. Hindi kaya makaapekto ang pagiging vocal niya sa panliligaw kay Sarah sa binubuong tandem nila ni Bea?

"Hindi po ’yan," sabi ni Derrick.

Ang ibang young actors ay malihim sa totoong nilalaman ng kanilang puso. Kapag may ipinapareha na sa kanila, napipilitan silang sakyan ang pakikipag-loveteam para sa ikakikilig ng fans.

Pero sa kaso ni Derrick, bukas siya kung sino ang napupusuan niya kahit na may kapareha siyang iba.

Aniya, "Actually, okey naman po kami ni Bea, e.

"Ginagawa naman po namin ang trabaho namin.

"At saka ang fans, gets naman po siguro nila na iba ’yong trabaho sa personal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang nasasabi ni Bea tungkol sa hayagang panliligaw niya kay Sarah? Tinutukso ba siya nito?

"Oo, lagi!" natawang pag-amin ng young actor.

"Si Bea, may iba rin naman siya, e. Joke! Ha-ha-ha!

"Sa Alice Bungisngis And Her Wonder Walis, may Jhake Vargas siya.

"Love triangle kaming tatlo sa story.

"Exciting ito. Sana abangan n’yo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN