Sarah Lahbati enjoys company of suitor Derrick Monasterio; says she’s flattered by his open admiration

Sarah Lahbati on suitor Derrick Monasterio: "Nakakatuwa na nandiyan siya for me. And naa-appreciate ko po lahat ng mga ginagawa niya para sa akin. Hindi ko talaga malilimutan iyon."


Kahit may Derrick Monasterio na hayagan ang panliligaw sa kanya, talagang wala pa raw sa isip ni Sarah Lahbati ang pakikipag-boyfriend.

Mas nai-inspire daw siyang mag-focus sa trabaho.

"Kasi, hindi pa rin ako nai-in love," sabi ni Sarah sa pinakahuling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.

Bukod kay Derrick, may iba pa umanong guys na nagpaparamdam sa kanya. Pero hindi nga raw para sa lovelife ang interes niya sa ngayon.

Pero hindi itinatanggi ng lead star ng Kokak na sa lahat ng nagpapalipad-hangin sa kanya, kay Derrick siya malapit.

Magkaibigan daw kasi sila.

Looking forward nga raw siya sa nakatakdang pag-alis nila ni Derrick, kasama si Enzo Pineda, patungong Switzerland kung saan naroon ang parents ng dalaga.

May concert sila sa February 13 at isang linggo silang mananatili sa nasabing bansa.

Ayon kay Sarah, "Nagplano kami na mag-snowboarding.

"At baka magpunta rin kami sa isang mountain na malapit at do’n mag-snowboard.

"Yes, ako ang magtu-tour kina Derrick at Enzo doon.

"Super-miss ko na ang Switzerland. Two tears na akong hindi nakakauwi doon.

"Kaya pagdating ko doon, ang dami kong baong kuwento sa family ko.

"Excited talaga ako. I can’t wait to see my dad," sambit pa ng young actress tungkol sa kanyang Moroccan dad.

LOVER’S QUARREL? Natawa si Sarah nang matanong tungkol sa isyung nag-away diumano sila ni Derrick. Ayon pa nga sa report, parang lover’s’quarrel daw ang nangyari sa pagitan ng dalawang Kapuso stars.

"Hindi po kami nag-away. Wala pong gano’ng nangyari," tanggi ng StarStruck alumna.

Si Derrick, kahit kay Bea Binene inila-loveteam, ay very vocal sa panliligaw sa kanya.

"Alam naman po niya na ang focus namin ay trabaho talaga at career muna.

"So, sabi ka sa kanya, mag-focus lang at galingan sa lahat ng ginagawa niya.

"And may time naman, e. Laging may tamang time para sa ganyang bagay," ang patungkol sa lovelife ang ibig niyang sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Sarah, "I think naiintindihan niya naman."

TRUE TO HIMSELF. Kadalasan sa young stars, kapag ginu-groom sila as loveteam ay sinasakyan ang binubuong tandem nila. Nagpi-pretend na nagkakagustuhan o nagliligawan kahit hindi naman.

Pero si Derrick, iba. Talagang sinasabi nito ang totoong laman ng puso niya. Na si Sarah ang nililigawan niya sa totoong buhay, at onscreen lang ang sa kanila ni Bea.

"Haba naman ng hair ko!" sabay tawang reaksiyon ni Sarah.

"Hindi... Nakakatuwa na nandiyan siya for me.

"And naa-appreciate ko po lahat ng mga ginagawa niya para sa akin.

"Hindi ko talaga malilimutan iyon."

Ayon kay Derrick, apat na buwan na raw niyang nililigawan si Sarah.

Natatawang sabi naman ni Sarah, "May months na talaga? Nabilang niya iyon?"

Hanggang kailan niya paghihintayin ang binata? Gaano katagal pa?

"Hindi ko ano... Basta alam niya ang lagi kong sinasabi sa kanya, nag-uusap naman kami.

"And ang importante naman ngayon, pareho kaming masaya at focused muna kami sa trabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN