Marvin Agustin spends his birthday with twin sons, Sebastian and Santiago, and the kids he helped at Operation Smile

Marvin Agustin celebrated his 33rd birthday a day early on January 28 by bringing the kids he helped last year at Operation Smile to Enchanted Kingdom. His six-year-old twin sons, Santiago and Sebastian, were there with him.


Ngayong araw na ito, Enero 29, ang ika-33 na kaarawan ng actor-concert producer-businessman na si Marvin Agustin.

Pero sa halip na magarbong party, mas pinili niyang mag-birthday kasama ng mga bata, na ang ilan ay may harelip na kanyang natulungan nuong isang taon sa pamamagitan ng Operation Smile.

Operation Smile is an international children’s medical charity that provides free surgeries for children born with cleft lip, cleft palate and other facial deformities.

Ginanap ang birthday party-charity event ni Marvin kahapon, Enero 28, sa Enchanted Kingdom kung saan itrineat niya ang mga bata sa rides, games, mascot shows, gift-giving at siyempre sa kainan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marvin at tinanong kung bakit napili niya ang ganitong selebrasyon kasama ang mga batang nagka-harelip?

"Maiba naman than my usual birthday celebration.

"Parang mas meaningful ito ngayon and at the same time, these are the kids na hindi ko pa nakikita dahil last year when I helped them, sobrang busy ako and they have to recover.

"Noong December I thought it would be perfect to celebrate my birthday with them," sabi ni Marvin.

Ayon pa sa kanya, hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa niya ito.

"May mga nagawa na naman akong ganitong event dati pero iba ito kasi mas close to my heart.

"Kasi sila iyong inilapit sa akin last year. Yung pagngiti ay napakadali para sa atin, pero sa kanila, kung hindi maaagapan, yun ang magiging insecurity nila hanggang sa paglaki nila."

Paano naging malapit sa puso niya ang mga batang ito?

"Nung nag-search ako sa Internet noon parang may nag-pop up lang na image ng isang bata na parang ipinaparating ng note o nung ad na for some people it’s natural to smile pero sa ibang bata hindi.

"Sabi ko, oo nga, parang yung magandang smile naipagkakait sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, napakasarap ngumiti, di ba? Sila yung mga bata na parang lumalaking may insecurities sa buhay.

"They don’t want to face people. They don’t want to talk.

"Ayaw nilang iparamdam yung nararamdaman talaga nila kasi nahihiya sila.

"Sabi ko, sa ganung bagay, kaya namang mapagawa so ayun, nag-hook up ako sa Operation Smile sa Philippines."

SPECIAL BONDING WITH HIS TWINS. Mas naging espesyal at makahulugan para kay Marvin ang event na ito dahil sa pagsama at pagsali rin ng kanyang six-year-old twins na sina Santiago at Sebastian.

Sinadya niya ba ito para maagang mamulat ang mga anak niya sa worthy causes?

"Yes, kasi ako, di ba, galing talaga ako sa hirap, e.

"Lagi ko lang ipinagpapasalamat where I am right now. But for them nagiging madali lang ang mga bagay-bagay.

"And I want to tell them na hindi ganun kadali ang buhay at marami rin ang naghihirap. So, lagi ko silang kinakausap."

Napakabibo at napaka-cute nga nina Santiago at Sebastian dahil talagang nakikisali sila sa mga game.

Pati nga sa interview with the press ni Marvin ay sumisingit at nagpapakitang-gilas ang dalawa.

Nang tanungin nga niya ang kambal kung nagugustuhan ba nila ang party, agad namang sumagot ang mga ito na nag-e-enjoy daw sila.

Sa batang edad ng kambal, ano na ang mga bagay na maipagmamalaki ni Marvin sa kanila?

"The kids are very charming in school. They’re in first grade already e.

"So, kanina nasa fair naman ako sa school nila. So, buong araw mga fun games kami.

"Natutuwa naman ako na nagkaroon kami ng special bonding na ganito. Enjoy na enjoy sila."

Saan sila nag-aaral?

"Sa Everest International Catholic School sa Fort Bonifacio. The reason why I like that school kasi it’s the first and only international Catholic school in the country."

Hindi maiwasan na ang mga bata ay mayroon nang kakulitan at medyo may konting kalokohan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi konti, maloko sila, malolokong mga bata" biro ni Marvin.

"Siyempre mga bata naman iyan, e, kaya you would understand. That’s why I’m here pati ang mother nila to guide them at ituro sa kanila ang tama."

Ano na yung mga "kalokohan" pero nakakatuwang nagawa na ng kambal?

"Ang dami e. Pero siguro kasi napaka-expressive nila, yung paggamit nila ng words sobrang galing especially when they’re explaining something like kanina nagpu-fall in line sila sa school fair.

"Yung mom nila nandun. Sabi nila, ’Mom, I’m not supposed to be here.’ Sabi naman ng mom nila, ’No, that guy said you’re supposed to be there.’

"Sumagot ulit, ’No, it’s God’s rule. He can fool people.’

"Me mga ganun-ganun pa sila kanina. Tawa lang kami nang tawa. Pero kahit ganun mababait na mga bata sila."

Kapansin-pansin ang pagiging English-speaking ng kambal. Hindi ba nagwo-worry si Marvin na mahirapan sa pakikipag-communicate ang mga ito sa ibang bata?

"Ako nagwo-worry kasi hindi nila ako maintindihan minsan. Pero tinuturuan na namin na mag-Tagalog.

"Minsan pag nagsasalita ako ay Tagalog na talaga."

SANTIAGO AND SEBASTIAN. Kahit na kambal sina Santiago at Sebastian, natural lang naman na may pagkakaiba pa rin ang dalawa lalo na sa ugali at personality.

Dahil nandun naman ang kambal, si Marvin na ang nagtanong sa kanila. Una niyang tinanong si Sebastian "How are you different from Santiago?"

"Santiago has a mole at the back of the neck," sagot ni Sebastian.

"Who’s better in golf?" tanong ni Marvin.

"Santiago. I’m better in soccer," sabi pa ni Sebastian.

Ayon kay Marvin, kahit bata pa ang kambal ay mahilig na sa sports ang mga ito.

"Santiago trains in golf already. He started playing golf when they were three."

Bukod sa sports, ano naman ang kaibahan ng mga kambal pagdating sa personality?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Sebastian uma-artist. Si Santiago naman ang bumi-businessman."

Ayon kay Marvin, parang nahati raw yung traits niya ng pagiging artista at businessman sa dalawang anak.

"Si Sebastian ang discipline alam niya. Sa umaga mauuna pa siya, yung pagligo ganyan.

"Si Santiago pipilitin mo pa. Pero si Santiago yung mas matanda ng one minute," natatawang lahad ni Marvin.

Nakigulo na rin sa interview si Santiago kaya tinanong siya ng PEP kung kailan ang birthday niya?

"August 15. We have the same birthday," ani Santiago.

What do you like doing?

Sagot ni Santiago, "I like staying at home and watching TV. I also read books. I borrowed a book in the library."

What book?

"Rock climbing."

Dahil mahilig nga si Santiago sa golf, tinanong namin siya kung gusto niya ba ang international golf champion na si Tiger Woods?

"Yes," sagot lang ni Santiago.

Dito na nga nag-request si Marvin na ipakita ni Santiago sa mga press ang kanyang best swing.

Gamit ang isang kutsara bilang props ay malugod namang sumunod ang anak at ipinakita ang kanyang best form at best swing sa golf.

BIRTHDAY WISH. During the program, nang i-blow na ni Marvin ang candles sa birthday cake ng kanyang ama, tinanong siya kung ano ang birthday wish niya.

"My wish is your command," biro niya. "I wish for happiness lang for everyone, my family, my kids and friends, and of course sa Operation Smile kids."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN