Isabel Oli mum on real reason for breakup with Gab Valenciano; insists no third party involved on her part

Isabel Oli on lesson learned after her breakup with Gab Valenciano: "Siguro never expect. In every relationship, you know, we hope for the best, but never expect. Kasi nagli-lead lang ’yan to frustrations, e. And in my past relationships, na-prove ko na naka-move on ako and I became stronger. Siguro kailangan lang pagdaanan ko ngayon para maging mas strong ako. And I know in God’s time, may para sa akin din talaga, may ibibigay si God para sa


Live na nag-guest si Isabel Oli sa Showbiz Central kahapon, January 29, at isa-isa niyang sinagot ang mga isyu tungkol sa kanya.

Una na rito ang tungkol sa pagtatapos ng relasyon nila ni Gab Valenciano.

(CLICK HERE to read related story.)

Dahil wala umanong third party sa breakup nila, tinanong si Isabel ng Showbiz Central host na si Raymond Gutierrez kung ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

"As much as gusto ko talagang sabihin, i-explain, what is private for me should be private talaga.

"And kahit kinu-consider kaming public individuals, sa amin na lang siguro talaga yun," sagot ni Isabel.

Sa isang artikulo ay sinabi ng ina ni Gab, ang talent manager na si Angeli Pangilinan-Valenciano, na isa sa mga rason ay ang kagustuhan ni Gab mag-aral abroad.

Kinumpirma naman ito ni Isabel.

"Isa yun sa mga reasons na binigay ni Gab sa akin, yes.

"I’m not sure kung kailan siya aalis," sabi niya.

COLEEN GARCIA. Uminit lalo ang isyu tungkol sa breakup nina Isabel at Gab nang lumabas ang pictures ni Gab kasama ang young actress na si Coleen Garcia habang nananood ng PBA game.

Ano ang masasabi ni Isabel dito?

Dati na bang kaibigan ni Gab si Coleen, o ngayon lang narinig ni Isabel ang pangalan ni Coleen?

"Si Coleen, I think friend na niya talaga before.

"And since wala na rin kami ni Gab, I really don’t wanna comment about it talaga.

"And kung anuman ang gusto niyang gawin sa buhay niya, sa kanya na yun, wala na ako dun."

Nung sila pa ni Gab, nakakasama ba nila si Coleen o hindi?

"Ah no, no..."

Nag-post din si Gab ng controversial tweets na nasagap ng Showbiz Central staff.

Nung January 27, ang tweet ni Gab: "Nanood lang ng PBA, kayo na agad. Gumimik lang, may relasyon na?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May tweet din si Gab nooong January 28, pero tinanggal na niya ito.

Pero ang nakasaad dito ay: "I Believe it’s time I stand up and speak out. Tired of being accused and bashed for sins that don’t exist. Be ready!"

Sa tingin ba ni Isabel ay siya ang pinariringgan ni Gab?

"No. I don’t think para sa akin yun, and actually nag-agree rin ako sa mga tweets din niya, e.

"Na konting pag kasama mo yung isang guy, kayo na agad, di ba? Parang ganun.

"And ako naman, subject to that intrigues, di ba? Naganyan rin ako before, e, so it’s not really easy for me.

"Ngayon kasi, kaya may sinabi siyang ’speak up,’ parang ’it’s time to stand up.’

"Ngayon kasi... kilala mo ako ’Mond, hindi ako nagsasalita.

"Kahit ano pang ibato ninyo sa akin, hindi ako nagsasalita, pero huwag lang yung pamilya ko.

"Ngayon kasi, ang nasasaktan, ang pamilya ko.

"So, kaya nandito ako ngayon to explain na sila yung nasasaktan, so kailangan kong lumaban," sabi ni Isabel, na sa puntong ito ay basag na ang boses at umiiyak.

NO THIRD PARTY. Ano ang hindi nagustuhan ng pamilya niya na ibinabatong isyu kay Isabel?

"Siguro yung may third party ako. Na iyon ang dahilan kung bakit naghiwalay.

"Hindi iyon yun, e. Hindi iyon yun.

"And sila yung...ayoko talaga silang masaktan.

"Ang dami naming pinagdadaanan ngayon, sobra-sobra na."

Paano niya ipagtatanggol ang sarili niya sa akusasyong may third party sa parte niya?

"Ang sa akin lang, hindi ako ganyang klase ng tao, hindi ako ganyan.

"And only God knows kung iyon talaga yung totoo, kung ano yung nangyari.

"Hayaan ko na lang sila kung ano’ng sasabihin nila sa akin.

"Hayaan ko na, bahala na sila, iyon ang opinyon nila, bahala kayo.

"Pero huwag lang...sa ngayon, ayokong masaktan yung pamilya ko. Iyon lang talaga, period."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HER FAMILY’S REACTION. Nagkaroon ba ng pagkakataon na maging close ang pamilya niya at si Gab?

"Yes, yes, they love Gab. Until now mahal nila si Gab," sabi ng Kapuso actress.

Nabigla ba ang pamilya niya ng naghiwalay sila?

"Yes, sobra, nabigla sila."

Anong payo at anong klaseng suporta ang ibinigay kay Isabel ng pamilya niya?

"My mom kasi yung nakakausap ko. Kasi my dad, di ba, comatose siya?

"Nandiyan siya lagi, paggising na paggising ko, nandiyan na siya sa room ko.

"Hindi ganyan yung mom ko talaga, yung sobrang extra effort siya sa akin.

"My family, my sister-in-law, my sisters, lagi kaming nag-uusap talaga and we really pray."

JAMES YAP. Muling nabubuhay ang tsismis sa kanila ni James Yap. Nag-uusap ba sila ni James lately?

"Yes, nag-uusap kami," pagkumpirma ni Isabel.

Magkasama ba sila sa Cebu para sa Sinulog Festival?

"I was there for Kapuso mall show, he was there for his own event.

"And then, nagkataon na nandun kami sa isang bar, so nag-usap talaga kami.

"Ang tagal na din naming hindi nagkita din kasi," paliwanag niya.

Napag-usapan ba nila ni James ang tungkol sa breakup nila ni Gab? At bilang kaibigan, may advice bang ibinigay sa kanya si James?

"Yes, oo, oo. Nung time na yun, parang sinasabi niya na parang kung puwedeng ayusin, ayusin talaga yung mga ganyang bagay.

"Actually, kung makikita nila kami ni James na lumalabas, hindi namin maa-avoid yun, kasi we’re really friends and he’s one of my closest friends talaga.

"And gusto ko din talagang magpasalamat kay James kasi kahit anong mga ’binabato sa akin, sa amin, na mga issues na hindi naman totoo, friends pa rin kami."

Na hindi naapektuhan ang pagkakaibigan nila kahit lagi silang nali-link?

"Oo, hindi talaga."

Gaano sila kadalas mag-usap?

"Actually ngayon, hindi ganun kadalas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung friendship namin, yung kahit hindi kami nagkikita o lumalabas, nandiyan lang.

"Alam mo yung ganung klase ng friendship? Ganun."

May mensahe ba si Isabel para kay Gab?

"Wala, wala.

"We were able to talk naman to each other and say kung anumang kailangan naming sabihin.

"So, sa ngayon, wala talaga akong masasabi sa kanya."

HER FATHER’S CONDITION. Kumusta na ang ama niyang may kundisyon na cerebral degeneration?

"Ayun, my dad, same pa rin, critical, comatose pa rin siya for five months na.

"And ayun, we always talk to him kahit parang tulog lang siya.

"But the doctors kasi, sinasabi nila sa amin, the last daw nawawala is yung sense of hearing.

"So, yun, kinakausap namin siya lagi and we really pray.

"Pag nandiyan siya, nilalagay namin yung iPod, ’tapos puro mga preaching and inspirational songs para lang may marinig din talaga siya."

Kapag silang dalawa lang ng daddy niya, kinakausap ba niya ito tungkol sa mga pinagdadaanan niya ngayon?

"Yes," sagot ng aktres.

"Nasanay na din siguro talaga, nasanay na ako.

"And ang una kasi talagang nakakaalam pag may problema ako is really my family.

"Sila, sila din talaga yung nagbibigay sa akin ng lakas aside from God."

Ayon pa kay Isabel, "I really pray. To the point na feeling ko talaga, sabi ko, ’Hindi ba ako nababaliw?’

"Pero dasal ako nang dasal.

"And when I go home, I’m so grateful kasi nandun ang pamilya ko, andun sila.

"May extra effort talaga sila to really text me, to call me kahit nasa abroad.

"My friends, yun sila, nandiyan sila 24/7.

"Iyang si Jen [Jennylyn Mercado, Showbiz Central co-host], isa ’yan na kahit anong oras, natatawagan siya.

"Lahat silang mga friends ko, sinuman, ang mga friends ko, alam nila kung sino yun."

What’s the biggest lesson she learned about love and about relationship?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, never expect.

"In every relationship, you know, we hope for the best, but never expect.

"Kasi nagli-lead lang ’yan to frustrations, e.

"And in my past relationships, na-prove ko na naka-move on ako and I became stronger.

"Siguro kailangan lang pagdaanan ko ngayon para maging mas strong ako.

"And I know in God’s time, may para sa akin din talaga, may ibibigay si God para sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN