TJ Trinidad finally speaks up on secret wedding to Marga Valdes

TJ Trinidad on why he kept his wedding to Marga Valdes a secret: "Marga and I are very private individuals, so with such an occasion like that, we just wanted to keep it intimate and share it with select friends and family. ’Tsaka I also believe that, you know, actors are more effective and convincing the less people know about their private lives."


Halos isang taon na ang nakararaan nang tanungin ang Kapuso leading man na si TJ Trinidad tungkol sa engagement niya sa kanyang girlfriend of five years na si Margarita "Marga" Valdes.

Ngunit iwas ito sa pagsasalita rito.

Kaya’t marami ang nagulat sa balitang ikinasal na pala ang aktor kay Marga sa isang simple at pribadong seremonya sa Tagaytay residence ng mga Valdes noong December 28, 2011.

Kilalang malihim si TJ, ngunit live na nagpa-interview ang aktor sa Showbiz Central kahapon, January 29.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay inilahad ng aktor ang tungkol sa istorya ng kanilang pagmamahalan ni Marga, at kung bakit sa wakas ay handa na siyang mabuhay sa piling ng babaeng nakapagpabago sa kanyang buhay.

KEEPING IT A SECRET. Unang tinanong ng Showbiz Central host na si Raymond Gutierrez kay TJ ay kung bakit isinekreto nila ang kasal?

Paliwanag ng aktor, "Marga and I are very private individuals, so with such an occasion like that, we just wanted to keep it intimate and share it with select friends and family.

"’Tsaka I also believe that, you know, actors are more effective and convincing the less people know about their private lives.

"And I wanna thank my fans also for supporting me all through the years, for understanding and knowing all these."

Sino sa mga taga-showbiz ang nandun sa kanilang kasal, since pili lang talaga ang imbitado at nasa guest list?

"Well, the Gutierrez clan, but you guys were in the States.

"I invited Ogie [Alcasid] and Regine [Velasquez], but of course hindi rin sila nakarating because kakapanganak lang ni Regine.

"And yun lang, yun lang."

Ang manager ni TJ ay si Annabelle Rama, na ina ni Raymond.

Nakasama naman ni TJ si Regine sa dating primetime series ng GMA-7 na Diva.

WHO IS MARGA VALDES? Nagbigay rin ng ilang impormasyon si TJ tungkol sa kanyang misis na si Marga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, she’s a classic mix of beauty, brains, breeding, and she has a great sense of humor.

"She makes me laugh, she’s smart, she’s supportive, you know.

"And the bottomline—she makes me happy.

"Apart from graduating sa AUP [American University in Paris], she went to London School of Economics and earned her Master’s Degree there in Gender Studies and Economics.

"And she moved back home nung 2007 to help with the marketing, sales and PR side of the business of her sister," saad ni TJ.

Kapatid ni Marga ang sikat na bag designer na si Bea Valdes.

THE WEDDING. Kumusta ang naganap na kasal nila sa Tagaytay?

"Super nice!" sambit ni TJ.

"We didn’t have a coordinator.

"It was Marga, her sister, and her mom, single-handedly pulled off everything.

"Very good taste, without a doubt."

What was his vow?

"Well, of course, you know, I mean the promise is just to be true and love her forever.

"But the whole exchange of vows was done a few days before. We had a very personal conversation about it."

Ngayong kasal na sila, ano ang kanilang mga plano, gaya ng pagkakaroon ng anak?

"I have eight pamangkins—six boys and two girls—and ako yung playmate nila, e.

"So, yung prospect of being a father is very exciting for me.

"So, we’ll see what 2012 has in store."

May pagkakataon ba na nagkaroon siya ng doubt tungkol sa pagpapakasal, na isa ring masasabing sakripisyo sa kanyang career?

Inisip ba niya na maaapektuhan ang kanyang pagiging artista?

"I don’t think so," sagot ni TJ.

"I honestly believe that the viewers are intelligent, they don’t need gimmicks.

"And I never relied on gimmicks to promote myself or my work.

"I mean everything, sa lahat ng mga ginawa ko dati, whether or not they say ma-link ka sa isang artista or not, it’s never been an issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I don’t think it’s gonna be an issue.

"My plans for 2012," patuloy niya, "well, I would really like to do more films.

"I would like to work specifically with Maricel Soriano, if I can.

"And of course, I wanna... Oh, The Road [2011] was picked up, may distributor sa States na kumuha sa The Road.

"So, it will be shown to a hundred theaters in US and Canada.

"In the end, I’m looking forward to work with the future shows of GMA.

"And I wanna do more community-based work, projects in line with what I’m passionate with—sports, the environment.

"So, iyon ang gusto kong gawin sa 2012."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN