Kylie Padilla gets surprise birthday party from dad Robin Padilla

Dalawang special gifts daw ang natanggap ni Kylie Padilla noong kanyang kaarawan. Isa na kaya rito ay ang regalo sa kanya ni Aljur?

"Hindi ko na sasabihin kung kanino [galing], basta yung isa relo. Basta, secret," ang sabi ni Kylie. Sinabi naman ni Aljur na naibigay na niya ang regalo niya sa dalaga pero tumanggi itong sabihin kung ano yun.


Kylie Padilla turned nineteen last Wednesday, January 25.

Pero Sabado pa lang, isang surprise birthday party ang inihanda ni Robin Padilla para sa kanyang anak na dalaga.

"Sinabay sa despedida ng mga kapatid ko since they’re going back to Australia soon, and yun sinabay na lang para bonggang-bongga yung party.

"Wala po si mama, si Tita Mariel [Rodriguez], nandun siya," kuwento ni Kylie sa taped interview sa kanya na ipinalabas sa Startalk TX, January 28.

Dumating sa party ang leading man ni Kylie sa bago niyang series sa GMA-7 na The Good Daughter na si Rocco Nacino.

"Siyempre bilang suporta rin sa kanya, siyempre we wanna show our support sa co-star namin, sa leading lady namin.

"Pinakilala po nila si Tito Binoe [Robin] sa akin, naging maganda ang usapan namin.

"Tsaka kasi parehas po kami ng trainer sa pagbuhat [gym], so iyon nga, at least meron akong icebreaker agad at naging maganda yung usapan namin," pahayag ni Rocco.

Marami naman ang naiintriga sa hindi pagdalo ng rumored boyfriend ni Kylie na si Aljur Abrenica.

Pero ayon sa pahayag naman ni Aljur...

"Galing ako sa Iloilo, late na ako nakauwi. At hindi ko pa napag-aaralan yung ibang mga ano sa Party P [Pilipinas] so nagpaalam ako kay Kylie na hindi ako makakarating."

Dalawang special gifts daw ang natanggap ni Kylie noong kanyang kaarawan.

Isa na kaya rito ay ang regalo sa kanya ni Aljur?

"Hindi ko na sasabihin kung kanino [galing], basta yung isa relo. Basta, secret," ang sabi ni Kylie.

Sinabi naman ni Aljur na naibigay na niya ang regalo niya kay Kylie pero tumanggi itong sabihin kung ano yun.

"Sa akin na lang yun."

Samantala, tila may nagbago na raw sa dating espesyal na pagtitinginan nina Aljur at Kylie.

"Hindi naman, hindi naman, baka mali lang yung nakikita nila," paglilinaw ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Kylie...

"No, we just ano, inuna namin yung career. Nawala [ang] time?

"We’re working hard.

"Ano lang, nag-isip din ako since I’m getting older tapos merong The Good Daughter, siya din kailangang mag-focus sa movie niya, so iyon na yun."

Masasabi ba ni Kylie na isa na siyang mabait na anak ngayon?

Tumatawang sinagot ito ni Kylie na...

"I don’t know, ask my dad!

"Alam naman niya na kaya kong magdesisyon tsaka may tiwala naman siya sa akin, otherwise hindi siya ganyan, yung relaxed lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN