PART 2 JC de Vera on meeting Michael de Mesa, the original Valiente: "Na-star-struck ako sa kanya."

Good move ba para kay JC de Vera ang paglipat ng home studio?

"Well for me nasagot naman yung gusto ko talaga, which is yung career growth, na gusto kong ma-explore pa. Marami pa akong gustong matutunan and binigay naman yun ng TV5 sa akin," he says. "Nakapag-action ako, nakasali ako sa isang gag show, nakapag-host ako, so lahat-lahat yung mga ginawa ko for two years, lahat bago sa akin."


Pangatlong beses nang katrabaho ni JC de Vera ang mahusay na direktor na si Joel Lamangan ngayon sa remake ng Valiente sa TV5.

Una raw ay sa Pasan Ko Ang Daigdig, at sumunod ang Babangon Ako’t Dudurugin Kita noong mga panahong nasa GMA-7 pa si JC.

Nasigawan na ba siya ni Direk Joel sa Valiente taping?

"Ganyan yung si direk e... ’Nasaan si JC?!! Nasaan si JC?!!’

"Kakalabitin ko siya, nasa likod niya ako, ’Direk, andito lang po ako sa likod ninyo.’

"Tapos sasabihin niya, ’Ah nandiyan ka pala!’

"Ganun lang," sabay tawang pagkukuwento ni JC.

Sa Valiente, na ipapalabas na sa Kapatid network sa February 13, gagampanan ni JC ang ginampanan ni Michael de Mesa twenty years ago sa unang Valiente series.

First time nag-meet si JC at Michael...

"Na-star struck ako sa kanya, e. Oo!" ang pahayag ni JC.

"Kasi hindi ko naman siya naka-work pa, first time ngayon, pero alam ko na magaling siyang artista at direktor, kaya na-excite ako talaga, lalo na nung first day namin na magka-eksena."

Ano ang unang sinabi niya kay Michael?

"Nagpakilala ako, in-introduce ko ang sarili ko."

Kuwento naman ni JC tungkol sa bagong Valiente series na pagbibidahan nila nina Oyo Sotto, Niña Jose at Nadine Samonte...

"New generation na kaya iba ang magiging treatment nila sa bawat character.

"Tapos, although siyempre si Tito Mike [Michael] naman, nagbibigay siya ng konting... yung nakikiusap na, ’Oh, puwede bang ganito ang gawin mo pag take na?’

"Mga suggestions, siyempre makakatulong sa kanya, magbe-benefit din ako.

"Kasi siyempre pag ginawa ko yun, gagalingan niya, e, di sasabit or madadala ako sa galing niya, parang ganun, di ba?

"So okay din yung ganun, na nagre-request siya ng mga ganung bagay pagdating sa acting."

Wala raw pressure kay JC na ang katrabaho niya ang mahusay na aktor si Michael de Mesa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman kasi hindi sila mabigat katrabaho, sa totoo lang.

"At lalo ka pang gaganahan kapag sila, kasi very humble na mga tao tapos hindi sila yung tipong nagpapa-star, yung klaseng ganun.

"Since actors tayong lahat, pantay-patay tayo, magtutulungan tayo.

"Kaya ito yung kinaganda ng cast, kasi from the director... from Direk Joel pababa, lahat very professional.

"Kaya maganda yung team effort ng lahat."

Karamihan sa mga eksena ay kinunan sa hacienda ng mga Leviste sa Lipa, Batangas. Maraming eksena si JC na nakahubad, unlike Oyo na laging naka-polo.

"Hindi, kasi [yung character ko] laki sa Pilipinas so kulang yung damit ko, e, [yung role ni Oyo] galing ng U.S.," ang sabi ni Jac sabay tawa.

"At kasi mainit lagi ngayon dito, e, malamig sa U.S."

Mahirap ang role ni JC bilang Gardo na isang trabahador; mayaman naman si Oyo bilang si Theo.

Mabait ba ang role si JC sa show at salbahe si Oyo?

"Hindi, mabait rin naman si Theo kaya lang yun nga may mga twists na mangyayari tsaka siyempre yung mommy niya [portrayed by] Miss Jaclyn [Jose], siya rin yung medyo... hindi maganda ang ugali."

HAPPY BEING KAPATID. Nasa TV5 na rin si Direk Mac Alejandre na tulad ni JC ay galing sa GMA.

"Okay naman! Sa kanya ako lumaki e."

Si Direk Mac ang nagdirek ng youth-oriented show noon ni JC sa GMA, ang Click.

"For two years si Direk Mac lang ang kaisa-isahang director ko, hindi ako napunta sa iba.

"Tapos nawala yung Click, nagkaroon ng Joyride, nawala yung Joyride, napunta ako sa dalawang episodes ng Now & Forever.

"Dalawang seasons yun, puro Direk Mac ako nun. Kaya iyon, baby ako nun."

Two years na si JC sa Kapatid network.

Ano na ang mga naganap na pagbabago sa buhay niya? Mayaman na ba siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi," sabay tawa ng aktor. Ano pa ba’ng bago? Wala, parang nasa GMA pa rin ako.

"Yung mga boss namin, mga galing din GMA. Si Direk Joel galing GMA, si Nadine, kapartner ko, galing GMA din.

"Different lang siguro, yung treatment sa amin, yun yung nag-iba.

"Tsaka siyempre yung posisyon namin sa station, since nauna kami, naging pioneer kami ng station, iyon lang siguro.

"Plus yung development nung mga shows, mas okay ngayon kasi every show na ginagawa [ko], bago siya para sa akin.

"Hindi katulad nung dati na siyempre drama, drama, drama, yung ganun.

"So eto tsina-challenge ka niya every show, sisiguraduhin nilang may something new ka na magagawa for yourself, for your career, di ba?"

Sa tingin ba niya, good move ang ginawa niyang paglipat ng home studio?

"Well for me nasagot naman yung gusto ko talaga, which is yung career growth, na gusto kong ma-explore pa.

"Marami pa akong gustong matutunan and binigay naman yun ng TV5 sa akin.

"Nakapag-action ako, nakasali ako sa isang gag show, nakapag-host ako, so lahat-lahat yung mga ginawa ko for two years, lahat bago sa akin.

"So feeling ko para akong nagsisimula ulit sa industry, back to basics ako, feeling ko baguhan ulit ako kaya maganda.

"Nasagot nila yung tanong ko, so para sa akin, okay yung paglipat ko. Sa mata ng ibang tao siguro hindi, pero ako okay naman ako.

"Masaya naman ako sa nangyayari ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN