Solenn Heussaff is Ogie Alcasid’s leading lady in Boy Pick Up movie; she’s also joining cast of Legacy

Solenn Heussaff on playing Ogie Alcasid’s leading lady in Boy Pick Up movie: "’Yong baluktot na pagta-Tagalog ko, funny na! So, okey lang ’yon. Advantage na bulol ang dila ko. Mag-start kami ng shooting itong February na, kasi April yata ang playdate."


Masaya si Solenn Heussaff na siya ang gaganap na leading lady ni Ogie Alcasid sa pelikulang Boy Pick Up ng GMA Films.

Ang naturang pelikula ay spin-off ng pinasikat na karakter ni Ogie sa gag show na Bubble Gang.

Ayon kay Solenn, confident siya na magagawa niyang maging kuwela ang role niya sa pelikula.

"’Yong baluktot na pagta-Tagalog ko, funny na!" natatawang sabi ng French-Filipino actress-singer.

"So, okey lang ’yon. Advantage na bulol ang dila ko.

"Mag-start kami ng shooting itong February na kasi April yata ang playdate."

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn sa lobby ng bagong building ng GMA Network, pagkatapos ng Party Pilipinas kahapon, January 29.

SAM PINTO. Marami ang nag-akala na si Sam Pinto ang makakapareha ni Ogie sa pelikula dahil ang sexy star ang gumaganap na "Neneng Bakit" sa segment ng Bubble Gang.

Sa show na ito hango ang karakter ni Ogie na Boy Pick Up.

"Oo nga. Hindi ko alam kung ano ang nangyari.

"But I love you, Sam, I didn’t take your place!" natawang pagpapaabot ng mensahe ni Solenn kay Sam.

"Pero happy ako for this film with Ogie.

"And nasa movie na ito rin naman siguro si Sam, at may magandang twist kung bakit ako ’yong girl ni Ogie sa story.

"Okey naman kami ni Sam. Magkaibigan naman kami."

Alam na kaya ni Sam na si Solenn ang gaganap na leading lady ni Ogie sa pelikula?

"Hindi ko lang alam. I’ll ask her kapag nagkita kami," sagot ni Solenn.

Hindi kaya pagmulan ito ng intriga sa pagitan nilang dalawa?

"Uhm... baka. They can make it if they want.

"Pero kami ni Sam, dedma lang. Hindi kami magpapaapketo," natawa ulit na sabi niya.

Paano kung paratangan siyang "sulotera" ng role?

"Anong sulotera? A, ’yong parang nang-aagaw?

"Hindi, a!" sabay tawa na naman ni Solenn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VALENTINE WITHOUT HER BF. Tila magiging malungkot ang nalalapit na Valentine’s day para skay Solenn dahil nasa Argentina pa rin ang boyfriend niya.

"Yes."

Paano siya magse-celebrate ng Araw ng mga Puso?

"Uhm, I’ll go out with my friends.

"Or baka maghanap ako ng ibang lalake! Joke lang!

"I’m just joking lang!" natatawang sabi ng Kapuso star.

Kung sabagay, marami naman yatang guys ang umaaligid pa rin sa kanya kahit may boyfriend na siya?

"Wala naman.

"Masyadong shy ’yong mga lalake dito sa Pinas, e!" tawa na naman ni Solenn.

Hindi naman daw siya gaanong nalulungkot na magkalayo sila pansamantala ng boyfriend niya.

Aniya, "Sobra ako into yoga ngayon.

"So, sa yoga studio ko, may couples acrobat yoga. So, kailangan mag-doubles.

"So, nagyu-yoga na lang ako with Mond [Raymond Gutierrez] or something."

Hindi rin naman daw magtatagal sa Argentina ang boyfriend niya.

"May trabaho lang siyang tatapusin doon. This February, balik na siya sa Pilipinas."

LEGACY. Excited naman na si Solenn sa nakatakdang pagpasok niya bilang karagdagan sa cast ng Legacy, ang pinakabagong primetime series ng GMA 7.

"Fourth or fifth week yata ako lalabas.

"Ang role ko, commercial model. Endorser ng soap.

"Ako at si Sam [Pinto] na naman!"

Ang tinutukoy ni Solenn ay ang magiging professional rivalry nila ni Sam sa istorya dahil magkaibang brand ng soap ang ie-endorse nila.

Kuwento pa ni Solenn tungkol sa kanyang role, "’Tapos dati kong kaibigan si Lovi [Poe]. ’Tapos nasira ’yong friendship dahil sa selos-selos.

"At ’yong ex boyfriend ko sa story, si Sid [Lucero]. So, baka may away-away diyan.

"Itong week na ito pa lang ako magti-taping. So, nagri-ready na ako for that.

"I’m excited na talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN