Prince Stefan continues to deny reports he got married to another man in New York City; says he’s vacationing with close relatives

Denying reports of his alleged gay marriage in New York City, Prince Stefan sent this tweet to Startalk TX aired on January 28:

"My marriage in New York City? So funny! Tsismis talaga. Ang bata ko pa para magpakasal. Halatang imbento lang. Baka bonding with my family ang dapat na article sa akin."


Ayon sa report ng Startalk TX, Sabado, January 28, umalis ng bansa ang young actor na si Prince Stefan nuong August 2011.

Ngunit bago pa man lumipad patungong New York, lumutang na ang tsismis na plano nitong magpakasal sa kapwa lalaki sa Amerika.

The young actor categorically denied the report.

Pinabulaanan din nito ang hindi mamatay-matay na tsismis hinggil sa kanyang sekswalidad.

Kamakailan, ilang blind items ang lumabas online at maging sa mga pahayagan tungkol sa produkto ng isang reality-talent search na diumano’y nagpakasal sa kanyang rich gay partner sa U.S.

Bagama’t hindi pinangalanan, nasentro ang usap-usapan kay Prince.

Ilang kaibigan ang nagparating sa kanya ng kumakalat na tsismis tungkol sa sinasabing gay marriage.

Ngunit sa micro-blogging site na Twitter, nilinaw ng batang aktor na close relatives ang kasama niya ngayon sa Amerika.

Nagpadala pa nga ito ng mga ekslusibong mga larawan sa Startalk TX kasama ang kanyang mga kamag-anak na binisita niya sa New York.

Kahapon ay bumalik na ng San Francisco, California ang young actor.

Sa pangungulit naman ng Startalk TX, deretsahang sinagot ni Prince ang maugong na tsismis tungkol sa diumano’y pagpapakasal niya.

Prince tweeted...

"My marriage in New York City? So funny! Tsismis talaga.

"Ang bata ko pa para magpakasal. Halatang imbento lang. Baka bonding with my family ang dapat na article sa akin."

Idinagdag pa nitong alam niya ang totoo kaya’t hindi na niya papatulan pa ang nasabing tsismis.

Isa ang Biritera cast member na si Rich Asuncion na madalas kausap ni Prince sa telepono.

"Nagulat na lang ako nang lumabas yun! Nag-open siya sa akin about sa mga... may mga problems siya, personal problems.

"Mabilis kasi ma-depress yun, e. Mga ganung problema lang.

"Not about sexuality.

"Kahit sino pa siya, kaibigan ko siya, kahit anupaman, tanggap ko pa rin siya kasi kaibigan ko siya," ayon sa pahayag ni Rich.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sa isa namang tweet ni Prince sa kanyang kaibigan at fellow StarStruck graduate na si Kris Bernal, sinabi nitong uuwi siya sa Pilipinas sa darating na Marso.

Sa gitna ng pinagdadaanang intriga ng aktor, mas minabuti nitong manahimik na lamang at huwag nang magpaunlak ng panayam.

Tiwala rin siyang malalampasan ang anumang pagsubok na dumarating sa kanya ngayon.

In a tweet posted earlier this week, Prince said...

"No matter what kind of hurt and evil you have to endure in this life, God can bring good out of any situation."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN