Glaiza de Castro excited to play role of musician in new soap: "High school pa lang ako talagang gusto ko nang magbanda."

Isa si Glaiza de Castro sa love interest ni Dennis sa Biritera. May image si Dennis na madaling ma-in love sa kanyang leading lady, hindi ba nagwo-worry dito ang aktres?

"Well, ngayon pa lang talaga kami magpe-pair sa isang show. Pero nakikita ko na masaya siyang katrabaho at masarap siyang kaeksena... Siguro focus na lang ako sa trabaho ko para huwag ma-sidetrack. Kasi siyempre hindi mo rin alam kung ano yung pwedeng mangyari," Glai


Itinuturing ni Glaiza de Castro na best Christmas present at best birthday gift niya noong Enero 21 ang pagiging isa sa mga bida ng bagong primetime teleserye ng GMA-7, ang Biritera, na mapapanood na simula sa Pebrero 6 sa GMA Telebabad.

Tinatapos pa lang daw nila ang taping ng Amaya noong Disyembre ay sinabihan na agad siya na may bago siyang project na gagawin.

Ito nga ang Biritera kung saan kasama niya sa cast sina Dennis Trillo, Angelika dela Cruz, Rich Asuncion, Ryan Eigenmann, Gwen Zamora, Neil Sese, Orlando Sol, Ken Chan, Kiel Rodriguez, Kim Komatsu, Hiro Magalona, Sweet Ramos, Barbara Miguel, Nomer Limatog at ang bagong child discovery ng GMA-7 sa title role na si Roseanne Magan.

"Kaya nga sobra akong nagpapasalamat kay Lord at sa GMA dahil pinasaya nila ang Christmas, New Year at birthday ko.

"Bago pa kasi matapos yung Amaya inuna na ni Lord yung pagbibigay ng bagong soap sa akin kaya talagang nakakatuwa," sabi ni Glaiza.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza sa presscon kagabi, Enero 27, sa Studio 7 ng GMA Network.

Paano naman niya ipinagdiwang ang birthday niya?

"Inasalto ako sa bahay namin ng mga friends ko from the church. Ganun sila every year e, inaasalto nila ako, parang nakaugalian na.

"Tapos nandun yung mga kapatid ko, mga pinsan ko, so masaya. Tapos nung mismong birthday ko nag-Tagaytay kami."

Laptop daw ang regalo sa kanya ng mommy niya.

MUSIC IS CLOSE TO HER HEART. Gaano siya ka-excited sa bago niyang serye?

"Hindi ko ma-explain kung gaano. Pero natutuwa ako sa fact na musical siya.

"May music involved dahil nasa banda nga kami nina Dennis. E, alam naman n’yo naman na malapit sa puso ko ang music.

"Alam naman natin na kapag music ay kumukonekta agad sa mga tao. Kahit na simpleng eksena kapag idinaan sa music, idinaan sa kanta, ayun ang nae-excite ako kasi in a way nata-touch din kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Glaiza, nakaka-relate din daw siya istorya ng Biritera dahil noong bata pa siya ay pinangarap din niyang maging singer paglaki niya.

"Noong nabasa ko yung script namin for the first week nakaka-relate ako. Kasi nung bata ako yun ang gusto ko, e.

"Kahit na sabihin nung mga tao na, ’E hindi naman siya bumibirit e.’

"Wala yun sa akin. Hindi naman yun importante sa akin kasi kanya-kanya tayo ng way of singing e.

"Hindi naman ibig sabihin na bumibirit ka na e, yun na lang ang palaging magaling.

"Nirerespeto ko yung mga singer na sobrang taas kumanta, tapos sobrang linis.

"Pero I respect also yung mga artist na kahit hindi matataas yung kinakanta nila pero nangungusap yung mga songs nila siguro through lyrics and the way they sing their songs, yun ang para sa akin magical din."

Somehow ba na-frustrate siya na imbes na sa singing ay mas nalinya siya sa pag-arte?

"Noong una medyo kasi high school pa lang ako talagang gusto ko nang magbanda. Pero ngayon ine-enjoy ko naman ang acting.

"Ito ang biyayang ibinigay sa akin kaya dapat pagbutihan ko dahil sa ganitong paraan ako makapagbibigay ng kasiyahan sa mga tao.

"Besides nagagawa ko rin namang kumanta sa Party Pilipinas at sa mga guesting at out-of-town shows, so wala nang dapat ika-frustrate. At ngayon nga dito sa Biritera may chance ulit na makakanta ako."

Ginagampanan nga ni Glaiza si Mikaela, na drummer at vocalist ng bandang The Bridge, kasama si Dennis bilang lead vocalist at lyricist.

"Ang saya, kasi nagda-drums din talaga ako. Ngayon nagda-drum lessons pa ako. Nakakatuwa kasi bagong outlet, bagong role para sa akin.

"Boyish ako dito pero hindi naman tomboy. Parang one of the boys ako. Ang turing ko kay Dennis as Andrei ay kuya.

"So, lahat sila sa banda parang kuya-kuyahan ko na kasi ako lang ang girl. Pero deep inside si Mikaela may pagtingin talaga kay Andrei."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DENNIS IS JUST A FRIEND. Isa si Glaiza sa love interest ni Dennis sa serye kasama si Gwen Zamora.

May image si Dennis na madaling ma-in love o ma-fall sa kanyang leading lady, hindi ba nagwo-worry si Glaiza dito?

"Well, ngayon pa lang talaga kami magpe-pair sa isang show. Pero nakikita ko na masaya siyang katrabaho at masarap siyang kaeksena.

"Ever since na nagkatrabaho kami sa Astig at sa Gagambino, kapag umaarte na siya hindi mo na siya makikita as Dennis. Makikita mo siya bilang aktor.

"Siguro focus na lang ako sa trabaho ko para huwag ma-sidetrack. Kasi siyempre hindi mo rin alam kung ano yung pwedeng mangyari.

"Basta gawin mo lang ang trabaho mo. Ang masasabi ko lang magkaibigan lang kami ni Dennis ngayon."

FELIX IS NOT HER BOYFRIEND. Kaya ba imposibleng maging sila ni Dennis dahil sa balitang nagkabalikan na raw sila ng nabalitang boyfriend niya noon na si Felix Roco?

"Hindi totoo yung nagkabalikan pero totoo na nagkikita ulit kami. Yun lang. Parang may incident lang na nagkita kami ulit."

Pero paglilinaw nga ni Glaiza hindi naman daw sila naging magkarelasyon ni Felix.

"Wala naman nangyaring hiwalayan o cool off kasi friends lang talaga kami. Hindi kami naging official na boyfriend-girlfriend."

Ngayon ba nililigawan na ba siya ulit ni Felix?

"Chill lang. Easy lang tayo."

Pero may pag-asa ba na maging sila na ngayon?

"I have yet to see. I have yet to know.

"Mahirap kasing mag-jump into conclusion. Mahirap kasing madaliin ang mga bagay.

"Kasi pag sinabi kong pwede siyempre may underlying context na yun na mag-e-expect na pwedeng may mangyari.

"Pero ngayong hindi ko muna iniisip. Basta ngayon nasa Biritera ako at nagtatrabaho ako.

"Ayokong maapektuhan ng anumang personal decisions ko ang trabaho ko kasi pinaghihirapan ko ito."

ADMIRING ROSEANNE AND THE CAST. Natutuwa si Glaiza sa batang artista na si Roseanne dahil kahit baguhan daw ito ay talaga namang may ibubuga sa pagkanta at pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakatuwa si Roseanne kasi sobrang raw niya e. It’s something to look forward to na bata yung kumakanta."

Kumusta naman katrabaho si Angelika dela Cruz?

"Hindi pa kami nagkakaeksena pero I’m looking forward to acting with her kasi nakikita ko talaga na isa rin siyang intense na aktres. Yun ang mga gusto kong katrabaho."

Gumaganap naman bilang kontrabida nila ang isa sa best friends niya in real life na si Rich Asuncion.

"Nakakatuwa kasi aawayin niya ako dito. Aawayin din niya si Ate Angelika. Basta marami siyang aawayin."

Paano nila iha-handle yung mga awayang eksena nila?

"Basta enjoy lang. Pareho naman kaming professional.

"Minsan kasi mas nagiging effective yung isang eksena pag kilala mo talaga yung kaeksena mo, yung kabatuhan mo ng linya.

"Para at least napag-uusapan n’yo na yung mga sabunutan, sampalan. Kumbaga walang personalan, trabaho lang."

NOT TRANSFERRING TO ANOTHER NETWORK. Usung-uso ngayon ang lipatan ng networks, kaya natanong na rin ng PEP si Glaiza kung ano ang masasabi niya rito.

May ilang artista kasi na katulad niya na dating galing sa ABS-CBN pero lumipat ng GMA pagkatapos ngayon ay nagbabalik-Kapamilya na.

Siya ba hindi niya naiisip na bumalik din ng ABS-CBN?

"Wala sa isip ko iyan ngayon kasi happy naman ako sa ibinibigay na projects sa akin ng GMA. Never naman nila akong pinabayaan e.

"Nirerespeto ko yung decisions ng ibang artista sa paglipat nila.

"Pero siyempre sa ngayon, kuntento ako sa GMA e. Sila yung nagbigay sa akin ng malalaking break, naging bida na ako.

"Malaki yung pasasalamat ko sa GMA, malaki ang utang na loob ko sa kanila kasi kung hindi dahil sa kanila hindi ako magkakaroon ng trabahong magaganda.

"Hindi ako magkakaroon ng roles katulad ng ganito sa Biritera.

"Hindi ako makakabili ng bahay. Yung mga ganun, so thankful ako sa kanila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN