Angelika dela Cruz on her plan to enter politics: "Oo, gusto ko...para kay Edward. Kasi before, ako yung dapat tatakbo kaya lang gusto niya so nag-give way ako."

For a change, Angelika dela Cruz will not play a villainess in GMA-7’s upcoming soap, Biritera.

"Oo, nahirapan nga ako e. Sabi ko kay Direk Maryo [delos Reyes], ’Ikaw Direk, ginawa mo pa akong mabait, imbes tuloy na hindi ako aarte, mag-e-effort pa akong umarte.’ Tawa siya nang tawa," Angelika says.


Nakausap ng PEP.ph si Angelika dela Cruz kagabi, January 27 sa presscon ng Biritera sa Studio 7 ng GMA TV Complex.

Ang una naming kinumusta kay Angelika ay ang pagte-taping nila ni Claudine Barretto na may guest role sa upcoming series ng GMA.

"Okay, kaya lang ano bitin! Kasi two days lang kami nag-taping together, tapos sandali lang."

Ang huli raw nilang pinagsamahan na regular soap ay sa ABS-CBN pa, ang Ikaw Ang Lahat Sa Akin.


"Oo matagal na, ako si Claudine, si John Lloyd [Cruz], si Bea [Alonzo], matagal na, pati pala si Diether [Ocampo]."

Hindi nila unang pagtatagpo sa GMA ang taping para sa Biritera.

"Nag-guest naman ako sa show niya e, yung Claudine tsaka nagki-keep in touch naman kami sa phone so parang ganun pa rin. Nagtsitsikahan kami sa phone e."

Wala ba silang napag-usapan na problema ni Claudine?

"Wala, hindi ako nangingialam. Ang hirap yung ganun e."

Mabait ang role ni Angelika sa Biritera.

"Oo, nahirapan nga ako e. Sabi ko kay Direk Maryo [delos Reyes], ’Ikaw Direk, ginawa mo pa akong mabait, imbes tuloy na hindi ako aarte, mag-e-effort pa akong umarte.’

"Tawa siya nang tawa," ang kuwento ng aktres.

Futbulilits ang huli niyang show sa GMA at salbahe siya roon.

"Oo kaya lang kasi comedy yun e, hindi siya serious na salbahe. "Yung Dwarfina, iyon serious ako dun.

"Before Dwarfina, Pilyang Kerubin, tsaka yung Kaya Kong Abutin ang Langit, yung dalawang yun mabait rin ako, ’tapos yung dalawang sumunod, hindi mabait. Ngayon, mabait na naman."

Ano ang mas gusto niya?

"Gusto ko pasalit-salit para lang maiba... Kasi anything different sa previous mong ginawa, challenge, di ba?"

Saan siya mas nahihirapan?

"Actually, ang mahirap lang dito naka-body makeup ako; pinaitim ako.

"So iyon lang ang ayokong part kasi siyempre di ba, ang hirap ng taping."

Ayaw ni Angelika na ma-typecast sa contravida roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero gusto kong mag-contravida roles kasi nakaka-challenge din. Tsaka masarap ding paglaruan, e.

"Basta maganda yung role, masarap siyang laruin e, pero siyempre maganda rin yung paiba-iba.

"Parang yung ginagawa ko paiba-iba, okay na yun."

May role pa ba siyang gustong gawin na hindi pa niya nagagawa?

"Basta anything na iba lang dun sa previous, okay na sa akin."

Nagkuwento naman si Angelika tungkol sa bonding nila nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal sa kasal nina Jolina at Mark Escueta.

"Abay kami ni Juday. Tawa kami nang tawa habang lumulubog ang heels namin ni Juday sa damuhan.

"At takbo kami nang takbo.

"Picture ako nang picture. Kuha ako nang kuha ng picture kay Jolens tsaka sa aming dalawa ni Juday.

"Ang dami naming pictures dalawa."

May mga tips ba siyang binigay kay Jolens at mas nauna siyang nag-asawa?

"Madami pero hindi ko sasabihin," sabay-tawa ni Angelika.

"Priority siyempre family, ako kasi ganun ako, e.

"Lagi nila akong tinatanong bakit hindi ako nagmu-movies, bakit konti lang ginagawa ko.

"Kasi gusto ko talaga twice to three times a week lang ako nagtatrabaho, e. Sagad na yung three times a week."

Hindi pa raw masusundan ang baby nila ng mister niyang si Orion Casareo.

"Kaka-renew ko lang kasi [ng contract] e, nitong January lang. Two years."

Hindi naman raw naka-stipulate sa contact niya na bawal siyang magbuntis.

"Hindi naman, kaya lang kasi nung nabuntis ako hindi ko natapos yung kontrata ko. Nakakahiya, uulitin ko na naman?

"Baka hindi nila ako i-renew," sabay-tawa ni Angelika.

"Kasi yung last contract ko di ba kakalipat ko lang pagkatapos ng isang show nabuntis ako agad. Hindi ko natapos yung kontrata.

"Ang ginawa na lang nila sa akin dalawang shows yung magkasabay na ginagawa ko nung buntis ako tapos naka-adjust lahat, pati oras."

Magti-three years na sa March ang anak nilang si Gabby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mag-i-school na nga siya sa pasukan, Junior Nursery.

"Ganun na daw ngayon."

POLITICS. May balitang tatakbo siya sa eleksyon next year bilang konsehala ng Malabon.

"Tingnan natin. Kung ako gusto ko, ako gusto ko talaga. Pero tingnan muna natin."

Ano ang pinagbabasehan niya kung itutuloy niya o hindi?

"Hindi ko pa kasi puwedeng sabihin, e. Pag official na."

Tatakbo siya bilang councilor, if ever.

"Oo, kung ano yung dapat kay Edward."

Kakapanalo pa lang ng kapatid niyang si Edward dela Cruz sa Malabon nang naaksidente ito at namatay noong June 2010.

May pangarap rin ba si Angelika na maging opisyal na mas mataas sa pagiging konsehala?

"Siguro. Depende pag halimbawa natuloy na tumakbo ako tapos manalo ako, kung maging maganda yung performance ko, bakit hindi?

"Pero kung hindi, hindi siyempre. Depende."

Gusto niya talaga na pasukin ang pulitika?

"Oo, gusto ko tsaka para kay Edward. Kasi before ako yung dapat tatakbo kaya lang gusto niya so nag-give way ako.

"So siya yung tumakbo."

FAMILY LIFE. Mas lalo siyang magiging busy...

"Iyon nga lang e, at least puwede kong dalhin yung anak ko.

"Lagi ko naman siyang kasama, sa taping lagi ko siyang kasama."

Baka mag-artista rin ang anak nila. Papayagan niya?

"Pag gusto niya, oo naman. Kung ano yung gusto niya, support lang."

Anim na taon nang kasal sina Angelika at Orion. Ano ang sekreto?

"Magkaibigan kasi kami e. Best friends kaming dalawa, e.

"Siguro iyon yung pinaka... ewan ko di ba, suwertihan din yung pag-aasawa, di ba?

"Hindi naman yan sa porke successful ka or sabihin mong maganda ka at guwapo ito, hindi naman ganun yun e.

"Dapat talaga magkaibigan kayo kasi at the end of the day you need someone to talk to about everything."

Bago siya pumirma ulit sa GMA in-offer-an ba siya ng TV5?

"Ay hindi ko alam kay Tito Perry [Lansigan, her manager], hindi ako nagtatanong, e. Basta ako, siya ang pinagdedesisyon ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako nagtatanong, e. At alam naman niya na ang priority ko is Channel 7."

Dahil...

"Siyempre, kasi nung namatay kasi si Edward iyon yung time na nahirapan ako and ang GMA talaga sobrang nakasuporta sila sa akin.

"Hindi sila nagpabaya. Kahit nung buntis ako hindi nila ako pinabayaan.

"Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanila."

Mapapanood sa Biritera airing this coming February 6 sa GMA Telebabad sina Dennis Trillo bilang Andrei, Glaiza de Castro bilang Mikaela, Angelika dela Cruz bilang Remy, Ryan Eigenmann bilang Mr. D, Rich Asuncion bilang Jo, Yul Servo as Jerome, Gwen Zamora bilang Iris, Ces Quesada bilang Simang, Neil Sese bilang Eric at ipinakikila ang bagong child sensation na si Roseanna Magan bilang si Roseanne.

Kasama sa serye ang mga child stars na sina Sweet Ramos bilang Barbie, Barbara Miguel bilang Darling, Nomer Limatog bilang Miguelito at Jamaika Olivarez bilang Kleng-Kleng.

Kasama rin sina Kiel Rodriguez bilang Miko, Orlando Sol bilang Egay, Patricia Ysmael as Beverly, Myra Carel as Bevs, Scarlet bilang Mrs. Tamondong, at ang tambalan nina Kim Komatsu as Gwen at Hiro Magalona as Teofi.

May special guest role si Claudine Barretto bilang si Carmela.

Ang Biritera ay sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN